EP 1: Between Past and Present

366 12 5
                                    

I remember what you wore on the first day

You came into my life and I thought hey

You know, this could be something

'Cause everything you do and words you say

You know that it all takes my breath away

And now I'm left with nothing

Jaidon Louderback's:

Akala nyo si Ariadne lang ang kinukulit ko? Pati si mangkunifroggy kinulit ko na rin na this time ay ako naman ang magkukwento. Syempre hindi naman siya makakatanggi sa charms ko hehe.

(Biglang humangin ng malakas HAHAHA)

So maybe it's true that I can't live without you

And maybe two is better than one

But there's so much time to figure out the rest of my life

And you thought that it got me coming undone

And I'm thinking two is better than one

Just imagine na kinakanta ko ang 'Two Is Better Than One' ng Boys Like Girls para damang-dama nyo.

Sige 'eto na talaga ang totoong kwento.

AFTER FIVE YEARS.

Ang bilis ng panahon 'no? Parang kahapon lang noong binato ko si Ariadne ng crumpled paper saying that I want her to be my Valentine's date.

Parang kahapon lang noong sorpresahin ko siya sa aking agaw-eksenang song number last Valentine's Day Party sa Lazaro State University at mag-confess ng feelings ko for her.

At parang kahapon lang nang madama ko ang mainit nyang yakap...kahit lalaki ako, I admit na kinilig ko sa parteng iyan hahaha! Ano na nga ba ang nangyari makalipas ang limang taon?

Graduated na kami at hindi lang 'yan, siya ang naging Summa Cum Laude ng Business Management department at ako lang naman ang ehem, Magna Cum Laude. Naging inspirasyon ko talaga ang pinakamamahal kong babae, ang future girlfriend ko (I'm being optimistic here) at magiging ina ng mga anak ko (naks!).

Our status? Sabihin na nating more than friends but less than lovers — in short, M.U. Pero kahit ganoon, hindi ako nag-take advantage sa aking nararamdaman bagkus natuto akong maghintay (yeah hanggang ngayon). Alam nyo 'yong pigil-pigil akong mainis sa mga umaali-aligid at nagpapalipad-hangin kay Ariadne pero sorry na lang dahil hanggang doon na lang sila kasi hindi naman sila ini-entertain ni Ari. Subsob sa pag-aaral ang isang 'yan hanggang sa maging graduating students kami.

Partners in crime..

Tropa..

Bestfriend..

Ganyan ang naging set-up namin. At dahil nga mas naging close kami ay mas lalo ko siyang nakilala ng lubos. Halos pareho kami ng hilig sa buhay — kumain, kumanta, magbasa ng Alex Cross series at iba pa.

About naman sa feeding program, yeah ipinagpatuloy pa rin namin despite our busy schedule at pressure sa pag-aaral. Ang dating every Friday na feeding program ay naging once a month na lang pero naiintindihan naman kami ng mga bata. Nakakatuwa dahil pursigido silang mag-aral kahit kapos sa buhay kaya pumayag si Daddy na maging sponsor ng 30 bata (sagot na nya ang schooling) na nakakasama namin sa park during the said program.

Mahal kita. Break na tayo... Okay lang ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon