Chapter 3
Myle's POV:
I was walking through the hallway in our building. I am now a Second year highschool student yeeey! hmm, 2 years to go nalang college years will now welcome me.
Malapit na ako sa room ng may maka bangga ako. ANO BA YAN!
Yumuko ako at pinulot ang mga nahulog na dala dala ko. Naku yung practice research namin andito. Buti hindi nagusot, mas safe pa siya sa pag gamit ng TRUST. ehe~
"YOU! What do you think you're doing? Are you out of your mind? Hindi ka ba tumitingin sa daan mo?!" Nagulat ako sa pag sigaw niya pero seriously? haaay. Ang cliché ni mister.
"Sorry na Mr. Badboy." Sabi ko at tumingala na. Sino ba to? ngayon ko lang to nakita ah!
Ang ganda ng mata niya... Kulay--
LIKE AN ECHO IN THE FOREST~
Aiiish bwiset na alarm! malalaman ko na kung ano kulay ng mata niya ih!
Pilit kong inaalala ang panaginip ko pero sadyang yung huling parte lang at yung lugar na pinangyarihan ang naaalala ko. Ateneo de Naga, doon yun nangyari. Does it mean na naaalala ko na ng unti-unti ang nakaraan ko?
Natuwa naman ako sa naisip ko kaya magana akong bumangon at nag handa na. Hahanap ako ng part time job. Yun talagang mga farm namin sa Bicol eh si Tita Imelda ang nag mamanage nun. Kapag may mga urgent needs lang ako kailangan. Hindi naman ako umapila na sila ang mag manage kasi hindi ko naman talaga yun kaya mag-isa.
Favorite Auntie ko si Tita Minday. Hehe Minday tawag ko sakanya kasi Why not diba? Bago ako lumipat sa manila eh siya ang tumulong sa akin.
Hmm. Bored din kasi ako kaya ako mag hahanap ng trabaho. Nah paalam na ako ki tita at okay din naman sakanya kasi siya naman daw bahala sa Farms hehe.
•••
Nandito na ako ngayon sa kumpanyang aapplyan ko.
Hmm. WOW! ANG LAKI!
Naglakad na ako papunta sa entrance.
"Ahh, hi manong guard hehe. I'm one of the applicants for the HR department." Sabi ko kay manong guard.
"Ah! opo Sir, This way po." Wow guard na din mag hahatid? Pano yung entrance?
Nilingon ko yung entrance at nakita ko naman na may isang guard pa don. Wow ang astig naman.
Hinatid ako ni manong hanggang elevator.
"Diretso nalang po kayo sa 12th floor tas tanong nalang po kayo sa front desk." Sabi ni manong.
"Salamat po manong." Sabi ko at ngumiti ng matamis.
Sumakay na ako sa elevator, may iba pa akong kasabay na talaga namang nakakainis kasi tili ng tili at kala mo higad na kinikikiliti.
"Alam mo ba kanina si Sir E ang hot ng porma. ACK! tapos ang smile niyaaa WAAAH ayaw ko na girls mamamatay na ako." Sabi ni Shrimp no.1
"Talaga ba girl? naku sana sa HR dep. nalang ako para malapit sa office ni sir E para lagi kong nasisilayan." Ayan may shrimp no.2 na tayo
"ACK! true ka diyan girl! nasilayan ko din kanina si sir E sa lobby huhu."
*ting*
Buti naman nasa 12th floor na kami. Nakakairita makinig sakanila, ewan ko ba basta naiinis ako sakanila.
Lumabas na ako ng elevator at dumeretso sa front desk. May nakatalaga doon na mid-30's na babae. Matanggap kaya ako dito?
"Hello, good morning I am Myles Juztin Juarez an applicant for the HR management manager." Tukoy ko sa pag aapplyan kong posisyon.
"Good morning, you may proceed to the waiting area and wait for your name to be called." Sabi niya sa maamong boses.
"Thank you Ms.?" Tinanong ko na din name niya para kung sakali na matanggap ako dito eh may kilala na ako.
"Nina." Sabi niya kaya ngumiti na ako at dumiretso sa waiting area,
•••
Sampung minuto na ang nakalipas at nag hihintay parin ako dito. Medyo marami ang applicants pero ang pansin ko lang eh puro babae ang mga ito. Hindi ko nga alam kung mag aapply ang iba dahil super iksi na ng palda at labas ang cleavage sa blouse.
Hindi ba nila alam ang proper attire for seeking a job? haay.
"Myles Juztin Juarez." Sa wakas ako na.
Tinaas ko na ang kamay ko at sumunod sa sekretarya at ng boss dito sa HR.
"Mr. Juarez you may proceed to the interview room. Please expect that you will be facing the CEO of the company." Nagulat man ako sa sinabi nitong mag iinterview saakin eh tinatagan ko parin ang loob ko. Sayang din nito noh, pang-alis boredom.
Pumasok na ako sa interview room.
"Good morning Sir, I am Myles Juztin Jua--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang mag i-interview saakin.
"SIR ETHAN?!" Napasigaw ako, hala.
"Myles? hmm, nice seeing you again huh." Naka smirk na sabi niya saakin.
Hala sakanya tong kumpanya?
Tinignan ko ang resume ko at tinignan kung ano yung pangalan ng company. SY CORP. Shuta tanga ko naman.
"Oh uhm, same here sir." Muntik ki nang mapukpok ang ulo ko. aning kabobohan yon Myles?
"So let's start the interview." Sabi niya at ginaya ako na maupo.
"Hmm, name?"
"I'm Myles Juztin Juarez."
"Age?"
"24 years old."
"Hmm. It's been 6 years huh" Ano daw? 6 years nang nakalipas ng ano?
"Pardon sir?" tanong ko.
"Oh nothing, let's continue. Civil status?"
"S-single po." Bakit ako nautal? bwiset kasing blue eyes yan. Kung makatitig.
"Degree?"
"BS management graduate sir."
"Hmm. Based here in your resume you graduated as cumlaude."
Yes. I graduated as Cumlaude, even though nawala sina papa saakin. I managed to get through it at tapusin ang pag aaral ko. Nagamit ko ito kahit papaano sa pag manage ng farms namin sa Bicol.
"Yes sir." Sagot ko.
"Hmm. Then, why should I hire you?" Tanong niya. Ang cliché naman.
wait. Parang pamilyar yung sinabi ko.
Ang cliché ni mister.
Ano yun? ba't biglang pumasok sa isip ko? Nasa Panaginip ko ata yun kanina.
Nabalik ako sa reyalidad ng ulitin niya ang tanong kanina.
"Mr. Juarez, Why should I hire you?" Hala, tinatanong niya nga pala ako.
"Hmm. Why should you hire me sir? I don't know, I just believe that I am qualified in this position and the rest of your strandards may vary. I am not and will not be a perfect employee but I strive for the best, not just for my sake but also for the company's sake." Sabi ko.
Nang pagmasdan ko siyang mabuti. Nakita ako kung paano siya humanga sa sagot ko. Pero para bang alam na niya magiging sagot ko at hindi na siya nagulat. His blue orbs shining with amusement and longingness.
But when he snapped out of reality, his eyes became blank and he plastered a smirk.
"Well then, you're hired. I expect you here tomorrow at 9:30 AM sharp." Napangiti ako sa sinabi niya.
YEY! NEW WORK HERE I COME.
BINABASA MO ANG
Ethan Carl Sy (Lost series # 1)
RomanceLOST SERIES #1 'Bakit... parang pamilyar siya?' Something is lost Something is gone and Something will remain. PS: LGBT story Tagalog-english story Male Pregnancy