EP 5: The Gift

316 12 7
                                    

Ariadne Sandoval's:

It's Jaidon's 21st birthday and this is the right time na sabihin sa kanya ang 'final verdict'. Final verdict talaga? Well, this is it. I hope na mapasaya ko siya sa araw na ito.

"Happy birthday Mr. Jaidon Louderback. I want you to know that..."

Naghihintay sila sa susunod kong sasabihin.

"...you look handsome tonight." I bit my lower lip after saying this kasi natatawa ako at ninenerbyos at the same time.

"Matagal ko nang alam 'yan Prinsesa!" minsan talaga may pagka-conceited ang isang 'to pero gwapo naman kasi talaga.

"Fine. 'Eto na talaga..."

Nakatutok sa akin ang atensyon ng mga nasa park including my batchmates, Profs Ian and Lane, my Mom and Tita Charie.

"I know that I do really suck at words.. Hindi ako ganoon ka-vocal unlike you pero sana masabi ko ng maayos ang gusto kong sabihin ngayon."

Biglang may nag-flash na camera. Si Tita Charie at kinunan pa ako ng picture at nag-thumbs up pa.

"You've always been that 'Dream Guy' Jai. Rocker, campus heartthrob, class clown, intelligent — mga katangian na magugustuhan talaga ng mga babae sa'yo. Maswerte ako kasi naging kaibigan kita kahit hindi naging maganda ang una nating encounter sa campus. But still, ang kulit-kulit mo pa rin and you insist on entering into my world. And we clicked. Halos pareho tayo ng mga hilig and all that stuff."

Napapahaba na yata ang speech ko.

"Hindi lingid sa akin kung ano talaga ang feelings mo towards me. I do appreciate it lalo na at natuto ka talagang maghintay. So I want to take this opportunity in front of you and all of these people that..."

Isa-isang lumakad sa may ibaba ng stage ang mga bata na nagsayaw kanina. Nakahilera sila kasi...

"Read my message Max Domon." Nagtawanan tuloy ang mga tao.

Isa-isa namang tumalikod ang mga bata. May nakaprint kasi na tig-iisang letters sa likod ng t-shirt nila.

M A H A L K I T A J A I D O N N I N J A K O

Ayan ang nabuong salita sa mga letra.

"Woo ang sweet!"

"Nice one Ariadne!"

"Nakakakilig OMG!"

"Ayos! Natupad na ang AriDon!"

Mga batchmate namin 'yan na mukhang kinilig nga sa speech ko. Whoa ganito pala ang feeling ng mag-confess sa harap ng maraming tao.

"Mahal kita Jaidon...ninja ko." There, I said it whoa.

Jaidon scratched his head at napapailing pa pero nginitian nya ako na para bang tumama siya sa lotto.

"Ariadne Sandoval MAHAL NA MAHAL DIN KITA PRINSESA KO!" he shouted at tumakbo na papunta dito sa stage.

Nang maka-akyat na siya ay bigla siyang tumigil at hindi muna ako nilapitan. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya with questioning eyes.

At sinuklian naman nya ako ng super-lapad nyang ngiti. Nagpapa-cute pa yata ang kuya nyo.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumakad ulit papunta sa kinatatayuan ko at kinabig ako. Halos mapugto ang hininga ko sa higpit ng yakap nya sa akin. Langhap na langhap ko tuloy ang pinaghalong manly scent at pabango nya.

"Thank you Princess. This is the best birthday gift ever!"

"I hope you like it...ninja ko."

Inalis nya ang pagkakayakap sa'kin. "Sa wakas narinig ko rin 'yang term na 'yan sa'yo. Kung alam mo lang ang nararamdaman ko, daig ko pa ang tumama sa lotto Ari!"

I pinched his nose. "Cute mo talaga.."

Hinawakan naman nya ang magkabilang pisngi ko. "And you're the most beautiful girl in this park Ariadne Sandoval." Natawa tuloy ako sa sinabi nya at nagulat na naman as he planted a kiss on my forehead.

Sakto naman na gawin nya 'yan ay biglang pumailanlang ang fireworks sa kalangitan kaya napatingala kaming lahat.

"Ladies and gentlemen, finally! May official couple na po ngayon kaya pwede na tayong kumain!" Hagalpak tuloy ng tawa ang mga tao nang magsalita si Khaki.

Kinuha naman ni Jaidon ang mic na nasa stand na ginamit ko kanina.

"Sobrang saya ko talaga! Ito na ang pinakamasayang birthday sa tanang buhay ko woo! Lalo na at kapiling ko ang pinakamamahal kong babae bukod kay Mommy at Anica hehe kaya tulad ng sabi ni Khaki, pwede na tayong kumain!"

Comedy talaga si Jaidon kahit kailan. Isa 'yan sa mga trait nya na nagustuhan ko.

At bumaba na kaming dalawa sa stage together with Black Stones para pagsaluhan ang mga pagkain kasama ng mga tao na naging witness sa aming pagiging officially ON. Naks!

Mahal kita. Break na tayo... Okay lang ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon