Chapter 2

7 1 0
                                    

Natatandaan ko pa nung dalawang taon na ang relasyon natin. Mas matibay na ang relasyon natin, hindi naman kasi perpekto ang relasyon natin eh. Kahit madalas tayong may hindi pagkakaunawaan at awayan na naaayos naman. Ang saya ko kasi nagtagal tayo,Ang saya saya ko kasi nasa tabi kita. hindi ko tuloy maisip ang buhay kung wala ka. Sinanay mo kasi ako eh.

Kaso biglang nagbago ang lahat.

Naaalala ko pa nung tumawag ka bigla, sobrang saya mo nun. Sabi mo, may kumukuha sa'yong producer at balak kang gawan ng album. Hindi lang sya basta-bastang producer, sabi mo kaya ka nyang pasikatin agad-agad. Tuwang-tuwa ako nun. Diba pangarap mo yun? Pangarap mong maging isang sikat na singer diba?. Ayan na o! Abot kamay mo na ng pangarap mo.

Natatandaan ko pa nga noon, sumusulat ka ng kanta para sa akin at ang nakakatuwa sumisikat agad yung mga kanta mo. Naaalala ko pa nga na ako yung una laging nakakarinig ng mga bago mong kanta. Naaalala ko pa yung unang album mo, hit agad. Lumago ng lumago ang career life mo. Masaya ako para sa 'yo pero natatandaan mo pa ba? Nung unti-unti ka nang lumalayo sa akin, nawawalan ka na ng oras para sa akin. Hindi na nga tayo nagkikita eh, ni- hindi din kita macontact. Simula pagkagising hanggang sa bago ako matulog, ikaw ang iniisip ko, Minsan na nga lang tayo nagkikita, pero ang dalas pa nating mag away.

Natatandaan ko pa nung araw na tinanong kita kuna ano pa ba ako sa 'yo? Meron pa ba akong lugar dyan sa buhay mo? Alam mo? Ang saya ko kasi naabot mo na ang pangarap mo pero hindi ko kayang maging sobrang masaya kasi hindi na sa akin ang atensyon mo.

Ang dami mong naging fans. Halos lahat babae. hanggang sa mga panahong iyon alam ko, alam ko na ako lang eh. Kaso hindi ko maiwasang masaktan kada mayhihilahin kang babae sa unahan at haharanahan. Ang masakit lang ay yung kanta na sinulat mo para sa akin ay kinakanta mo sa iba.Selfish na kung selfish,mahal na mahal kasi talaga kita e.

At dahil sa mga pag aaway na iyon ikaw na ang tumapos ng lahat. Para hindi na ako mahirapan pa,

para hindi na makonsensya pa- nakipag break ka na. Hindi ko inaakalang hahantong sa ganung sitwasyon, ang balak ko lang naman ay kausapin sya pero ang nangyari ay nakipaghiwalay ka.

Ayokong mawala ka, diba sabi ko sayo, hindi ko kaya na wala ka sa tabi ko, diba nangako tayo sa isa't isa na walang iwanan.

Kinabukasan nun, nagmakaawa sa'yo. Sabi ko na okay lang sa akin na busy ka. okay lang na gamitin mo yung kanta mo para sa akin para kantahan yung mga fans mo. Okay lang kahit hindi moo masagot o makapagreply sa mga text ko. Okay lang lahat sa akin. Kaya kong magtiis, kaya ko pa. Mas mabuti pa to kesa tuluyan mo na akong iwan. Lumuhod pa nga ako, para patunayan sa yong kaya ko pa. Pero hindi ka pumayag. Sabi mo ayaw mo na talaga. Itigil ko na ito, itigil na natin ito. wag na akong magpakamartyr sayo.

Natatandaan ko pa nung iniwan mo akong nakaluhod, iniwan mo akong humahagulhol sa pag iyak, iniwan mo akong sirang-sira. Ang sakit-sakit

para akong naiwan sa ere. Parang lahat ng pangarap natin sa isa't-isa, gumuho lahat. Wala na, wala nang natira. Akala ko kasi, ikaw na talaga, ikaw na hanggang huli, pero akala ko nga lang pala yun. Hindi ko inaasahan na ganun ka kabilis sumuko, ganun ka-kabilis bumitaw, ganun mo ako kabilis binitawan.

Sinubukan kong mag move-on at mag pakasaya, pero hindi ko magawa. kada san ako tumingin ikaw yung naaalala ko, miss na miss na kita. at para talaga akong gaga kasi pumunta ako sa mall show mo, nandun ako sa isang sulok, pinapakinggan ka.

Naaalala ko pa nun, habang pinapanuod kita, umiiyak ako. hindi kasi nag bago yung nararamdaman ko sa'yo. Tagus-tagusan parin yung boses mo sa puso ko. Walang nagbago. Gustong-gusto ko paring pinapakinggan yung boses mo, ang kaibahan nga lang masakit na.

Tanga na kung tanga, pero mahl kasi talaga kita e.Minsan nga nahuhuli ko ang sarili ko na nakatulala sa'yo. Dati, ang liit ng gap natin,kayang kaya kitang abutin noon, pero ngayon, mula sa malayo na lang kita natatanaw.Ang layo mo na. Hindi ko nga alam kung naaalala mo pa ako eh. Alam mo ba, sinusundan kita kahit san ka man pumunta- sa mga shows mo, concert at ibang mall shows mo, masilayan ka lang. Okay lang kahit hindi mo ako nakikita, ang mahalaga ako, nakikita kitang masaya sa ginagawa mo.

Naaalala ko pa nun nung mapanuod kita sa T.V., tinanong ka nung nagiinterview sa'yo na kung may girlfriend ka na, sabi mo oo. kayo na nung isang sikat na model na matagal nang nali-link sayo. Halos gumuho na naman ang mundo ko sa pangalawang pagkakataon. Sinaktan mo na naman ako.


Natatandaan ko pa (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon