Kabanata 3
Unconsious
Kinuha ko ang basket na dadalhin ko ngayon sa laot, sasama kami ni Berna kina Mang Pedro para mangisda ngayon. Nae-excite kaming dalawa dahil malamang ay makakahanap na naman kami ng maraming shells at pearls sa malalim na parte ng karagatan.
"Baka gabihin tayo sa laot, mga dalaginding ha." biro pa ni Lolo Teodore, isa siya sa mga mangingisda na kasama namin.
"Nako, Lolo Teo. Okay lang po!" masiglang sabi naman ni Berna.
"Okay lang po, Lolo. At saka po, ako lang po ang dalaginding dito kasi binata na po si Bernardo!" tumawa ako.
"Ay walanghiya ka pala eh!" mahina akong kinurot ni Berna.
Nagtawanan kami bago namin napagdesisyunan na pumalaot na. Magkatabi kami ni Berna habang sila Lolo Teo at Mang Pedro naman ay abala sa pag-sagwan at sa mga lambat nila.
"Ang ganda talaga dito 'no?" nilibot ko ang tingin sa nagagandahang tanawin.
"Oo nga!" bulalas naman ni Berna.
"Alam niyo ba ang alamat ng islang ito ayon sa kuro-kuro ng matatanda?" masayang tanong sa amin ni Lolo Teo.
"Huh?" pareho kaming nakuryuso ni Berna.
"Wala atang alam ang mga batang ito, Lolo Teo. Mas mabuti 'pang ikwento na lang namin sa inyo, gusto niyo ba?" si Mang Pedro naman.
"Ay, opo! Opo! Sige na po!" atat naman si Berna.
Nagsimula na si Lolo Teo at Mang Pedro sa pagkwekwento nila, nakinig lang ako habang nakanganga naman si Berna habang nakikinig. Ngumuso lang ako bago nila simulan ang kwento.
"Noong unang panahon ay may isang prinsesa na nakatira dito sa Isla, hindi pa ito tinatawag noong Santa Elena kundi ito ay tinatawag nilang Isla Magdalena kung saan ang nasasakupan noon nito ay naniniwala sa diyos-diyosan at mga tribo. Ang prinsesa ay siyang anak ng hari't reyna na namatay sa pakikipaglaban para maprotektahan ang mga tribo at ang pinakamamahal nilang anak." ngumiti si Lolo Teo. "Lumaking maganda ang mahal na prinsesa na mag-isa lang ngunit mahal naman siya ng lahat at nasasakupan ng kanyang yumaong pamilya. Mabait ang prinsesa sa lahat hanggang sa nakatagpo siya ng lalaking hindi niya aasahang iibigin niya. Isang lalaking nangagaling din sa kabilang palasyo na puno ng pasa at sugat, dinala niya ito sa tribo at doon ginamot. At sa hindi niya inaasahan..." huminto naman si Lolo at nilingin si Mang Pedro para siya na ang magpatuloy.
"Nahulog ang loob ng mahal na prinsesa sa mahal na prinsipe at ganoon din naman ang mahal na prinsipe sa mahal na prinsesa. Nangako sila sa isa't isa na papakasalan nila ang isa't isa hanggang sa bumalik na ang mahal na prinsipe sa palasyo." malungkot na tumingin si Mang Pedro sa akin. "At sa kasamaang palad ay hindi na binalikan ng mahal na prinsipe ang mahal na prinsesa. Umaasa ang prinsesa na babalikan siya ng pinakamamahal niya hanggang sa napagalaman na lang niya na kasal na pala ang prinsipe sa ibang prinsesa kasabay ng pag-alam niya na nagdadalang-tao siya sa anak ng prinsipe."
"Po? Buntis po 'yong prinsesa? Eh ano po ang nangyari?" atat na naman si Berna.
"Ipinabaon niya ito sa isla ng buhay." si Lolo Teo na ikinanganga namin ni Berna.
"P-Po? I-Ibinaon!?" gulantang kong tanong. "E-Eh buhay 'yong sanggol!"
"Oo nga, huli na ng hinukay nila ito. Wala na itong buhay." umiling si Lolo Teo.
"A-Anong nangyari sa prinsesa?" si Berna naman.
"Ibinaon ng mahal na prinsesa ang bata para hindi na ma-ulit pa ang sumpa. Ayon sa mga matatanda iyon ang pamahiin at paniniwala nila." si Lolo Teo ang sumagot. "Namatay din kalaunan ang prinsesa, hindi niya kinaya ang labis na paghihinagpis at kalungkutan."
![](https://img.wattpad.com/cover/257998785-288-k680879.jpg)
BINABASA MO ANG
Under His Chains (Sta. Lucia Series #1)
RomanceSta. Lucia Series #1 Kara, was a simple girl who have dream living in a simple life with the person who will love her infinity and beyond. Until her world turns upside down when she meet the man who can change her, who made her lied because of love...