CHAPTER 1

45 3 1
                                    

Savannah's POV

"Woahh!! Akala ko talaga binulungan mo yung bote SAVE THE LAST FOR THE BEST nga daw pala ano?" Ani kaylee at nag tawanan ang lahat maliban sa akin.

Kasulukuyang nakatutok sa akin ang boteng ginagamit namin sa paglalaro, it's already midnight pero naglalaro parin kami. Ngayon nalang kasi kami uli nagkasama sama after a long vacation.

Nabalik ako sa huwisyo ng magsalitang muli si kaylee "So vannah...truth or dare?" Tanong nya na ikinatindig ng balahibo ko.

Alam kong malalim ang itatanong nya pero kung pipiliin ko ang dare paniguradong pahihirapan din nila ako.Damn it!

"Truth or dare?" Sabay sabay na tanong nila.

"Psh whatever...fine!DARE" Sagot ko.

"Ok then, I dare you to message a random guy and..." pambibitin nya sa sasabihin. "Say; I love you babe, please stay with me. Tsaka i-screenshot mo at ipost sa social media" dugtong nya na ikinagulat ko.

What the!?

"Are you serious?"

"Of course i am,you guys agree right?" Baling nya sa mga kasamahan namin at tumango naman ang lahat!

"Oh come on kaylee nakakahiya yun!"

"Psh alright...Ang importante dun ay maipost mo sa social media yung picture then idelete mona din yung message mo dun sa guy na matatarget mo."

Nag aalinlangan man ay sinunod ko nalang tsaka di ko naman na kailangang ifriend e i-memessage ko nalang agad at idi-delete pag na-screenshot kona.Ha i'm savannah i always have my ways bitch!

Inilabas ko ang cellphone ko at mabilis na naghanap ng lalaking hindi ko kilala. Maya maya lang ay may nakaagaw ng mata ko at pinindot ko ang profile nya at nag type ng " I LOVE YOU BABE PLEASE STAY WITH ME " pft ang corny ha. Dali dali kong ini-screenshot iyon at akmang idi-delete ko na ng biglang agawin sa akin ni hannah ang cellphone ko.

"Hoy anong gagawin mo?" Tanong ko.

"Ay wow ang gwapo naman ng napili mo!" Ani hannah na kinikilig pa.

"Akina nga iyan bago pa mabasa yang message ko." Sabi ko ngunit hindi parin nito binabalik at nakita ko pa kung pano mang laki ang mga mata nya.

"Omygod! Nabasa nya na vanna!"

"What?!" Di makapaniwalang sabi ko. Mabilis kong inagaw sa kanya ang cellphone ko at ganon na lang nag panlulumo ko ng makitang naseen ma nya nga ito.

What now!?

Dali dali kong ini-delete iyun at laking pasalamat ko ng hindi ito nagreply. Gaya ng utos nila ipinost ko ang picture na ini-screenshot ko.

"Sana di nya nabasa yon" Mahinang sambit ko.

"Huli na vannah panigurado nabasa nya na yun." Ani jason-isa din sa kaibigan ko.

"Nakakainis kayo buti nalang di ko kilala yun mas nakakahiya pag kilala namin ang isa't isa."

"Sige na matulog na tayo malalim na ang gabi may pasok pa tayo bukas." Si kazer.

"Hala nawala sa isip ko bukas na ang pagbubukas ng school natin! Unang araw natin yon." Si kaylee.

"Kaya nga dapat di tayo malate gosh tulog na tayo hala." Si hannah.

"Nakakalungkot lang na di na tayo mag kakaklase ngayon." Si lemuel.

"Hep! Hahaba pa ang usapan natin e matulog na tayo bukas nalang tayo mag usap usap, kayo boys labas na baka naaala nyong kwarto ng babae to dun kayo sa room nyo shupi!" Natatawang sabi ko.

It All Started With A DareWhere stories live. Discover now