Chapter 36

484 11 0
                                    

Jennie's POV

Dali dali akong umalis sa apartment namin at pinuntahan ko na ang address nya, hindi ako makapaniwala na alam nya ang lahat, at hindi ako makapaniwala na lahat ng to ay set up lang! Naiinis ako sa kanya buong akala ko may mahal pa sya at yun ang dahilan nya kung bakit nya ako iiwan pero mali ako, mali ang hinala ko.

Pagkarating ko pa lang ay kinabahan na ako, sinabi din ni Kai na iwanan ko na yung GPS tracker ko dahil malalaman nya daw na pupunta ako sa kanya papasok na sana ako pero may biglang humarang na apat na lalaki sakin, lahat sila nakatakip ang mukha

"Papasukin nyo ako! Kelangan ko'ng makausap si Lisa!" Sabi ko sa kanila pero tumawa lang sila at nagtinginan

"Anong akala mo samin bodyguard nya?! Tssss"

Dahan dahan silang lumapit sakin at dahan dahan naman akong umatras, "A-anong kailangan nyo?" Kabang kaba ako, ngangatal ang mga kamay at tuhod ko, hindi ko na alam ang gagawin ko, "Kapag ginalaw nyoko tatawag ako ng pulis sisigaw ako ng malakas!"

"Edi subukan mo'ng tumawag, tsss" Yung boses na yun hindi ako magkakamali, sya yun, tumingin ako sa likod ko at nakita ko sya, "Jennie Kim"

Nagulat na lang ako dahil hinablot nila ang gamit ko at tinapon nila malayo sakin, "A-ano ba!"

"Wala ka ng takas, ikaw na lang ang hinihintay naming pain kay Lisa, kaya kung ayaw mong masaktan wag kang maingay at sundan mo ang sasabihin namin sayo, naiintindihan mo?"

Napalunok na lang ako at napaiyak sa nangyayare ngayon, ito na siguro yung dahilan kung bakit napakaover protective nya sakin noon, ngayon naiintindihan ko na, "Ano bang kailangan nyo sa kanya ha?!"

"Hindi mo na kailangang malaman, dalhin nyo na yan"

Pagkasabi nila non tinakpan nila ang bibig ko ng nakakaantok at nakakapagpawala ng malay, hindi ko na alam ang gagawin ko, umiikot ang mundo ko, nanlalabo na ang paningin ko, nawalan na ako ng malay at hindi ko na alam ang sumunod na mangyare

"Yes boss, hindi pa rin po sya gumigising. Yes boss!", Narinig ko na sinabi ng isang lalake, dahan dahan kong minulat ang mata ko, hindi ako makagalaw, nakakaamoy din ako ng masangsang na amoy na hindi ko maintindihan, bumukas ang pinto at may pumasok na lalaki, "Ano ba yan! Sabi ko linisin nyo yung amoy dito diba?! Hindi na naman kayo nakikinig! Bwiset!"

"Pasensya na po boss!"

"Tssss, eto na ba yung jennie kim?!"

"Yess boss"

Lumapit sakin yung lalaki at inangat nya ang mukha ko sa kanya, "Tss, ikaw pala pinagkakabaliwan ni Lisa, tssss"

Gumalaw ako pero mahigpit ang tali nila, hindi rin ako makaimik dahil sa tape na nasa bibig ko

"Tawagan nyo na si Lisa, wala na akong oras na sasayangin pa"

"Yess, boss!"

Kinuha nila ang cellphone nila at may tinawagan nga sila, "Hello my friend"

"Tss, friend, gago" Sya nga! Bakit mo sinagot yung tawag! Matigas pa din ulo nya! Tsss!

Tinutok nya ang camera sakin at nanlaki ang mata nya pati ako nagulat na din ako, "My friend, alam mo naman na hindi ako tatawag sayo ng walang kailangan diba?"

"Anong kailangan mo sakin?! At Jennie?! Bakit ka nandyan?! Wala naman yung... Aish!"

"Pumunta ka dito, kung ayaw mong mapahamak tong babae na'to" Pagkasabi nya noon ay bigla nya akong sinampal ng malakas! Ngayon lang ako nakatikim nun ah!

"Gago ka! Wag na wag kang mandadamay ng iba! Hayop ka!"

"Nasasayo ang desisyon kung bubuhayin namin to o hindi" Tumingin sya sakin at tumingin ako sa kanya pagkatapos non ay tumingin ako kay Lisa na umiiling iling

"Anong address nyo?" Wala ka talagang pinagbago! Bwiset!

"Good. Isesend namin yung address pero siguraduhin mo na wala kang kasama naiintindihan mo ba ako?"

"Ibigay mo na wala na akong oras sayo"

"Tssss"

Eto na ba yung end ng life ko?! Sana hindi! Aish


A/N: KONTI NA LANG PO :>

THE POPULAR GIRL MEET THE BULLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon