--
"Sweetie wake up! First day niyo ngayon kaya bumangon ka na diyan bago ka pa ma-late" Sigaw ni mama galing sa ibaba. Nasa 2nd floor kasi yung kwarto ko.
I forgot. May pasok nanaman pala. Nakakatamad 1st day ko pa naman ngayon sa Destiny International School (DIS).
"Opo ayan na po." Sagot ko ng magalang sa mabait kong nanay.
Bumangon na ko sa kama at inayos. Bait ko noh? Wala eh, mana kay mama.
After kong ayusin yung kama ko dumiretso na ko sa banyo at nagshower. Nagbihis at nag-ayos na ko para less hassle na mamaya.
Paglabas ko ng kwarto. Agad na sumigaw si mama sakin.
"Nak! Pakigising naman yung kakambal mo. Baka ma-late nanaman yun. First day pa naman din niya ngayon."
"Opo ma!" Sabi ko kaagad at dumiretso na sa kwarto ng kakambal ko.
Jusko! Tapos na ko mag-ayos ng sarili hindi pa din gumigising ang mokong.
Kaka-transferred ko lang sa Destiny International School. Nandoon kasi yung kakambal ko. Kaya inilipat na din ako doon ni mama. Hindi na ko tumanggi dahil wala na rin naman akong magagawa. At balita ko din. Sikat si kuya sa D.I.S dahil varsity siya ng basketball. Well perks of being varsity.
Kahit isang laro nga ni kuya hindi pa ko nakakapanood. Siguro ngayon makakapanood na ko nasa iisang school nalang kami.
Pero syempre dahil sporty si kuya. Sporty din ako. Kaso volleyball naman ang nilalaro ko. Varsity ako sa dati naming school at ako ang captain ball kahit 3rd year pa lang ako.
At ngayon................. Magtatry-out ako sa D.I.S ng volleyball. Can't wait.
Wait for me baby!
Kumatok na ko sa kwarto ni kuya. At sabay binuksan ang pinto.
WHAT? Tulog pa din siya. Kakambal ko ba talaga to?
"Kuya! Kuya! Gising na! May pasok na tayo!" Sigaw ko kay kuya. Tulog mantika tss.
"Hmmm. 5minutes." Sabi ni kuya habang nakapikit.
"Okay. Bilisan mo at baka malate pa tayo. Bumaba ka na sa baba para makapag-breakfast ka na." Sabi ko sabay alis sa kwarto niya.
Pagbaba ko sa ibaba. Naamoy ko na agad yung nilulutong bacon ni mama. Hmmm yummy! My peyborit.
"Morning ma! Mukhang masarap yang niluluto mo ah?" Paglalambing ko kay mama.
"Nambola pa to. Prito lang yan Jem." She chuckled.
"Mukhang masarap naman talaga ma." Pagdedepensa ko. Hindi ba siya naniniwala na masarap ang luto niya.
"Syempre favorite mo to. Ikaw talagang bata ka!" Pangangatwiran din ni mama.
"Nasan na kuya mo? Ginising mo na ba?" Tanong ni mama sakin.
"Opo. Nasa itaas pa 5 minutes pa daw." Sabi ko habang umiiling.
Umupo na ko sa upuan ko at LUMAPANG. Lapang talaga cause' I'm hungry. Come to mama bacon.
Pagkatapos kong kumain ay sabay na pagbaba ni kuya.
"Morning!" Sabi ni kuya habang nagpupunas pa ng muta sa mata. Tulog mantika talaga!
"Bilisan mo kuya! Tagal mo talaga." Sabi ko kay kuya.
BINABASA MO ANG
Clash of Varsities
Teen FictionWhen the volleyball girls discovers mystery that every handsome looks can hide a thousand answers in every questions. But the mystery and danger deepen as they get to know each other... And their real enemies. Ultimately, they discovers that only th...