COV 2

300 8 0
                                    

--

Naglalakad na kami ni kuya papunta sa bulletin board para tignan kung saan ang magiging classroom namin at kung ano ang magiging section namin for the whole year.

Si kuya na ang nagprisinta tumingin dahil nakakatamad gumalaw ng gumalaw. Tutal lagi namang hyper tong mokong na to kaya siya nalang ang tumingin. Ginusto niya yan, edi pagbigyan!

"Woooaaaah! Ayos classmate tayo lil sis! For the first time ngayon lang tayo magiging magkaklase." Tuwang tuwang wika ni kuya sakin.

Childish talaga. Mas panganay pa nga ko tignan dito kapag kumilos. Paano ba naman kasi napaka pilyo at kulit, dinaig pa ang grade school sa sobrang kakulitan. Pwede na din ang pre-school if you don't mind.

"Tara na kambal! Excited na kong maging kaklase ang napakasungit kong kakambal." Pang-aasar niya sakin

Hindi ba talaga mawawalan ng enerhiya to sa katawan? Napaka-hyper! Nak-ng!

Naglalakad na kami sa corridor at feeling ko parang may artistang dumadaan sa harap nila.

Tumingin tingin ako sa harap, gilid at likod pero kami lang naman ang nandito. Yung totoo?

"Masanay ka na sis. Ganyan talaga kapag may gwapo kang kasama." Bulong ni kuya sakin. Napansin niya siguro yung paglingon lingon ko.

"Grabe giniginaw ako. Tell me may bagyo ba? Para kasing may bagyo!" Pang-aasar ko din.

Sinamaan lang niya ko ng tingin. Akala niya ha!

"Nandito na pala tayo. Welcome to 4-mapagmahal!" Sabi niya.

What the fudge? May ganung section ba? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatawa. Seriously 4-Mapagmahal?!

Hindi sa bitter ako. Naninibago lang.

Pagkapasok ko sa classroom. Feeling ko wala akong magiging kaibigan dito.

"Guys! Guys! What's with that face? Huwag aawayin to ah?" Sabi ni kuya sabay akbay sakin.

Ang sama tuloy ng tingin sakin ng mga babae.

"She's my twin sister!" Pagpapatuloy ni kuya.

Sa totoo lang mukha silang gago I mean kwago. Nagsisilakihan yung mga mata nila na animo'y gulat na gulat.

"Maliwanag ba yon?" Sabi ulit ni kuya ng may pagbabanta.

Idol na talaga kita kuya. Ikaw na! I'm so proud of you kambal.

"Upo ka na. Maya ka na mag daydream diyan at baka maglaway ka pa dito." Sabi pa ni kuya.

Aba di porket ipinagtanggol niya ko ganyan na siya.

"Tse! Atleast hindi tulog mantika!" Pangbabara ko sakanya.

"Oo na Ms.Sungit!" Sabi nito ng may halong pang-aasar din.

"Tse kulit!" Sabi ko naman ng may halong irap.

Paupo na sana ako ng may mahagip yung mata ko. Ang

Gwapo niya.......

Jemina magtimpi ka. Nandito ka sa D.I.S para mag-aral at hindi para lumandi.

Pero....... Last na talaga to........

Ang dami namang gwapo dito.

Yung totoo? 4-mapagmahal pa ba to o langit na?

Enough na nga sa kalandian. Makahanap na nga ng mauupuan.

I like that spot. (Bandang likuran malapit sa bintana) Nasa 5th floor nga pala ang mga classroom ng grade 10 hindi naman hassle dahil may elevator.
Habang nakatanaw sa ibaba may nakita akong magkakaibigan. How I miss my friends makakahanap pa kaya ako ng katulad nila dito sa D.I.S? Pero parang imposible eh. Sila lang yung nakilala kong mga tunay na kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clash of VarsitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon