Chapter 19

39 2 1
                                    

"Iikot niyo na yan, ang tagal ha." Patricia said and sipped to her cocktail.

Iniripan siya ni Larissa. "Eh kung yung buhok mo yung iikot ko sa leeg mo at isabit sa bubong nitong Bar? Tamo, gagawin talaga kitang disco ball."

Napatawa nalang kaming tatlo sa kanila, kahit kailan ay wala man lang nagbago sa kanila. Palagi parin silang aso't pusa, mukhang nabuhay talaga sila para inisin ang isa't isa. Gaya ng napag-usapan namin kanina, pumunta ako dito. Tapos naman na ako sa mga paperworks ko eh. Tsaka idagdag pa yung kanina saamin ni Ate Freya, pakiramdam ko ay kailangan ko talagang umalis dun at maglibang. Imbis na pahinga ang makuha ko sa bahay, mas gumulo lang.

Well, wala naman ata silang pake kung saan ako pumunta. Specifically, si Mommy at Ate Freya. Si Ate Freya, kahit nakikita niya akong umaalis ay wala namang komento. Si Mommy naman, ang sasabihin niya lang naman saakin kapag nagpaalam ako ay 'bahala ka kung gusto mo umalis'. Pero syempre di naman ako ganun kapasaway na anak kaya nagpapaalam parin ako kay Daddy. At ang irereply lang saakin ni Daddy ay 'ok be safe Rhianne. Don't go home late, I'll be worried.' Para saakin, okay na yun. Atleast may isa parin palang may mag-aalala saaakin tuwing wala ako.

"Naks, anggaling rumampa ha. Pag nakita yan ni Kairus, nako baka laglag ang panga nun." Asar ni Larissa kay Briella na ngayon ay kakabalik lang sa table namin. Ginawa niya na kasi yung dare ni Larissa na rumampa siya sa gilid ng dancefloor.

Nagpeke ng ngiti si Briella, napangisi ako. "Talaga ba? Masyado kang maissue, paki-iwasan naman." Sarkastikong sambit ni Briella.

"Uso kasi umamin girl." Sagot ni Larissa, mas lalong sumama ang mukha ni Briella dahil dun. "Well, paano aamin kung mismong sa sarili eh hindi maamin na may gu-"

"Pakiikot na yang bote, wag na maraming sabi." Briella cut her off. Napatawa nalang kami, napaka-indenial at manhid kasi nitong babaeng 'to. Ewan ko rin ba sa kanya, matalino naman siya.

Inikot na nila ang bote para malaman kung sino ang susunod na idi-dare. At kamalas-malasan nga naman, saakin tumaoat yung bote. Napangiwi ako, ayoko pa naman ng ganitong laro kapag sila ang kasama ko. Ang panget kasi nila mangdare eh.

"Rhianne.." Nakangising sambit ni Patricia sa pangalan ko.

"Ano?" Sagot ko.

"Dahil mabait ako, mangprankcall ka nalang. Magkunwari kang may problema ka ganun, tas pahabain mo ng unti yung usapan. Pagtinatanong ka, sabihin mo nahihiya ka o kaya 'ah eh.. ano kasi'.. ganun! Then pag feeeling mo nawawalan na ng pasensya, sabihin mo hindi makamot yung likod mo at yun yung problem." Nagtaas baba pa ng kilay si Pat.

Hindi magandang idea 'to.

"Wag na yun, makakaperwisyo pa ng tao eh." Angil ko agad. Totoo naman, anong oras na at tatawag pa ako ng taong walang kamuang muang. Tas ang maririnig pa saakin eh katarantaduhan. Nako, nakakahiya.

"Si Zaijan nalang tawagan mo, mahal ka naman nun eh." Kinindatan pa ako ni Larissa. Kahit noon pa man talaga, ship na ship niya kami ni Zai. Para siyang sirang plaka kakatukso saamin, pero wala eh, sanay na yung tenga ko. "Joke lang, as a friends lang naman eh. Diba guys?" Walang sumagot sa kanya kaya ngumiwi siya.

"Pero pwede namang si Zai nalang. For sure, he's still awake. Nakaonline pa eh," Hindi pinansin ni Pat yung sinabi ni Larissa. Pinakita niya saakin yung phone niya, nakaonline pa nga si Zaijan. Anong oras na ah.

"Ay wow, wala lang talaga yung joke ko? Like guys, hello?! Kaibigan niyo ako, suportahan niyo naman." Ani Larissa.

"Kaya mo na yan, tawanan mo nalang sarili mo. Atleast nakuha mo yung support na gusto mo." Tinapik pa ni Sabrina yung balikat niya na tinanggal naman ni Larissa.

Missing Starlight (Squad Series#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon