March 19, 20**
Hi Paul!
Pasensya ka na ha, alam kong sobrang busy ka na, alam kong nakaka-istorbo ako sa'yo ngayon, pero sana hayaan mong sayangin ko ang ilang minuto mo para basahin tong sulat ko.
Natatandaan ko pa kung paano tayo unang nagkakilala.2nd year highschool, first day of classes,transferee ako nun. Natatandaan ko pa nun, naging mag seatmates tayo at kinuha mo ako mo ng upuan sabay lahad ng iyong kamay sabay banggit ng iyong pangalan- tinanggap ko ito ng hindi nag aalinlangan,
Tandang tanda ko pa nung araw na yun,hindi ko maalis ang tingin ko sa iyo,sa tuwing magkakatinginan tayo, para akong natutunaw.
Natatandaan ko pa nga nung nagkataong tayong dalawa ang representative sa ating section na magiinterview sa ibat ibang magkarelasyon sa ibang lugar tungkol sa 'Valentines Day' sabi pa nga sa atin nung dalawang mag asawang matanda,bagay daw tayo,nung mga oras na iyun,biglang may kung anong dumali sa puso ko at biglang bumilis ang tibok nito.
Tinutukso pa nga tayo dati ng mga kaklase natin e,kasi lagi daw tayong magkasama
Natatandaan ko pa nga nung time inaccept mo yung friend request ko sayo sa facebook. Sobrang saya ko,crush na kasi kita nung mga panahong iyon, at mas lalo pa akong natuwa nang magchat ka sa akin. Nag papasalamat ka sa pag add ko sayo tapos nagreply ako sayo nun ng 'walang anuman' gusto ko pa nga sanang dugtungan ng heart shape kaso natatakot ako na baka mahalata mo, kaya smiley face na lang.
Hindi ko nga alam kung bakit kapag magka-chat tayo parang halos hindi na tayo mauubusan ng topic pero pag sa personal naman, madalang tayong magusap. Pero sobrang natutuwa ako nung unti-unti nang lumalapit yung loob natin sa isa't isa- yung una mong beses na tinawag akong 'bestfriend' at yun yung unang beses kang nag labas ng sama ng loob sa akin tungkol sa two-timer mong girlfriend.
Tandang tanda ko 'yun. Hating gabi, pumunta ka sa bahay namin at umiiyak dahil nahuli mong niloloko ka ng girlfriend mo. Ito yung unang beses kitang nakitang umiyak at sobrang nasasaktan. Sabi mo pa nga nun na mahal na mahal mo pa rin siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa'yo para mapagaan yung loob mo, kaya tanging yakap na lang ang naisagot ko nun. Gustong gusto ko pa nga sanang sabihin na sayo na ako nalang yung mahalin mo kasi ako, hindi kita sasaktan, hindi kita iiwan at lalong lalo nang hindi kita ipagpapalit sa iba, kasi kapag naging tayo, wala na akong hihilingin pang iba kaso walang akong lakas ng loob para sabihin ang laht ng iyon sa iyo sapagkat hindi pa ako handa.
Pero buti naka move on ka na, at sobrang saya ko nung mga panahong ito kasi nakikita na ulit kitang masaya. At napansin kong mas naging malapit tayo sa isa't-isa.
Pero ang hindi ko talaga malilimutan ay yung panahong nasa ilalim tayo ng puno, hawak mo ang gitara mo at kinakantahan mo ako. Puro love songs- sabi mo sa kin, para sakin lahat ng kinanta mo. Nakangiti ka habang kinakantahan mo ako at ang nakakainis, parang natutunaw ako sa mga titig mo. Kung alam mo lang kung ga'no kabilis at kung ga'no kalakasang tibok ng puso ko sa'yo- parang gusto ng lumundag at makawala sa dibdib ko sa sobrang pagpipigil. Ang tindi mo kasing magpakilig.
J.S prom nung pormal mong sinabi ang nararamdaman mo para sa akin. Doon mo tinapos ang pag-aassume ko, dun mo tinapos ang pagiging magkaibigan natin. Mahal mo na kasi ako. Sinabi mo sakin na gusto mo kong ligawan- aba! aarte pa ba ako? Syempre pumayag aagad ako nun, matagal ko na kasing hinihintay na sabihin mo sa akin yan. Sinabi mo pa nga sakin ang katagang "Can I court you?"yang katagang yan ang hindi ko malilimutan habang buhay.Kung alam mo lang, mas nauna pa akong nahulog sa'yo- nahuli ka 'man pero paparating ka na para saluhin ako.
Halos isang buwan ka nanligaw sa akin. Syempre hindi ko na pinatagal pa, kasi feeling ko sasabog na talaga eh. March 19 nang opisyal na maging tayo. Isa 'to sa pinakamasayang araw ko. Naalalala ko pa nung nangako tayo sa isa't isa na walang iwanan, kasi gusto ko talaga ikaw na, hanggang huli..
