Chapter 32

460 9 0
                                    

Lisa's POV

Pagkapasok ko ng gym nagulat ako sa nakita ko, si Kai

"Ohhh, hey, hey, hey! Bakit ka napadpad dito?" Lumapit si Joy at niyakap nya ako

"May itatanong lang sana ako" Tumingin ako kay Kai at pareho kaming nagkaroon ng confused looked sa isat isa, dahil hindi ko malaman kung bakit siya nandito

"Oh, btw. This is Kai, he's been here for a months" Joy

"I know him" Nakatingin pa rin ako sa kanya at tumingin ako kay Joy, "Can you give us a second? I need to talked to him" 

"Uhm? Yeah, sure?"

Tiningnan ko siya at sinabihan ko sya na sumunod sakin

Pagkapasok namin sa kabilang pinto ng gym, tiningnan ko sya at hindi sya makatingin ng tuwid sakin

"Bakit ka nandito?" Panimula ko sa usapan namin

Tumingin sya sakin ng seryosong mukha at bumuntong hininga siya "Kailangan mo bang malaman ang hindi dapat?" Binigyan ko sya ng nagtatakang tingin habang nakakunot ang dalawa kong kilay, bumuntong hininga muli siya "Okay, fine. Kasi..." 

"Kung hindi mo pa yan sasabihin ng tuwid malilintikan ka sakin"

"Aish! Ikaw na nga may kailangan, ikaw pa yung galit. Tsss"

Bumuntong hininga ako at napahawak ako sa ulo ko "Sabihin mo na, marami pa akong kailangang gawin"

"Gusto kitang kalabanin"

Ano daw? Kalabanin? I laughed sarcastically, "Ako? Tsss, nasisiraan ka na ba ng bait?"

"Oo, dahil pinahiya mo ako at dahil don, naiinis ako sayo" Seryosong sabi nya habang ako ay natatawa tawa pa din

"Kai, hindi ko sinasadya yung ginawa ko sayo, I'm sorry" Nagulat sya sa sinabi ko

"Tsss, anong nangyayari sayo? Napaka-weirdo mo" Tumingin ako ng deretso sa mata nya at seryosong mukha, "H-hindi kita inaano dyan ah!"

"Kai, I-I need your..." Binigyan nya ako ng nagtatakang mukha, "Help"

Napanganga sya at bigla nyang sinampal ang sarili nya, "Nananaginip lang ako diba?" Umiiling ako sa kanya, "Sapakin moko"

"Ano?"

"Para malaman ko kung nananagin..." Sinapak ko sya ng katmtaman at nanlaki ang mga mata nya "Shit! Hindi nga ako nananaginip"

"Kailangan ko ang tulong mo" Huminga ako ng malalim, "Nasa panganib si Jennie"

Nanlaki ang mata nya at hinawakan nya ang damit ko, "A-anong sabi mo?!" Inalis ko ang kamay nya at tumalikod ako sandali at humarap muli sa kanya

"Kai, please? Ayokong mapahamak si Jennie, kaya kailangan ko ng tulong mo. Please"

Ramdam ko ang bigat ng paghinga nya pati na rin ang galit nya "Gago ka, ipinaubaya ko na sayo si Jennie tapos malalaman ko na nasa panganib lang sya? Tssss"

"Kai, wala ng oras para magpaliwanag. Tutulungan mo ba ako o hindi?"

Lumabas na kami at dumeretso sya sa comfort room. Lumapit sakin si Joy, "Anong pinagusapan nyo?" Tumingin ako sa kanya, 

"Nasaan si Seulgi?"

Pagkarating namin sa kwarto nya nakaupo sya sa at nagaayos ng mga papeles, bigla nya akong napansin kaya naman nagliwanag agad ang mukha nya, "Hi babe! Namiss mo ako no?!" Yayakap na sana sya ng bigla ko syang pinigilan, "Tsss, bakit ka ba nandito?"

Tumingin ako kay Joy at alam na nya ang tingin ko'ng yun, kaya naman nagalala sya bigla sakin, "Anong nangyare?"

Hinintay muna namin dumating ang iba pa nyang kasama bago kami nagsimula, "Mukhang nandito na lahat, kailangan ko ng tulong nyo. Aware naman kayo na nandito na sila, hindi na ligtas dito"

"Anong plano mo?" Tanong sakin ni Wendy

Makalipas ang ilang oras na pagpaplano, napabuntong hininga na lang ako, "Malalampasan natin ulit to, tiwala lang" Sabi ni Irene

"Salamat, sana maging alerto kayo. Alam ko na naghahanda na ulit sila" Tumango sila at lumabas na ako at sumakay sa motor ko

Pagkarating ko sa bahay, dumeretso na ako sa kwarto ko at nagpahinga, pagsubok na naman. Wala na naman akong takas dito, kailangan ko ng tapusin ang nasimulan ko, kung hindi, hindi na ako makakawala dito



A/N: STAY SAFE PO :>

THE POPULAR GIRL MEET THE BULLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon