MGA BAGONG TAO
Justin's POV
Second Year na kami. Nasa Class A pa rin ako. Of course! Syempre ako kaya number 1 sa klase. Malamang sa malamang nasa class A ako. Dalawa lang naman sections namin kasi private school at konti lang ang pwede mag-enroll. Ang exclusive kasi nitong school namin. Magkakakilala lang halos lahat ng pamilyang nagpapa-enroll ng mga anak nila dito. That is until last year na nag-open sila ng mass enrollment ng outsiders. Halos lahat ng outsiders napunta sa Class B kasi nga wala namang evaluation sa grades nila. Halos kasi lahat ng high schoolers dito galing lang din sa elementary school dito. Dahil din sa medyo isolated ang Class A at wala rin akong kilala sa mga bagong salta. That is until nagbigay ng option ang school para dun sa nasa Class B na kung sino man ang makakaabot sa minimum grade requirement ng Class A, 90% yata yun pagkatapos ng first year ay matatransfer sa Class A. Gulat tuloy ako sa mga bagong mukha na nakita namin sa first day of school.
"Okay everyone, this is Pam and Geri. Bago sila dito, they're from class B and eligible na sila magtransfer sa Class A. Say hello to them."
Hindi naman ako others po. Syempre winelcome ko sila. Ang galing nga nung si Geri kasi nakakatuwa siya. Napaka unique ng way ng pag-introduce niya sa sarili niya. Feeling ko magkakasundo kami. Si Pam naman 'yung klaseng Maria Clara ang datingan. Tahimik, maganda, mahinhin. The exact opposite of me. Hahaha. Joke lang. Pero nakikita ko namang mabait siya kaya alam ko magkakasundo rin kami.
'Yung pangatlong taong naging eligible for Class A transfer, si Mike. Luh, classmate na namin since elem so no need to introduce. Buti naman at nagsipag na siyang mag-aral ngayon.
Nagdaan ang mga araw, nagkakasundo na nga kami ng mga bagong salta. Mababait sila and of course kahit nasa Class A kami hindi naman namin pinapairal ang superiority complex namin noh. Naging magkaibigan kami nila Geri at Pam, magaan kasi sila kasamang dalawa pero hindi ganun ka close. Sakto lang.
"Bagay kayo." Sabat ni Ken. Tinutukso niya ngayon si Pam at ang isa pa naming classmate na si Gio. Well, I'd have to agree. Cute nga sila tingnan. Nahihiya si Pam tumingin kay Gio. Mukhang crush din yata ni Pam si Gio.
Hari ng pagtutukso ng mga classmates talaga 'tong si Ken. Buang lang kasi. Ayaw niya tumigil kahit obvious na nahihiya na si Pam. Bahala ka nga diyan basta ba hindi mo ako pakialaman hindi rin kita pakikialaman.
DRAWING
"Hoy Jah. Asan na 'yung bayad mo?" Bakit na naman 'to nandito at ginugulo ako?
"Bayad saan?" Pagtataka kong tanong.
"Yung drawing na pinagawa mo."
Ah, oo nga pala. Naalala ko na. Pinadrawing ko pala siya ng isang poster ng favorite kong anime na Hunter x Hunter. Dati kasi wala kang mabibiling anime merch lalo na pag taga probinsya ka lang. Ang mahal pa magpaprint ng colored photo kaya ginagawa namin nagpapadrawing na lang kami. Ang galing kasi ni Ken magdrawing ng anime kaya nagpagawa ako. Wala akong ibang intensyon. Sadya lang talagang magaling siya gumuhit kaya sa kanya ako nagpagawa.
"Ah, oo nga pala." Kukuha na sana ako ng pera pero may bigla akong naalala. "Teka, bakit ako magbabayad eh wala ka pa ngang nabibigay sakin?"
Ngumiti siya sa akin ng malaki. "Advance payment." Sabi niya.
Hinuhuthutan pa ako nito ng pera, langya!
"Sige na please. May bibilhin lang." Napairap na lang ako. Wala ka talagang kwenta Suson kahit kailan. Binigay ko sa kanya ang pera at tuwang-tuwa naman ito na parang bata. Napangiti ako sa reaksyon niya. Para kasi siyang bata na nakatanggap ng regalo sa Pasko. Hindi ko namalayang nakatitig lang pala ako sa kanya at nakangiti. Shuta! Sana walang nakakita oh my ghed! Dali-dali ko na lang binawi ang mga ngiti ko.
BINABASA MO ANG
Thirteen Years
FanfictionJustin pursued his career first, leaving his heart unattended. But after many years he meets Ken again, the one person he had waited for all these years. Can Justin find the strength to fight for him or finally choose to let him go? This is a work o...