"Bakit po ang baba ng grade ko?"
"Honor student po kasi ako."
"Hindi na po ba pwedeng i-adjust?"
Dapat naman talagang maging obhetibo ang mga guro sa pagbibigay ng grado. Patas, walang kinikilingan. Hindi naman nila basta pwedeng babaan ang mga batang ayaw nila at basta taasan ang mga gusto nila. Tagalista lang sila ng mga pinapasa at ipinapamalas ninyo sa silid-aralan. Kayo ang lumikha ng mga numerong nakita niyo sa class card ninyo. Sila lamang ay tagapagturo at hindi doktor na kayang pagalingin ang namumula niyong class record.
Bakit parang kasalanan pa nina mam at ser kung bakit ganyan yung grades niyo? Sila na lang ba palagi ang mag-a-adjust? Honor students pala e, bakit hindi niyo ginalingan? Okay class, uwian na.