Chapter 37

490 10 0
                                    

Lisa's POV


Dali dali kong kinuha ang jacket ko at cellphone ko at tinawagan ko si Chaeyoung

"Chae, nakuha nila si Jen. Ise-send ko sayo ang address, tawagan mo din sina Kai, at Seulgi, bigyan nyo ako ng isang oras para makipagusap sa kanya"

Binaba ko na ang cellphone ko at iniwan ko na ito sa lamesa ko at dali dali akong sumakay sa motor ko at pinaandar ko ito ng mabilis

Nakarating na ako sa sinasabi nilang address at may maaamoy kang masangsang na amoy na hindi mo maintindihan

Lumapit ako sa isang lalaki at nginisian nya ako, hindi sya pamilyar at alam ko na hindi ko sya kilala o naturuan noon

"Boss! Nandito na sya"

Tiningnan ko sya ng masama at tumingin ako kay Jennie

"Yah! Lalisa Manoban! Bakit ka nandito?! Sa tingin mo ba kaya mo yan?! Hindi ka talaga nakikinig sakin!"

Sigaw nya, "Yah, wag kang sumigaw dyan, kayang kaya ko na sila"

"Woah. Ang yabang mo ah? Tssss, tingnan natin ang tapang mo!"

Bigla akong nagtaka dahil kinuha nila ang malaking timba at inilagay ito sa gitna

"Matapang ka diba? Isang lapit o laban mo sa kanila, alam mo na ang parusa"

Aatakihin nila ako at hindi ako pwedeng lumaban, "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, isa ka pa ring madayang kalaban"

"Gago ka ah! Sugudin nyo yan!"

Hinanda ko na ang sarili ko at iniiwas ko sa kanila ang mahahalagang bahagi ng katawan ko

"Gago ka ah! Ang tapang tapang mo!" Sabay sipa sakin ng ilang lalaki

"Tama na yan!" Rinig kong sigaw nya

"Kaya ko namang lumaban pero sa tingin mo ba kaya kong makita yung taong mahal ko?" Ngisi ko sa kanila

"Ang dami mong sinasatsat!"

Sipa doon, suntok dito, paulit ulit nilang ginawa yon, wala akong laban. Tanging panangga lamang ang ginagawa ko sa sarili ko

"Sandali, itigil nyo muna yan" Bambam

"N-naaawa k-ka  na b-ba?" Sabi ko

"Bakit ako maaawa sayo? Ano ako tanga?" May itinuro sya at laking gulat ko na mayroon silang dalang dos  por dos, gusto ko man silang labanan hindi ko magawa, lintek!

"Gago ka!" Walang pagaalinlangan ko syang sinugod at pinagsusuntok habang kaya ko pa at bigla ko na lamang narinig ang tubig, naalala ko si Jennie, kaya tumigil na ako pero hindi pa rin sila tumitigil, "Itigil nyo yan!" Susugudin ko na sana sila pero bigla nilang nahampas ang likod ko, sumabay na ang paghampas nila sa tuhod ko at balikat

"Sige! Patayin nyo yan!"

Umiiyak na si Jennie, gusto kitang puntahan pero hindi ko magawa, wala na akong lakas. Pasensya kana mahal, hindi ko inaasahan na maaari itong mangyare, mahal na mahal kita, pasensya na kung hindi ko kayang lumaban hanggang dulo

"Yah!" Bigla ko na lang narinig ang isang pamilyar na boses, alam kong nandyan na sila, kaya kayo na ang bahala sa kanya

"Lisa!" Lumapit sya sakin at bigla syang nakawala doon at tinapiktapik nya ang mukha ko, "Yah! Lalisa! Gumising ka! Bakit kasi ang kulit kulit mo e!" 

Hinawakan ko ang kamay nya at pilit kong inilalaban ang diwa ko, "I-I love y-you, b-babe" 

"Yah! Lalisa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"



A/N: HIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII HEHEHEHE, SO YUN 1 MONTH AKONG HINDI NAKAPAG-UD, HEHEHEHE SENSYA NA PO! SANA MAGUSTUHAN NYO SYA! HEHEHEHE :>>

THE POPULAR GIRL MEET THE BULLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon