"And they live happily ever after." Ngumiti ako matapos isara ang hawak na libro.
"Mag-uumaga na. You have to sleep now, Humps," baling ko sa anak ko nang maramdamang malapit na ang pagsikat ng araw.Hinaplos ko ang kanyang mukha. Umakma akong aalis na sana nang pigilan niya ako. Tumigil ako para muling balingan pabalik ang anak.
"Mom, just like the prince in the story, are you also Dad's first love?" he curiously asked.
Bigla akong natigil. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Kahit nahihirapan at masakit sa aking loob ay pinilit kong sumagot."I'm not."
Kumunot ang makapal niyang kilay. Mababakas na ang pagkalito sa kanyang mukha. "What do you mean, Mom? So Dad fell in love with other vampire before?"
Bumuntong hininga ako bago sumagot muli akong umupo sa tabi niya. "Yes, your dad fell in love with another woman before. But she's not an ordinary woman; she's the Goddess of Knowledge and Beauty."
His eyes glimmered as his face filled with amusement. "Really, Mom? Wow! So what happened to them?"
Pinilit kong gumiti sa kanya at tumango. "Ang kwento sakin ng Daddy mo, nagkakakilala sila ng Dyosa nang minsang bisitahin nito ang Banal na Hardin dito sa lupa na pinangangalagaan din ng mga kapwa niya Diyos at Diyosa. Ang Banal na Hardin ay ang pinaniniwalaang pinagkukunan ng buhay at kapangyarihan ng mga bampira, mangkukulam, lobo, diwata, sirena, at iba pang likha nila. Napaka sagrado ng lugar na iyon at hindi basta-bastang nakakapunta ang kahit na sino maliban sa mga maharlikang pamilya mula sa iba't ibang lahi."
Tumingin ako sa labas ng bintana kung saan nagbabagsakan ang mga nagkakapalang niyebe. Malakas ang bagsak nito ngayon kaya naman halos matakpan na nito ang lahat ng tanawin sa labas."Sa Hardin din na 'yon namuo at nag-umpisa ang ipinagbabawal na pag-ibig sa pagitan ng bampira at ng isang Diyosa. Matagal nilang itinago ang kanilang relasyon ngunit nalaman pa din ito ng mga ikatataas."
"But, Mom," tawag ng anak ko sa akin. Muling nabalik sa kanya ang atensyon ng paningin ko. "How did the love between a vampire and a goddess become forbidden?" he asked.
Puno ng kuryosidad ang bilugan nyang mga mata na natatakpan ng makapal na salamin. Kuhang-kuha niya ang bawat anggulo ng mukha ng kanyang Ama.
"Noon pa man, isang napakalaking kasalanan na ang pakikipag relasyon sa ibang lahi. Lalo na sa mga Diyos at Diyosa na siyang naglalang sa atin. Sa oras na may mabuong bata sa pagitan ng isang Bampira at isang Diyosa, ang Diyosa maari niyang... ikamatay iyon pati na ng batang dadalhin niya. Maaaring maging isang malaking iskandalo ito para sa mga Diyos dahil isang mababang uri lang ang tingin nila sa mga bampira at hindi nababagay sa kanilang mundo," sagot ko na mas lalong nakadagdag sa kanyang pagkamangha."So Dad has a very big role in vampire history, huh?" Napuno ng kuryosidad ang kanyang mukha. "So what happened to them next? How about the goddess? What happened to her, mom?" he asked again.
Kumunot ang noo ko. Pilit kong inalala ang mga naririnig kong kwento galing sa mga nakatatandang bampira.
"Hindi sila nagkatuluyan dahil inilayo ang Diyosa sa kanya. Sa pagkakaalam ko, pinarusahan ito, tinanggalan ng kapangyarihan at ipinatapon sa kung saan."
Kita ko ang pagkuyom ng kanyang kamay at paglabas ng maliliit nyang pangil. "They don't deserve to be punished, Mom! Nagmahalan lang naman sila!"
Ngumiti ako at tumango sa kanya. "Kahit nakakaramdam ako nang kaunting paninibugho sa Diyosa, maging ako ay nagagalit dahil sa sinapit ng pagmamahalan nila ng Daddy mo. Ganun pa man, nabubuhay tayo sa reyalidad at mukhang iyon ang tadhana para sa kanila."
"Hays! Nakakalungkot naman po. I thought every story had its own happy ending."
Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya habang ginugulo ang maayos pa niyang buhok. "'Wag ka nang malungkot. Lumipas ang panahon at muling umibig ang Daddy mo sa isang pangkaraniwang taong kagaya ko. Pagkatapos, nabuo namin ang isang napaka-gwapong batang si Humps. O 'di ba, may happy ending din?"
Napawi ang lungkot sa mukha niya. Napalitan iyon ng isang matamis na ngiti. "I love you, Mom."
Umalis ito mula sa pagkakahiga. Umupo siya para yakapin ako."I love you too, son." Ngumiti ako habang yakap ang anak ko.
Isa pang mainit na bisig ang naramdaman kong lumibot sa katawan ko. Mas lalo akong nangiti nang makita ang nakasimangot na mukha ni Jeremy. Gulo-gulo ang kanyang may kahabaang buhok at namumungay na ang mga mata. Halatang kanina pa gustong matulog."Kanina ko pa hinihintay ang maganda kong asawa. Nandito pa rin pala," naglalambing na aniya.
Natawa naman ako. "Miss mo 'ko agad? Ayaw pa kasing matulog nitong si Humps. Madami pang tinatanong."
Bumaling siya sa nakangising anak atsaka muling ibinalik ang tingin sakin. "Mauna ka na sa kwarto. Ako na rito."
Tumango ako. Hinalikan ko silang dalawa sa noo bago ako lumabas. Alam kong mas magaling makipagnegosasyon ang asawa ko sa anak namin pagdating sa mga bagay-bagay. Bago ko tuluyang maisara ang pinto ay narinig ko pang nagtanong si Humps sa kanya."Dad, is it true that Mom isn't your first love?"
Natawa ito nang marahan bago sagutin ang tanong ng anak. "No," diretso ang seryoso niyang pagkakasagot.
Napatigil ako nang marinig 'yon.
"Huh? But Mom said you fell in love with a goddess before."
Sumilip ako mula sa nakaawang na pinto ng silid. Tumikhim si Jeremy saka hinaplos ang mukha ng anak bago sumagot, "Yeah, that's true. And because of that love, Adeline got hurt. She chose us over herself. She sacrificed everything that she had just to save us. They took everything from her. She lost her powers and honor, even her memories. Ang tanging bagay lang na natira ay ang walang kapantay niyang ganda at ang pagmamahal niya sa akin, sa atin. See? Your mom was wrong, because she's my first love after all. She's my one and only goddess, Adeline."
Nanlaki ang mata ko sa rebelasyon. Napatakip ako ng bibig, hindi ko magawang i-proseso sa isip ko ang mga narinig. Nang muli siyang magsalita, doon na tuluyang tumigil ang mundo ko.
"And until now, the gods and goddesses are still finding her. They want to kill you and your mom, but I will never let them do that. I'll protect her no matter what."Nanlabo ang paningin ko dahil sa luha kasabay ng isang malakas na pwersang humampas sa akin. Ramdam ko ang pag-angat ng katawan ko sa ere at mga matatalim na matang nakatingin. Bago ko pa man tuluyang ipikit ang mata ay nakita ko pa ang nag-aalalang mukha ng mag-ama habang papalapit sa akin, pero huli na ang lahat.
YOU ARE READING
Qrx Tatiana Yashita
RandomHi! I'm Solerizse. You can check out my other stories on my spare account (cerizse). I hope you enjoy reading my one shot stories here. Thanks! You can reach me here: fb: Cerizse Wp twt: @solerizse wp: @cerizse