ako, itinuloy ko yung buhay ko at eto nga after two years bumalik ako.
Alam ko, habang binabasa mo itong sulat na ito, wala na ako. Oo tama yung nababasa mo, Simula nung nagpakalayo ako, sa loob ng dalawang taon wala akong ginawa kundi ang magpagamot pero wala na talaga, malubha na talaga, wala na, hindi na kaya- sabi nga nila, the damage has been done na. Kaya minabuti nalang na itigil nalang ang gamutan kasi wala din namang nangyayari.
Ah oo nga pala, yung mga panahon na wala ka nang oras sa akin, dun ko nalaman na may sakit na pala ako, sakit sa puso. Sabi ng doktor nakuha ko daw itong sakit na ito galing sa mama ko. Sorry kasi ngayon ko lang to nasabi sayo, pasensya ka na dahil hindi ko sinabi sayo to nung mga panahong tayo pa, natatakot kasi ako, natatakot ako dahil alam kong wala din namang kwenta kung
sasabihin ko sayo ang nararamdaman ko, alam kong ba-balewalain mo lang yun.Masaya ka na sa buhay mo ngayon diba?Kaya minabuti ko na lang na isekreto na lang sayo at tsaka baka isipin mo naman na gumagawa lang ako ng paraan para makahanap ng oras para makasama tayo.
Wag kang mag alala pag nasasaktan ka, at umiiyak ka pumunta ka lang sa puntod ko, pumunta ka lang sa akin kagaya ng dati. Kahit nasasaktan ako, papakinggan pa rin kita. Basta ang mahalaga? Tanggap ko na. Masaya ako para sa'yo.
Natatandaan mo pa ba nung dumating ka sa buhay ko. Ikaw ang nag bigay ng kulay noon dito. Ikaw 'yung naglalagay ng ngiti sa labi ko. 'Yung mga kanta mong nakakatagos sa puso, yung ngiti mong nakakamatay, tandang tanda ko pa yun, at wag mong kalilimutan na mahal na mahal parin kita, san wag mo yang kalilimutan.
Hindi man tayo para sa isa't isa.Pero atleast dumating yung araw na sumaya ako at nakilala kita..
Wag kang magtaka kung bakit ngayon mo lang to natanggap, sabi ko kasi kay papa na ibigay tong sulat na ito after one year bago ako mamatay. kaya ayan! Medyo napahaba ata yung sulat ko, salamat sa oras mo :) paalam.
Still loving you,
Cassandra.
----.----
Thanks For Reading.Hihi
BINABASA MO ANG
Natatandaan ko pa (Short Story)
KurzgeschichtenA girl who wrote a letter for her love.