Chapter 1

108 5 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nakatayo sa cabinet ko para maghanap ng maisusuot. Meron daw kasing bisitang darating, hindi na bago iyon sa dami ng mga kakilala ni Daddy. Minsan ay mga kasosyo sa business o di naman kaya ay kaibigan lang talaga. Ewan ko din ba kung bakit pa kami kasama sa mga ganun gathering nila, hindi ko lang maintindihan. 

Bigla ay bumukas ang pinto, iniluwa nun si Yaya Lucing. "Oh, Rhianne? Bakit hindi ka pa nagbibihis?" Tanong niya. 

Hanggang ngayon kasi ay nakatabing parin ako ng twalya at nakatayo dito sa cabinet ko. Ngumuso ako. "Hindi ko po kasi alam kung ano ang isusuot ko Yaya Lucing." 

Lumapit si Yaya Lucing sa cabinet ko kaya napaatras ako ng bahagya. "Ito oh, itong bistida nalang na ito. Babagay din naman ito sayo eh." Ani niya. 

Itinapat niya pa sa katawan ko iyon na parang malalaman niyang babagay talaga iyon saakin. Red Peter Pan collar dress na polka dots ang design. Simple lang yung desenyo nun pero maayos at presentable tignan. Sinulyapan ko ang sarili ko mula sa salamin ng cabinet ko, okay naman siya saakin. 

"Sige na't magbihis ka na, nasa baba na ang Mommy at Daddy mo." Sabi niya. 

"Sige po." Sagot ko at kinuha yung bistida. 

Nagbihis na ako gaya ng sabi ni Yaya Lucing. Si Yaya Lucing ang pinakaclose ko sa lahat ng kasambahay namin dito. Siya rin ang pinaka-nahihingan ko ng tulong kapag kailangan ko ng kasama. Na kahit minsan ay di ko siya hinihingan ng tulong, nagkukusa siyang tulungan ako sa mga bagay bagay. At para saakin, siya na nga ata ang pangalawang Mama ko dito sa bahay.

Tinulungan ako ni Yaya Lucing sa pagbibihis at oag-aayos ng buhok ko. Ginawa niyang ponytail yung buhok ko at nilagyan ng ribbon na pula. Pinasuotan niya din ako ng puting dollshoes saka inayos yung mga baby hair ko na hindi nasama sa tali ng buhok ko. Sa huli ay hinarap niya ako sa salamin. 

"Angganda naman ng alaga ko na 'to." Puri niya saakin. 

Ngumiwi ako. "Hindi ata bumagay saakin, Yaya Lucing." 

Bigla ay natawa si Yaya Lucing saakin. "Hindi kaya, angganda mo tignan sa bistida na yan. Ikaw talagang bata ka." 

"Yaya naman eh, nambola pa." Sabi ko.  

"Nako, halika na nga't darating na yung mga bisita." Sabi ni Yaya, tumango nalang ako.

Bumaba na kami ni Yaya gaya ng anyaya niya saakin. Hawak hawak ni Yaya ang kamay ko at kinakausap din ako habang pababa kami. Dumiretso na kami agad sa may receiving area namin, dito madalas na kinakausap ang mga bisita namin kapag kadarating palang. Nang dumating kami dun ay nandun na sila Ate Freya, Mommy at Daddy. Napatingin sila saakin nung makita nila ako, binigyan pa ako ng matamis na ngiti ni Daddy. 

"Hello there, Princess." Sabi ni Daddy at tinapik pa ang ulo ko. Sinuklian ko siya ng isang matamis na ngiti. "You look gorgeous with this ribbon." Dagdag pa ni Daddy. 

"Psh, it doesn't fit her dress, Arthur." Bigla ay sabi ni Mommy saakin. Tuloy ay unti unting nawala yung ngiti ko sa labi. "Mukha siyang ireregalo dahil sa ribbon sa ulo niya." 

"Miranda." Ani ni Daddy, napatingin nalang ako sa sahig habang pinaglalaruan yung kamay ko. Ewan ko pero unti unti akong nakaramdam ng maliliit na tusok sa dibdib ko. 

"What, Arthur?" Sambit ni Mommy kay Daddy. "Look at Freya's style. Grade 8 na siya sa pasukan pero naglalagay parin ng ribbon sa ulo? Funny." 

"Miranda, watch your words." Sabi ni Daddy. 

Rinig ko na suminghal si Mommy. "Just stating a fact, Arthur. Ganito sa damit ng anak natin ang dapat isuot. Mga pandalaga at hindi pang-grade one." Pagpapatungkol ni Mommy kay Ate Freya. 

Missing Starlight (Squad Series#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon