2008: FOURTH YEAR

149 5 0
                                    

Justin's POV

Fourth year High school na kami and yes, random selection pa rin ang pagkakaassign namin sa mga klase. Last year na namin bago kami magCollege and guess what? Ngayong year lang na'to hindi kami classmates ni Ken at ito lang din ang unang beses na hindi magkalapit ang classrooms ng dalawang sections. Nasa kabilang building kami na-assign, malayo kung saan nandun ang classroom nila Ken. Ibig sabihin madalang na lang kami magkaka-interact ni Ken. Hooray!

Hooray?

ENTRANCE EXAMS

Last year ng High school only means one thing, ito na rin ang taon kung kelan kailangan namin magtake ng mga entrance exams for College. Isang school lang naman ang aim kong mapasukan, UP or nothing. Pero dahil nasa top 10 ako ng class, required ako magtake ng at least 2 entrance exams sa major schools. Napili ko UP at Ateneo, at least parehong maganda ang Political Science program nila doon. Required din akong magtake ng DOST, pili lang kasi sa amin ang nirerecommend para sa DOST pero kasi pag DOST dapat Math/Science-related ang course na kukunin mo kaya nilagay ko sa application Biology kahit naman ayoko. For the compliance na lang din.

At since nasa top 10 din naman ang mokong na si Ken, nagkasabay na naman kami sa pagtake ng mga entrance exams. Buti nga sa UPCAT hindi kami sabay ng schedule so hindi ako distracted. Hindi ko alam anong nilagay niyang course dun sa UPCAT application niya at kung saang campus niya gusto. Alam kong 'yung kuya niya nasa Maynila so baka mag-Diliman siya. Ako sa Cebu lang kasi mas malapit sa probinsya namin. Gusto ko umuwi-uwi pa tuwing may break. Wala talagang akong alam sa mga dissition niya sa buhay niya at buti na rin ang ganun baka kasi matukso pa akong sundan siya. Ayoko, gusto ko ng fresh start, 'yung malayo sa posibilidad na magkakasama na naman kami ulit ni Ken sa kolehiyo. Gusto ko na magmove on.

Okay naman ang UPCAT kasi 'di kami pareho ng schedule pero nung entrance exam ng Ateneo, hindi lang kami nagkasabay, nakisabay pa talaga siya sa amin!

"Ken, anong nilagay mong course sa application form?" Tanong nung isa naming kasama habang papunta na kami sa room kung saan kami mag-eexam.

"Pol Sci." Sagot niya.

Huh? Bakit Pol Sci? Bakit same sa course ko? Napatingin ako sa direksyon niya.

"Di ka mag e-Engineering? 'Di ba dapat sasabay ka sa amin?"

Tahimik lang siya. Bakit hindi na siya makasagot?

"Everyone please leave your bags on the desk outside and prepare your pencils. Cheating is prohibited and anyone caught cheating will automatically be disqualified from taking the entrance exam with Ateneo even in the future. Please take your seats as we will begin in a few minutes."

Nakaupo si Ken mga ilang upuan sa harapan ko. Tumingin ako sa kanya. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako bakit Pol Sci ang napili niyang course sa Ateneo? Huwag mo sabihing Pol Sci din ang pinili niya sa UPCAT? Tototohanin ba niya ang balak niyang maging abogado tulad ko?!

"Josh! Josh! JOSH!"

"Ang ingay mo na naman Jah." Bulyaw niya sa akin.

"Alam mo bang nilagay na course ni Ken sa UPCAT application niya?"

Classmates kasi sila. Nakalimutan ko pala imention, hindi rin kami classmates ngayong year ni Josh at nagkakasama lang kami tuwing lunch break or uwian na. Kakatapos lang namin mag-take ng entrance exam sa Ateneo at nagsabay na kaming dalawa pauwi.

"Oo, alam ko. Bakit? Hindi mo ba alam?"

"Hindi naman kasi ako chismoso."

"Ay wow, alam kasi ng buong klase namin. Nilagay niya Architecture sa UP Diliman. Ang galing lang noh? Ang hirap pa naman ng course na 'yun."

Thirteen YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon