Chapter 3

252 17 16
                                    

    EIGHT   YEARS    AGO  :   

Nakayukong binagtas ni Chichi ang daan patungong likod ng gym para mananghalian. Laging hindi siya kumakain sa school's cafeteria dahil wala naman siyang perang pambili ng mamahaling pagkain doon.

Wala pa siya sa kalagitnaan ng daan ng may magandang babae kasama ang mga alipores niya na humarang sa kaniya.

"And where do you think you're going, gay nerdo?"

Si Stassie Montereal. Ang pamangkin ng may ari ng ekslusibong paaralan na tinutuluyan niya.

Napayukong muli si Chichi dahil mapanglait ang abuhing mata ni Stassie. Na para bang lagi siyang kinukutya.

"M-manananghalian lang sana."

Stassie mockingly laugh. "Hah! Baka naman gusto mo lang akong takasan." Dinuduro-duro ni Stassie ang kawawang bakla. "Leche ka talagang bakla ka noh. Siguro sinadya mo talagang hindi gawin ang assignments ko para ma-embarass ako sa klase kanina."

"H-hindi. Hindi naman sa ganon. N-nakatulog lang ako kagabi kaya 'di ko nagawa. P-pasensya na Stass---"

"Queen... How many times do I have to tell you that you should call me Queen Stassie."

"Pasensya ka na talaga, Q-queen Stassie."

Stassie is a spoiled brat and a campus sweetheart. She really wants everbody to treat her like a queen. Pano nga ba nagsimulang ginulo ni Stassie si Chichi? Nang dahil lamang na nagkapareha noon ang damit nila. Kay Chichi ay sa ukay-ukay lang habang sa kanya ay gucci but they still have the same design. Kaya nagalit si Stassie dahil natukso siya noon na cheap at baka ukay-ukay lang din ang precious gucci niya. Hell! She would never wear a cheap dress like Chichi's.

"The damage has been done. Napahiya mo na ako kay teacher at sa classmates natin. And I'm sigurado that Tito will make sumbong to my dad and I'll be grounded dahil sayo."

"H-hindi ko naman sinasadya, Queen---"

"You make shut up na. And prepare for your worst punishment. At kapag nag-escape ka, ipapatanggal ko scholar mo. Gets?"

Tarantang napatango si Chichi.

Marahas siyang binagga ni Stassie sa balikat bago umalis.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Dati naman sobrang tahimik ng buhay niya. Noong walang pumapansin, kumakausap, at nanlalait sa kanya. Hindi kagaya ngayon.

NATAPOS NA ANG KLASE. Paalis na sana si Chichi sa campus ng hinarang ulit siya ng mga alipores ni Stassie.

"U-uuwi na ako." Natatakot niyang pahayag. Baka kung anong paghihirap ang gawin nila sa kanya.

Ngunit hindi nakinig ang tatlong babae na kaibigan ni Stassie. Hinawakan siya nito sa mga braso at kinaladkad pabalik.

"P-please naman oh. Pauwiin niyo na lang ako. 'W-wag niyo' kong saktan."

"Stassi said, siya lang ang pwedeng manakit sa isang loser like you."

Kahit anong pagmamakaawa niya ay hinila pa rin siya.  Pilit siyang pinapasok sa isang classroom na walang ibang tao kundi ang nag-iintay na si Stassie.

"Lock the room, girls." Stassie commanded after they push Chichi inside.

Nang makaalis ang kaibigan at sila na lang dalawa ang naiwanan sa classroom ay nagsalita si Stassie.

"Come closer, gay nerdo. And sit here."

She's sitting on a table, crossing her legs, while Chichi is now sitting on a chair in front of her.

Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon