Chapter 33

60 2 0
                                    

"Ah Miss, ito rin po please. Thank you!" Nagmamadaling ani ni Patricia sa photographer. Binigay niya yung dala niyang camera na kinuha naman nung babae.

"Okay Ma'am," Sabi nung babae at pumwesto na muli. Nagsabi pa yung photographer bago kami kuhaan ng litrato kung uusog ba kami or compress para magkasya sa frame nung camera. "Okay, in my queue! 1, 2, 3 smile!"

Sabay sabay kaming ngumiti sa camera, sa pagkakataong ito ay totoo at todong ngiti ang pinakita ko. Kumuha pa kami ng iilang shots na iba ang poses bago kami tuluyang umalis ruon at nagpunta sa food section. Grabe, it takes us more than a decade para lang makabuo ng litrato nang magkakasama kami't buo! Huling picture pa ata naming matino ay nung grumaduate kami nung senior highschool. Nakakapanibago pero masarap sa pakiramdam na nakikita at nararamdaman ko sila ng personal. Ito yung pakiramdam na hindi romansa pero hahanap-hanapin mo.

Kung hindi pa siguro ako pinilit ni Larissa na pumunta sa birthday ng anak niya ay hindi talaga ako pupunta. Sino ba namang hindi makokonsensya, andaming kuda at sumbat ang binigay saakin! Napaka-KJ ko raw, hindi na nga raw ako nagpunta nung binyag tapos wala pa ako sa birthday. Kaya ayun, napabili ako ng regalo nang wala sa oras.

"Kamusta naman ang buhay sa America? Naging porselana ka ah, tindi ng glow up!" Tukso saakin ni Sabrina, talagang hindi niya pinalampas na kumain muna kami bago siya um-entry.

"Hassle din, puro trabaho nalang. As if nagpapakain ako ng isang buong baranggay sa pagkayod ko." Natatawang sabi ko.

"Landi landi din kasi minsan 'te, ang loner mo tignan." Ani saakin ni Patricia.

"Hun', watch your words." Dinig naming saad nung asawa niya.

At anak ng tupa't kalabawa nga naman! Parang tuta na umamo si Pat, umayos pa ng upo na akala mo naman eh hindi kumirengkeng nung college days niya. As if magiging kapalit niya si Maria Clara sa porma niya ngayon. Pinipigilan kong matawa dahil sa kanya, hanggang ngayon ay gaga parin.

"Sorry hun', hindi na mauulit hehe." Animo'y batang anang niya.

Nagkatinginan kaming tatlo nila Briella at Sabrina bago sabay sabay na umiling. Sa tinginan palang namin, alam na namin agad kung anong tumatakbo sa utak namin. Pagbaling ko kay Patricia ay nakairap na siya saaming tatlo, nagbabanta na huwag magsabi nang kung ano anong ikakapahamak niya sa asawa niya. Tinaasan ko nalang siya ng kilay, sumasang-ayon sa gusto niya.

Under ba 'to sa bahay nila? Nawala angas niya ha.

"But speaking of work, nakasama ko si Freya sa latest project niya. Writer-director ako dun e, and I must say that she's really good at acting. Madali siyang i-conduct at.. hindi ganun kaarte kesa sa ineexpect ko." Kwento saakin ni Patricia.

Nginitian ko siya pero halatang pilit iyon, mukhang narealize niya ng ayaw kong marinig ang pangalan niya o kahit ano tungkol sa kanya. "Rhianne, pagpasensyahan mo na lang yan. Kilala mo naman yan, naimpluwensyahan ni Larissa." Pagpapakalma ni Sabrina saakin at nginitian ako na parang sinasabing kalmahan ko lang.

"Lagot ka, Rosian. Pag nakita mong bumuga ng apoy yan si Rhianne, magmumukha kang tortang talong." Sulsol pa ni Russell sa pinsan niya. Ngayon alam ko na kung bakit sila naging Marquez.

"Alam mo kung wala kang sasabihin na maganda, pwede na kitang ipaligpit." Bira muli ni Patricia sa pinsan niya.

"Oy wag naman, kawawa naman yung asawa kong buntit." At ngumiti si Russell kay Sabrina bago umakbay dito. Oo, pumapangalawang anak narin sila Sabrina, 4 months old palang daw yung baby kaya matagal pa yung due niya.

Missing Starlight (Squad Series#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon