Ice's POV...
♬Adik sayooo.... Awit sa akin....
Nilang sawa na saking mga kwentong marathon...
Tungkol sayo... at sa ligayang...
Iyong hatid... sa aking buhay.
Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw...
Sa umaga't sa gabi sa─ ♬
SPLAAASSSHHH!!!!!
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kita type hah???!!! At ginaya mo pa talaga si Daniel Padilla hah?! As if naman magugustuhan kita! Oo nga gwapo ka pero may ipapakain kaba sake-"
"Oo na! Binuhusan mo na nga ako ng tubig ininsulto mo pa ako!"
"Ang kapal ng mukha mong sigawan ako! Ikaw na nga lang tong nanghaharana!"
"Yun na nga eh! Ikaw na nga itong hinaharana ikaw pa 'tong dada ng dada!"
"Aaaarrrrggggghhhhh!!! I hate you!"
"Kala mo naman mahal kita?! Pasalamat ka nga at hinarana ka ng gwapong katulad ko kahit hindi ka naman kagandahan!"
"Aaaarrrrggghhh!!!! Umalis na nga kayo!"
"Talagang aalis nakame! Binuhusan at ininsulto mo nako mags-stay paba ako dito?! Ano ako baliw?! Tara na mga pare!"
Aya ko sa mga kabarkada ko..
Bwisit na babaeng yun! Sya na nga 'tong nagbuhos ng tubig sya pa' tong may ganang magalit!
Mga babae nga naman oh! Why so complicated??!!!
Langya napapaenglish ako ng di oras tapos baka wrong grammar pa!
Ako nga pala si Isaiah Gabriel Enriquez. Ganda ng pangalan ko no?
Balik sa storya... so yun na nga nabuhusan na naman ako ulit ng tubig. Oo, tama ang nabasa nyo. ULIT. Ngayong buwan nato 3 beses na akong nabuhusan at ito ang pangatlo.
Haaayyyy.... ewan koba! Hindi naman ako gwapo, sobrang gwapo nga lang! Mas gwapo pa nga ako dun sa Daniel Padilla na yun!
"Oo nga pare mas gwapo pa TAYO dun kay Daniel Padilla!" singit bigla ni Irvin, barkada ko.
"Teka pare paano mo nalaman ang iniisip ko???" nakakapagtaka talaga.
"Eh kasi naman tol ang lakas ng sigaw ng isip mo! Si Ed Sheeran ka ba? You're thinking out loud, pare!" sabi naman ni Chan, barkada ko rin.
"Oy pare ok ka lang ba?" tanong sakin ni Vonne, barkada ko rin.
Apat kaming magbabarkada. Parang F4 lang kaso di kami mayaman.
"Ikaw kaya ang buhusan ko ng tubig! Tignan natin kung magiging ok ka!" gago to walang common sense!
"Oh pano naba yan dude nanalo ako! akin na yung number ng chiks mo!" sabi naman ni Chan kay Irvin
"Ano na namang nanalo ang pinagsasabi mo dyan?" tanong ko
"Eh pano pare pinagpustahan ka lang naman ng mga gagong yan!" sabi naman ni Vonne
"Anong pustahan?!"
"Eh pinagpustahan namin ni Chan na pag nabuhusan ka na naman ulit ibibigay ko yung number ng chiks na kasama ko kahapon. At sa kasamaang palad, nabuhusan kana naman kaya kailangan kong ipamigay ang bago kong chiks sa kanya." sabi naman ni Irvs
"Grabe Irvs ang haba ng speech mo ahh!" sabi naman ni Chan
"Mga gago kayo! Nakuha nyo pa akong pagpustahan!"