MAXINE
I woke up with a throbbing pain in my head. Hindi ako agad nakatulog after my encounter with Hunter last night. Hindi ko alam kung hanggang anong oras ako umiiyak knowing that my husband is sharing a bed with another woman. Hindi maganda ang pakiramdam kong umagang iyon. I feel like I was dragging myself to get up, I don't rea ly feel like myself right now.
Kahit nahihirapan ay pinilit ko ang aking sariling bumangon dahil madami akong aasikasuhin sa cafe dahilsa pagkawala kong ilang araw. Masyado kasi akong naging abala sa pag-aasikaso kay Hunter sa ospital kaya ilang araw akong hindi nakabisita sa shop.
Matapos akong maligo ay mabilis akong nagbihis. I was wearing an off shoulder floral dress na pinaresan ko ng isang white na flat shoes. I just let my slightly curly hair down. Matapos magsuklay ng buhok ay bahagya akong naglagay ng lip and cheek tint upang magkakulay ang namumutla kong mukha. Naglagay din ako ng kaunting concealer upang matakpan ang aking eyebags dulot marahil ng magdamag na pag-iyak.
Saktong paglabas kong aking kwarto ay sya ring paglabas ni Athena sa dati naming kwarto ni Hunter na ngayon ay gamit nila Athena.
The nerve of this b*tch!
lnis man ay mabilis kong pinalis sa aking isipan ang aking nararamdaman. Kailangan kong maging matatag para kay Hunter kahit pa nga ang kapalit nito ay ang pagtitiis ko sa babaeng ito. Balak ko na sana itong lampasan at dumiretso na lamang sa hagdan upang bumaba ng bigla itong magsalita dahilan upang mapatigil ako.
"Did you sleep well?" may pang uuyam sa tono ng boses nito.
Anong bang trip nitong babae na to, ang aga aga mang bwisit. I rolled my eyes before turning around and look at her.
"Yes, I did sleep well. Hindi na kita tatanungin kasi wala naman akong pakialam sayo," wika ko sabay muling tumalikod dito at humakbang paalis. Hindi pa man ako nakakailang hakbang ng marinig ko itong muling magsalita.
"Oh, it's fine. Hunter and I had a long steamy night, I might bore you with the details." Tila nagpanting naman ang aking pandinig dahil sa sinabi nito kaya mabilis akong humarap dito at mabibilis ang hakbang na lumapit sa kinatatayuan nya. Bago pa man makaiwas si Athena ay isang malutong na sampal ang lumapat sa kanyang pisngi.
"You, b*tch!" ganting sigaw nya habang hawak pa din ang kanyang kanang pisngi.
"No, you listen to me, wh*re! Si Hunter lang ang nakalimot hindi ang buong mundo. Siguro nga ikaw lang ang naaalala ni Hunter ngayon pero ito ang isaksak mo sa kukote mo. Sa mata ng tao at sa mata ng diyos ako pa rin ang asawa ni Hunter at ikaw, kahit saan mo man tingnan isa ka lang kabit!" malakas na sigaw ko kanya habang dinuduro sya. Napigtas na ang lahat ng pagtitimpi na meron ako. I won't allow any woman to disrespect me in my own home. I need to let this woman know kung sino ang reyna sa bahay na ito.
"He was mine first! Kung hindi ako umalis malamang ako ang may hawak nyang kasal na pinagmamalaki mo. Now that I'm back, I will do anything to take him back," ganting sigaw nito saka gumanti ng isang malakas ng sampal na hindi ko agad naiwasan kaya tumama iyon sa akin pisngi
"Aba't talagang..." That's it! Ubos na ang pasensya ko sa babaeng ito.
Mabilis kong hinablot ang kanyang buhok dahilan upang mapaupo ito sa sahig. Buong lakas ko syang kinaladkad habang hawak ang kanyang buhok pababa ng hagdan. Puro tili at aray na lamang ang tanging nasabi ni Athena dahil hindi nito magawang tanggalin ang pagkakakapit ko sa kanyang buhok. Ang braso ko ay puno na rin ng kalmot at galos dulot ng mahahabang kuko ni Athena na patuloy na nagpupumiglas sa pagkakakapit ko.
BINABASA MO ANG
My husband's Secretary
RomanceHunter Antonious Lorenzana is the owner of the Titan Empire, a multi-billion dollar security agency. One day he had an accident that causes him to suffered from selective amnesia. All he remember are his memories from 7 years ago before his Model gi...