GIRL POV
Let's go babe!..
Ok babe!... magkahawak kamay naming tinungo ang parking lot kung san nakapark ang motorsiklong sinakyan namin kanina. Nandito kame ngayon sa NUVALI kung saan nagcelebrate kame ng aming 3rd year annivesary. Sobrang saya ko nung araw na iyon, feeling ko ako na ang pinaka swerteng tao sa buong mundo. At ngayon hindi ako makapaniwala na we are celebrating our anniversary again. Saglit akong napangiti sa naisip, napatingin naman siya sa akin at di maiwasang mapakunot ang noo dahil sa bigla kong pag ngiti at may kasamang mahihinang pag-iling.
Babe what was that? takang tanong nito.Nothing babe, i just remember something... tugon ko naman dito. Humarap ito sa akin at diretsong nakatingin na tipong nagtatanong ang itsura may sasabihin pa sana ito ng biglang tumunog ang kanyang telepono. Wait babe i will just answer this ok! paalam niya at agad naman akong tumango. Binitawan niya saglit ang aking kamay at medyo tumagilid sa akin.
안녕하세요아빠 (annyeonghaseyo appa!) (Hello dad!)... panimulang bati niya. Nakatingin lang ako sakanya habang may kausap ito sa kabilang linya, hindi ko man ito tanungin ay alam ko na agad kung sino ang kausap niya kaya mas pinili ko nalamang na tumahimik at intaying matapos ang kanilang pag-uusap.
하지만 아빠는 내가 할 수 없습니다 -hajiman appaneun naega hal su eobs-seubnida (but dad i can't)
나는 하지이해 당신 아빠 - naneun geunama ihae dangsin appa (I don't understand you dad)
네 아빠 - ne appa (yes dad!)
안녕 - annyeong (bye)
Pagkatapos nilang mag-usap ay humugot siya ng malalim na buntong hininga, sandali akong nagtaka sa itsura niya, sobrang lungkot niya na halos hindi maipinta ang muka, naging balisa rin ito na tipong ano mang oras ay sasabog nalang sa bigat ng nararamdaman, maya maya'y hinawakan ako nito at hinila papalapit sakanya, binigyan nya ako ng mahigpit na yakap. Bigla naman akong kinabahan sa tinuran nito, ngayon ko lang naramdaman ang ganito na parang anumang oras ay mawawala siya sa tabi ko. Sobra akong kinabahan sa naiisip ko ngunit pinilit kong kalmahin ang sarili. Babe is everything ok? nagaalalang tanong ko dito.
Hinawakan naman niya ako sa magkabilang braso at hiniwalay sa aming pagkakayakap. Babe you know how much i love you, right? mahina at makahulugang tanong nito sa akin.
Yes babe.. nagtatakang tugon ko rito.
Just trust me babe! I don't let anyone hurt you, I'll do everything to keep you safe, i will stick on you whatever happen, i will protect you at any cost... i promise that! sunod sunod na saad niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, naguguluhan ako, bigla kong naisip kung ano ba ang nangyayari, kung ano ba ang napag-usapan nila ng kanyang ama kanina. I have so many questions on my mind that i wanted to ask, but i can't let it out on my mouth. Pagkatapos nitong magsalita ay dinampian niya ako ng halik sa noo at binigyan ng mahigpit na yakap. I love you so much babe! i really do!.. emosyonal na dagdag pa nito.
I love you too, babe! I don't know what's happening but i trust you! What ever it is, i will always trust you! sinserong tugon ko dito. Pagkatapos ng tagpong iyon ay nagdesisyon na kaming umuwi, dahil lumalalim na din ang gabi. Sandali pa nyang tinipa ang kicker ng kanyang motor para magstart ito, ilang sandali pa ay napaandar na nya ito at niyaya na akong sumakay, ngunit di pa ako nakakasakay ay may buong pwersa na humila sa akin papalayo sa aking nobyo.
Baaabbeeee.. Aack! bigla akong nanghina ng maramdaman ko ang pagdapo ng kamao ng isang lalake sa aking sikmura, pagkatapos niyon ay may dalawang lalake na humawak sa magkabila kong braso, namimilipit ako sa sakit. Pinilit kong magpumiglas sa pagkakahawak sa akin ng mga ito pero hindi ko magawa dala na din siguro ng sakit ng aking sikmura, maya-maya pa'y bigla nalang nila akong itinulak palayo sa kanila at buong lakas na bumagsak sa mabatong lupa, sa sobrang lakas ay hindi ko maiwasang mapaungol. Aacckkk! S-Sino ba kayo? A-Ano bang kasalanan namin sa inyo? nanginginig na usal ko sa mga ito. Tanging singhal lang ang narinig kong tugon sa mga ito.
BOOGS...
PAKKK....
BOOGS..
BOOGS...
Malalakas at sunod sunod na tunog ang naririnig ko sa aking paligid, pinilit kong hanapin ang pinanggagalingan ng mga tunog na iyon, ngunit ang nahagip ko ay ang isang lalaking nakatayo sa di kalayuan at may inaabot sa isa pang lalaki, hindi ko maintindihan ang kanilang pinag-uusapan pero laking gulat ko nalang dito ng ang lalaking kausap nito kanina ay biglang humarap sa akin sabay tutok ng baril. Isang malakas na putok ng baril ang sumunod kong narinig at biglang may kirot akong naramdaman sa kanang bahagi ng aking dibdib. Bigla nalang nanlabo ang aking paningin ngunit pinilit kong titigan ang taong gumawa nito sa akin.
W-Why b-babe? I-I thought you w-will never h-hurt m-me? emosyonal na tanong ko dito. Sandaling katahimikan ang pumaibabaw sa aming dalawa, tinitigan din niya ako, hindi ko makapa ang reaksyon ng kanyang mukha.
I lied.. walang emosyong sagot nito sa akin.
That was the last word that i heard from him. Pagkatapos niyang bitawan ang salitang iyon ay agad naman itong tumalikod sa akin. Sobrang sakit ng naramdaman ko hindi lang dahil sa kumikirot na sugat sa aking dibdib, ngunit sa katotohanang niloko ako ng taong pinagkatiwalaan ko ng buong buhay ko. Unti unti na akong napapapikit sa sobrang pagkahilo at dahil dito ay ang mabilis na pagkawala ng aking malay.
Ito na ba ang aking katapusan?.. i'll die having all this sadness on my heart and it feel sucks!
-----------------------------------------------------------------( '' , )---------------------------------------------------------------
Hi guys maraming thank you sa pagbasa, i hope magustuhan nyo! First time ko lang magsulat kaya sorry po if may mga lame words na mababasa. Pero i will try harder para po mas maging exciting yung mabasa nyo!
Hope to see your comments wag lang po sanang masyadong harsh hehe..
Thanks po please leave a comment po para malaman ko if may sense yung sinusulat ko!
Thanks again guyz! Please guide me! FIGHTING!
Please like or comment po!
BINABASA MO ANG
My Unexpected Love
FanfictionAno nga ba ang gagawin mo kung ang taong sobrang minahal mo ay ang taong mananakit sayo? Siya pa yung taong magbibigay sayo ng kawalan ng ganang mabuhay sa mundo. Taong nagbigay sayo ng assurance na nandyan lang sa tabi mo hanggat kailangan mo, pero...