5 years after
MAX POV
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang binabaybay ang kahabaan ng South Luzon Express Way (SLEX). Its been five (5) years simula ng lisanin ko ang bayan namin para magpakalayo at makalimot, halos malaki na din ang pinagbago nito, ang dating bakanteng lote sa gawing kanan na dati'y nababalutan palang ng mga mahahabang talahib, ngayon ay unti unti ng dinedevelop. May mangilan ngilan ng mga subdivision na nakatayo dito, meron na din mga private company sa magkabilang gilid nito, meron ding dinedevelop na nature park dito. Sabi ni nanay ngayon daw ay mas kilala na ito sa tawag na SOUTH WOOD CITY - THE CITY OF THE SOUTH.
Hindi ko naman maiwasang mailing at mapangiti dahil ganun na pala talaga ako katagal nawala "Ang dami na palang nagbago" mahinang usal ko habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan at nakamasid sa kahabaan ng daan. Muli pa akong nagpalinga linga sa magkabilang gilid hanggang sa makapasok na kame sa Calamba City, mga isang (1) oras pa ang tatahakin namin bago makarating sa aming bayan kaya nagdesisyon muna akong umidlip at ipahinga ang aking isip.
Ms. Max nandito na po tayo... usal ni Mang Ome habang marahan akong tinatapik sa balikat. Dagli naman akong napabalikwas sa tawag niya, marahil sa sobrang kapaguran ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala kame sa aming bayan, ang bayan ng pagsanjan. Binigyan ko naman ng matamis na ngiti si Mang Ome at nagpasalamat. Pagkalabas ko ng sasakyan ay bahagya akong nag-unat, ang sakit ng balakang ko sa haba ng byahe inabot din kame ng tatlong oras mula sa airport na pinagsunduan sa akin. Sandali ko namang pinagmasdan ang kabuuan ng aming bakuran mula sa malawak na garden hanggang sa harapan ng aming bahay.
Grabe na pala! Ang tagal na din pero halos walang pinagbago. Napangiti naman ako sa aking naisip at sabay tingin naman sa may kaidarang babae na nakatayo sa aking harapan sa di kalayuan! Maikli ang buhok niya na hanggang sa may tenga, maputi ang kanyang balat at may malalamlam na mata, matangos ang ilong at manipis na labi. Sandali ko pa itong tinitigan.
My Meziah.. tawag niya habang mangiyak ngiyak na nakatingin at nakangiti sa akin..
Nanay... tugon ko dito at dali dali naman akong tumakbo papalapit dito at binigyan sya ng mahigpit na yakap, kung alam lang nito kung gaano ko kasobra silang namiss, five years ko din silang hindi nakasama ng magdecide akong umalis sa pilipinas at mag-aral sa ibang bansa, kaya naman nila akong dalawin pero mas pinili ko na wag na silang papuntahin, siguro yun ang isa sa paraan ko para di nila ako makitang wasted àng buhay, ayoko din na makita silang kinakaawaan ako, mabuti nalang at mababait ang mga ito at pinagbigyan ako, tinugunan naman ni nanay ng mas mahigpit pang yakap ang ginawa ko sa kanya kanina, na tipong ramdam na ramdam mo ang pananabik na makasama ka. Bakit parang mas sexy ka yata sa akin, nay? pinapakain kaba ng maayos ni tatay? pagbibiro ko dito.
Napaangat naman ako ng ulo sa may gawing kanan ng makaramdam ako ng di kalakasang dagok... Hoy bawiin mo ang sinabi mo Meziah Aedda, hindi ko kailanman kakayanin gutumin ang nanay mo...nakasmirk habang nakahalukipkip ang dalawang kamay nito malapit sa dibdib at diretsong nakatingin sakin.
Napanguso nalang akong humarap dito.. Tay! habang nakangiti at nakapeace sign pa dito. Pwede naman pong magjoke diba?? dagdag ko pa at agad naman ako nitong hinila papalapit sa kanya at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Namiss kita mahal na prinsesa! bulong nito sa akin.
Ako din po tay! Sobra... tugon ko naman.
Iba pa rin talaga kapag kasama mo ang sariling pamilya, kahit sobrang tagal mo silang hindi nakasama mararamdaman mo pa din na walang nagbago, although halos araw araw ko silang nakikita sa facetime, viber, at we chat pero iba pa rin yun nakakausap at nahahawakan mo sila.
BINABASA MO ANG
My Unexpected Love
Hayran KurguAno nga ba ang gagawin mo kung ang taong sobrang minahal mo ay ang taong mananakit sayo? Siya pa yung taong magbibigay sayo ng kawalan ng ganang mabuhay sa mundo. Taong nagbigay sayo ng assurance na nandyan lang sa tabi mo hanggat kailangan mo, pero...