Chapter 2.1 - Connecting to Friends

52 1 0
                                    

Kinabukasan

MAX POV

Maaga akong nagising ngaung araw 6 am to be exact, kahit na late na akong nakatulog kagabi, medyo nag-aadjust parin siguro ang katawan ko sa 12 hours diferrence ng new york at pilipinas. Pero sigurado naman ako na mabilis akong makakaadopt dito. Sandali pa akong ng unat unat sa aking higaan, sarap din talagang magising sa bahay na iyong kinalakihan. Dumeretso na ako sa comfort room para maligo madame din kasi akong balak gawin ngayung araw, ngayon ko tatawagan ang mga kaibigan ko para makita ko na sila, balak ko ding maghanap ng school na papasakuan para sa Med. Proper and lastly kelangan ko na ding mag-umpisa sa pakay ko kaya ako umuwi. Mahigit isang oras din akong nag-ayos ng aking sarili at pagkatapos 'non ay agad naman akong bumaba para makapag-breakfast.

"Good Morning Nay".. ako

"Good Morning my princess, why so early? Hindi ka ba nakatulog ng maayos?... takang tanong sa akin ni nanay habang hawak ang isang newspaper sa dining area.

"Nakatulog naman po! Medyo 'di palang po siguro ako nakakaadjust sa time.. tugon ko dito

"Hmm i see! sabay tayo naman nito. What do you want to eat baby, ill prepare it for you.. tanong muli niya sa akin.

"No its ok nay! I'll ask yaya nalang to prepare it for me, diba you have early meeting? ako

"Yah! im just waiting for your dad, and we'll take off after, so what's your plan for today iha? si nanay

"Well im planning to meet AJ, Kim and Hely, namiss ko na din sila eh, and at the same time i will ask help from AJ kasi diba nay we have the same course so i was just thinking if i could enroll on her school.. paliwanag ko naman dito.

Tumatango-tango naman ito sa akin habang nakikinig. "That sound's great iha, matagal na 'din akong kinikulit ng mga kaibigan mo kung kelan ka uuwi, and mas maigi na din na sa YONSEI University ka mag-aral, magaling humasa ng mga doctor ang school na yun." sangayong saad nito sa akin. Sandali pa itong nakipagkwentuhan habang pinaprepare naman niya ang breakfast sa aming kasambahay, maya-maya naman ay bumaba na din si tatay para sumabay sa aming umagahan. Nakisali lang din si tatay sa amin at tinanong din kung ano ang balak ko ngayong araw at pinaliwanag ko na lang muli ito tulad ng nabanggit ko kanina kay nanay. Thirty minutes din ang lumipas at nagpasya na silang umalis, ayaw kasi nilang nalelate sa meeting. 9:00 am daw kasi ito magsisimula at my isa't kalahating oras na lamang silang natitira.

"Meziah here's the key of your car, and also your credit card and atm pinaayos ko na yan sa secretary ko bago ka pa umuwi, para if ever you need something you could use that" abot sa akin ni tatay. Nakangiti ko naman tinanggap ito. And lastly if there's problem, call me agad anak ok! seryosong dagdag pa nito.

"Ai ai sir..." pagkumpirma ko naman at pagkatapos ay umalis na ang mga 'to, agad ko namang kinuha ang telepono ko sa kwarto para tawagan ang mga kaibigan ko, sana ito pa ang mga numero ng mga 'yon, sabagay nung isang buwan ko lang naman sila nakausap pero di ko sinabi sa kanila na may balak akong umuwi gusto ko din kasi silang sorpresahin.

Tatawagan ko na sana sila pero may naisip akong kalokohan kaya imbes na tawagan ay isa isa ko silang pinadalhan ng text message... "Ano kayang magiging reaksyon ng mga yon, sana pumunta sila!..

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon