Kabanata 36

1.9K 29 5
                                    

Kabanata 36

Confrontation

Hinawakan ng mahigpit ni Mama ang kamay ko, hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin ngayon. Bumukas ang pintuan at doon pumasok si Lyle at si Mama Mariana, nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salubongin ang tingin niya sa akin, hindi ko kaya at baka bumigay ako.

Nabigla ako ng lumapit si Mama kay Lyle at malakas na sinampal ito, nakita kong napayuko si Lyle at kahit pigilan ko si Mama ay alam ko naman na hindi ko magagawa 'yon. Hindi niya din masisisi si Mama dahil sa ginawa niya sa akin.

"Wala talaga kayong pinagkaiba ng ama mo, Lyle Hidalgo." malamig na panimula ni Mama. "Pwede mo naman ibalik sa amin ang anak ko kung ayaw mo na, hindi mo naman siya kailangang saktan at durugin. Sana pinakawalan mo na lang siya kung nagsasawa ka na sa kanya."

"Alexandra..." tawag ni Mama Mariana. "I'm sorry."

"Sorry? Nagpapatawa ka ba Mariana? Hindi mo man lang ba nakita o napansin na sinasaktan na ng anak mo ang anak ko? Hinayaan mo lang ba 'to lahat, Mariana!? How could you! I trusted you! Sabi mo, aalagaan mo ang anak ko..." naiyak na si Mama. "And I learn now that your son married my daughter for revenge right? That your son dosen't love my daughter, he just played her. Pinaglaruan niya lang ang anak ko hindi ba?"

"Mrs. Vizconde, I love your daughter." he said weakly.

"Liar." sarkastikong ngumisi si Mama. "Hindi mo na ulit makikita ang anak ko, Lyle. I won't allowed you to see her ever again."

"Alexandra, pag-usapan natin 'to. Kasal sila sa isa't isa." nagmamakaawa si Mama Mariana kay Mama ko.

Bababa na sana ako sa kinahihigaan ko ng pinigilan ako ni Savi, aawatin ko na sana si Mama pero masyadong mahigpit ang hawak ni Santi sa akin na nasa tabi ko na pala.

"Kung hindi naman kayang mahalin ng anak mo ang anak ko, para saan pa ang kasal sila? I don't want my daughter to stay in a loveless marraige and It's final, she will file an annulment as soon as possible before we fly back to Greece." puno ng hinanakit na sabi ni Mama. "Kukunin ko na ang anak ko sa inyo."

"Don't compared my husband to my son, Alexandra. Wag mo ng ibalik ang nakaraan, It was said and done! Wag 'mong ikumpara ang nangyari sa atin noon sa nangyari sa mga anak natin ngayon. Magkaiba sila." awat ni Mama Mariana.

"Magkaiba?" sarkastikong sabi ni Mama. "Hindi ba at ako naman talaga ang unang minahal ng asawa mo? Ako naman talaga, Mariana diba!? At dahil ikaw ang nauna at pinakasalan sa ating dalawa at nakita kong minamahal ka na din niya, pinakawalan ko siya agad! Kahit ang hirap, kahit ang sakit! I give him up for you! At heto? Naulit na naman sa mga anak natin, Mariana? Oo at alam kong wala na ang asawa ni Lyle pero ayokong manatiling pangalawa ang anak ko sa puso ng anak mo, I don't want her to beg for his love. I don't want her to be an option, my daughter deserves everything. She deserves the world."

Natigilan ako, I think they have a past same as ours.

Tulad ko din ba si Mama? Nagmakaawa din ba siyang mahalin ng Papa ni Lyle pero sumuko din si Mama kalaunan kasi nakita niyang masaya ang taong mahal niya kay Mama Mariana? So all this time, Mom was giving way to them?

So history repeat itself huh.

Kung siguro nandito si Shann ay isusuko ko din siya kay Lyle, ayos lang na masaktan ako basta maging masaya lang siya. I will accept my defeat wholeheartedly even if It hurts.

Hindi nakasagot si Mama Mariana kay Mama kaya natahimik na lang sila, kalaunan ay nagpaalam na silang umalis. Nagpaalam na din ang mga kapatid ko na lalabas muna, naiwan kami ni Lyle. Nakiusap ako kay Mama na kung pwede ay si Lyle na ang maghahatid sa akin papunta sa mansion para makapag-usap na din kami ng masinsinan.

Under His Chains (Sta. Lucia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon