Kabanata 21

1.4K 24 1
                                    

Kabanata 21

Matapos kong magbihis ay nagmadali akong umalis ng mansion, sa hindi kalayuan ay nakita kong nakaparada na ang kotse ni Caden malapit sa gate. Agad kumaway si Aubrie ng makita ako, maging si Caden din.

Matipid din akong ngumiti, hindi ko magawang maging masaya ngayon dahil sa ginawa sa akin ni Lyle. Galit ako sa kanya kung bakit niya ginawa 'yon, wala naman akong ginawang pagkakamali sa pagkakaalam ko ng magkita kami. Hindi ko alam kung bakit niya nagagawa sa akin 'yon, hindi ba't kasal na siya sa minamahal niya? Dapat doon sa asawa niya ang buong atensyon niya at hindi siya pwedeng makialam sa akin, sa relasyon namin ni Kier.

"Are you okay? Namumula ka ah?" pang-uusisa sa akin ni Aubrie.

"W-Wala." nag-iwas ako ng tingin. "Nahilo lang ako."

"Oh? Sige, mag-chill ka muna diyan dear." kumindat sa akin si Aubrie.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na kami sa hacienda nila ni Caden, inalalayan niya akong bumaba at si Aubrie din.

Napalingon ako sa buong paligid ng hacienda, malaki ang lupain nila pero mas malaki at malawak ang sa mga Hidalgo. Ang sarap damhin ng hangin dito sa hacienda nila, nawala konti ang galit ko kanina.

"Ang ganda naman dito oh, sana pala ay hindi na lang tayo pumasok ngayon 'no? Gusto kong mangabayo tayo Cade! Ano Kara? Game ba tayo diyan?" tuwang-tuwa si Aubrie habang hinahawakan ako sa kamay.

Nilibot ko ang tingin, sobrang ganda ng lugar. Mas maganda nga kung mangabayo kami dito, maaga pa naman eh. May point si Aubrie! I want to ride a horse!

"Sige ba!" excited na din ako.

"Sige oh! Marunong ka ba mangabayo, Kara?" si Caden naman.

Nagaalangan akong ngumiti. "Hindi eh, pwede ba sumakay na lang ako sa'yo o kay Aubrie?"

"Naku, hindi ko pa kabisado ang mangabayo dear eh. Mas mabuti ay kay Caden ka sumakay, trustworthy naman 'yang bestfriend ko haha!" si Aubrie.

Tumango ako agad. "Deal! Tara?"

"Tara na!" hinila na ako ni Aubrie pasunod kay Caden na nagpatiuna na sa paglalakad.

Pareho kaming gumayak papunta sa kuwadra ng mga kabayo, naeexcite kaming namili ng kabayong dadalhin namin papunta sa La Santa Dam. Kanina lang ay napag-usapan namin nila Caden na pumunta kami doon, may kalayuan daw 'yon kaya hindi pwedeng lakarin. First time ko 'to kaya excited ako ng sobra.

Pinili ni Aubrie ang kulay puting kabayo at hinaplos ang buhok nito, ganon din ang ginawa ko. Hinintay pa namin si Caden na nasa kabilang kwadra, may titingnan muna daw siya.

"Sa labas na natin hintayin si Caden, he's checking his goats pa." si Aubrie na iginaya ang kabayo palabas.

"Okay!" masiglang sagot ko naman habang abala sa pagtingin sa mga anak na kabayong nasa kabilang kwadra.

Lumipas ang kalahating oras ay dumating na si Caden, sumampa ako sa likod niya at umalis na agad kami doon. Malapit ng mag-alas kwatro pero tirik na tirik pa rin ang araw. Siguro dahil summer ngayon? Kaya kahit hapon ay umiinit.

"Wow! Ang ganda pa rin dito Caden 'no? Naalala ko noong bata pa ako ay madalas ako dito, ngayon pa lang ulit ako nakapunta dito!" natutuwang sabi naman ni Aubrie na nagpatiuna naman sa amin, nakasunod lang kami.

"Hindi naman nagbago ang hacienda sa paglipas ng panahon, Aubrie. May magbago man, siguro 'yon ang pamamalakad at pamumuno dito." anas naman ni Caden, nakayakap lang ako sa likod niya.

"Haciendero't haciendera pala kayo, nakakahiya naman haha!" tumawa ako. "Isang malaking nawa'y lahat!"

Bumungisngis naman si Aubrie. "Ano namang meron sa pagiging haciendera, aber? Still. Tao pa rin kami, humihinga pa. Iniiwan pa rin kahit nasa akin na ang lahat! Kaya waley pa rin!"

Under His Chains (Sta. Lucia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon