Walang tigil sa pagpatak ng luha ko nang marinig ko ang balitang iyun. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng mga sakit na naidulot mo sa akin ay mahal parin kita. Naiingit ako sayo, kasi buti ka pa, nakamoved on na samantalang ako, heto parin patuloy na nagmamahal sayo. Matapos kong umiyak nun, parang bigla na lang akong natauhan. Nagpapakatanga ako sa isang lalaking matagal na akong kinalimutan. Ayoko na, pagod na pagod na akong masaktan.
Binitiwan kona. Pagkatapos nun, hindi na ako pumunta sa mga shows mo. Ayokong marinig ang pangalan mo o maging ang boses mo.Ilang buwan din ang lumipas, unti-unti na akong nakaka move-on, at unti-unti na din akong sumasaya. Pinagpatuloy ko ang buhay ko at natuto na din akong mawalan ng pakialam sa'yo.
O akala ko lang yun.
Hindi ko malilimutan ang gabing 'yun.
Sa loob ng mahabang panahon, nakita na naman kita sa labas ng bahay namin. Gulat na gulat ako sa pagpunta mo at ang mas ikinagulat ko pa, umiiyak ka nun, Lumapit ka sa 'kin at niyakap mo ako ng napakahigpit. Akala ko babalikan mo na ulit ako, pero...
Natatandaan ko pa yung mga katagang binulong mo sa akin. "Iniwan nya na ako para sa iba, ang sakit-sakit." Nagflashback lahat ng memories natin nung highschool. Sa ganito rin nagsimula yun. Iniwan ka ng girlfriend mo at sa akin ka tumakbo. Alam kong iba na ang sitwasyon ngayon, hindi ko pa nakakalimutan kung paano mo dinurog ang puso ko. Pero lahat nga ata talaga ng taong nagmamahal, ay sadyang tanga. Niyakap kita nun ng sobrang higpit at hinayaan kitang umiyak sa akin.Minsan,inisip ko,umiyak ka rin kaya dahil sakin?
Akala ko sa mga oras na yun, babalik lahat. Yung pagmamahal mo sa akin, yung dating spark, kasi ako kaya kong kalimutan lahat ng sakit, para lang magsimula ulit ng panibago. Kaso mali ako.
Pagkatapos ng tatlong araw, parang walang nangyari, nabalitaan ko na lang na kayo na ulit ng girlfriend mo. Sa napakaraming beses na pagkakataon, nasaktan na naman ako.Siguro nga hindi talaga tayo para sa isa't isa.Akala ko babalik sa lahat, yung parang nung highschool, yung mga masasayang alaala, yung gagawan mo ulit ako ng kanta yung babalik sa dati, pero akala ko na naman ulit yun. Ano ba yan, hindi na ako natuto.
Pero wag kang magaalala hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita- kahit ang sakit sakit na, kahit hindi ko na kaya. Simula nung nalaman ko yung balitang yun, nagpalayo-layo ako.