Kabanata 19
Deserve
Magkahawak ang kamay namin ni Kier habang nakaupo sa frontseat, ngumuso ako ng nagsimula na siyang magmaneho papunta sa La Santa. Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa bintana habang binabaybay ang buong hacienda, akalain mo nga naman oh? Ang laki pala ng lupain nila dito.
"Mahal? Sa inyo ba lahat ng lupain dito?" nilingon ko siya.
"Hindi, mahal. Maraming may hacienda dito sa La Santa, nasa may bandang dulo pa ang amin. Malaki ang kabuuan ng lupa na 'to. Hindi kami sole owner neto but we owned a huge land here." paliwanag naman niya.
"I see." I said and stared at the forest.
"Okay ka lang ba? Is it okay to see... Uhm, Lyle?" he asked a bit hesitant.
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman hindi? May dapat ba akong ikabahala kapag nagkita kami? Oo na't may kasalanan ako sa kanya, ginago ko siya at pinagmukhang tanga pero umalis naman siya diba? Pinaramdam niya din sa akin kung paano maging tanga at umasa sa mga pangakong hindi naman pala niya kayang tuparin. Wala na sa akin 'yon, mahal. Walang kami at hindi magiging kami." I assured him.
"I trust you, mahal. I love you." mahigpit na hinawakan niya ang kamay ko.
"He is just my past, ikaw ang future ko." malambing na tugon ko sa kanya.
Nagngitian kami bago ko inihilig ang sarili ko sa kanya, niyakap ko siya sa braso hanggang sa hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako.
"Anak, kumain ka na oh." pakiusap ni Mama sa akin, kasama niya si Savi na karga si Havien.
Tumingin lamang ako sa kawalan, pakiramdam ko ay nawala ako sa sarili ko ng mawalan ako ng isang anak. Pakiramdam ko kasalanan ko kasi kinarma ako sa lahat ng nagawa ko, hanggang kailan ako magiging ganito? Kailan titigil itong sakit na nararamdaman ko?
Hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong babalik siya, Oo na't galit ako pero kailangan ko siya. Kailangan ko ang ama ng anak ko pero paano? Paano ko siya mapapabalik sa akin kung may mahal na siyang iba? Na may asawa na siya? Paano pa ako lalaban sa nararamdaman ko sa kanya kung hindi pa nga ako nakakapagsimulang sumugal ay may nanalo na? At ako, nandito. Hirap na hirap pa rin ako dahil masakit pa rin na wala siya.
Iniwan ko sila ni Mama at pumunta sa bayan, kailangan kong pumunta sa La Santa dahil nabalitaan kong birthday ngayon ni Lyle. Bumili ako ng cake para sa kanya, gusto ko lang humingi ng sorry sa lahat ng nagawa ko. Magmamakaawa ako kung kinakailangan basta ba ay makita at makasama ko lang siya kahit hindi siya akin. Kahit hindi na siya magiging akin.
"M-Manong, nandiyan ba si Lyle? Patawag naman po oh." pagmamakaawa ko sa guard.
"May invitation po ba kayo para makapasok kayo sa loob?" malumanay na tanong ni Manong sa akin, nakita niya kasing naiiyak na ako.
"W-Wala po. Please po, kahit saglit lang. Kahit hindi niyo po ako papasukin basta ba tawagin niyo lang si Lyle, ibibigay ko lang po ang cake na 'to. Please po." naiyak na talaga ako ng tulyan.
"Sandali lang hija, diyan ka muna ha." pumayag na ng tuluyan si Manong guard.
Naramdaman ko ang mahinang pagpatak ng ulan pero hindi ko 'yon ininda, gusto kong hintayin si Lyle dito. Umaasa ako na darating siya at tatanggapin ito, gusto kong makita siya. Kahit saglit lang. Kahit sandali lang.
Ilang saglit lang ay lumabas na si Manong pero walang Lyle na nakasunod sa kanya, malungkot na tumingin si Manong sa akin bago umiling. Alam ko na ang ibig sabihin nito, ayaw niya akong makita pa. Hanggang ngayon ay galit na galit pa rin siya sa akin.

BINABASA MO ANG
Under His Chains (Sta. Lucia Series #1)
Roman d'amourSta. Lucia Series #1 Kara, was a simple girl who have dream living in a simple life with the person who will love her infinity and beyond. Until her world turns upside down when she meet the man who can change her, who made her lied because of love...