Chapter One
Faumi was wearing a pink off-shoulder dress that is reaching just above her knee. While Hunter, on the other side of the table, was just wearing a simple black plain shirt and a ragged jeans. They were just staring to each other and unable to talk.
Faumi stared at him and so is he. Ang waiter na naghihintay sa order nila ay papalit-palit ng tingin sa dalawa. Gusto niyang pukawin ang atensyon ng dalawa pero pagtingin pa lang niya sa mukha ng dalawa ay natatakot na siya.
Tho they both looked innocent and harm-free ay natatakot pa rin ito.
Nang hindi na matagalan ni Faumi ang titigan ay siya na mismo ang sumira sa katahimikan. She cleared her throat, "So?" Pag-uumpisa niya. Medyo kinakabahan pa dahil walang mababakas na emosyon sa mata ng kaharap. Sanay naman siya na ganun talaga ang mga mata nito pero iba ang dating ngayon.
"Anong gusto mong itanong at kailangan pang magkita tayo?" Tanong ulit niya nang hindi ito sumagot at nakatitig lang sakanya.
Umiwas ito ng tingin. Hindi sinagot ang tanong niya at bumaling sa waiter, "The usual."
His voice made the waiter shiver. "O-okay sir." Dahil sa takot ay naglakad ito ng mabilis palabas ng V.I.P room ng resraurant.
"So, ano nga?" Medyo naiirita ng tanong ni Faumi kay Hunter. Kapag hindi pa nito sinagot ang tanong niya ay masasapak niya ito.
Napa-absent pa siya dahil dito. Papunta na sana siyang klase niya ng magtext ito at sinabing magde-date sila. Umangal siya kasi nga may klase pa siya but knowing Hunter ay hindi pwedeng hindi ang sagot kaya napilitan na lang siyang sumipot.
Tutal, gusto din naman niyang makita ito. She missed him.
Agad niyang sinuway ang utak niya. Ano ba itong pinagsasabi ko? Why would I miss him?
Magsasalita sana ang binata ng pumasok ang parati nilang ino-order kapag lalabas sila. Agad na natakam si Faumi ng makita ang paborito niyang ulam. Palihim na lang na umiling si Hunter nang makita ang reaksyon nito pero nang lumingon sa kanya si Faumi ay agad itong umiwas ng tingin at may tumango sa waiter.
Agad namang lumabas ang waiter pagkatapos ay may pumasok namang mga lalaking may hawak na violin. Sumenyas ang daliri ng binata tanda na maaaring tumugtog ang mga ito.
Faumi was shocked. She looked at Hunter with teary eyes. She just can't believe that Hunter was really doing this. Hindi niya aakalain na tutuparin niya ang hiling nito dati na gusto niya ng romantic date with a sweet music background.
Dahil sa tuwa ay napatayo siya at yumakap sa binata.
Hunter's body stiffined and his heart start beating abnormally na lagi niyang nararamdaman sa mga nagdaang taon. Sa tuwing nagsasagi ang mga balat nila. Sa tuwing yumayakap ang dalaga sa kanya. Sa tuwing ngumingiti ito. Sa tuwing masaya ito.
Yumakap na lang din siya sa dalaga na nakasanayan na din niyang ginagawa kapag may ganitong gagawin ang dalaga sa kanya.
"Let's eat." Malamig na saad niya kabaliktaran ng nararamdaman niya. Humiwalay din naman ang dalaga at bumalik sa upuan niya.
Di na din pa muling nagtanong si Faumi kung bakit biglang naging ganito ang binata. Sa pagkakaalam niya kasi dito ay hindi siya mahilig sa ganito-ganyan.
Pagkatapos kumain ay inaya siya ng binata na maglibot libot sa kung saan man. Its like he planned it already with no destination. Umikot-ikot lang sila sa city.
BINABASA MO ANG
MBSERIES#1: GUARDING THE MAFIA PRINCE
Fiction généraleMAFIA BROTHERS SERIES NO. ONE Faumi and Hunter have the worst past ever. They were in relationship since childhood with no feelings. A relationship with no feelings attached. But after 6 years they fell apart because of the the feeling they feel. Af...