09

25 4 1
                                    

Garden


Jennie's POV.


Kahit san man ako magpunta, ang tanging maririnig ko lang ay ang chismisan tungkol sa pagkakagusto ni Jin sa classmate nyang si Ellie. So ganto talaga siya ka popular sa school nato, sabagay sa pamilya nya 'to. 


The bell rang for  flag ceremony.


Nagsilinyahan na ang lahat ng students sa malaking quadrangular lot. Nilingon ko kung saan ang linya nila Jin, kitang kita sa mukha nya ang pagkainis at pagkahiya. Andaming nakatingin sakanya at puno ng bagulbol ang paligid, na tigil lamang ito nang nagsalita na ang maglelead ng flag ceremony. Nagtuon nalang din ako ng pansin sa seremonya.

Prayer. 

National Anthem. 

Kanta.

 Kanta.

Pagkatapos ng seremonya ay isa isang nag alisan ang mga studyante, nakayuko lang ata si Jin hanggang natapos yung flag ceremony. Dahan na dahan na akong nag lakad papuntang building namin nang may kumalabit sa bandang tagiliran ko.

"oh Aisha, problema?" tanong ko ng makitang si Aisha pala yun.

"uhm, totoo ba yung kumalat about kay Jin?"

"Mmm, galing daw kay Caspian e."

"Daldal talaga ni Caspian huhu"

"sinabi mo pa, tch."

"by the way, gusto mo paba?" biglang tanong nito.

"h-ha? sino?" naiilang kong tanong.

"sino pa edi si Jin, maang maangan kapa. Siyempre may gusto palang iba so ano gusto mo padin?" seryosong tanong niya.

"a-anong klaseng tanong ba yan? bilis na jan may klase pa tayo." pagmamadali ko.

Di na siya umepal pa at sumabay na sakin pa puntang classroom, tamang tama yun din ang pagpasok ng lec.

Discuss.

Discuss.

Discuss.

Sabay kaming lumabas ni Aisha for lunch break. Wala paring nagbago sa paligid, marami pading nag chichismis sa tuwing dadaan kami sa mga old students na para bang binaback stab kami.

"akalain niyo, mga bagohan lang pero nakakasama na yung mga sikat dito sa school" sabi nung isang babae na dinig na dinig ko.

"mas nakakalala pa ay sina Jin, Caspian at Luca pa talaga" sabat nung isa.

"hayst baka FC lang talaga o malandi ha ha ha" sabi nung isa at nagtawanan sila.

Nag echo yung huling salitang binitawan ng babae, like wtf? first time ko ata masabihan ng ganun. Akmang haharapin ko yung grupo nang biglang may sumulpot.

"who just called my pretty friends 'malandi'?" isang pamilyar na babae ang humarap sa kanila.

"a-ah si ano, si Freil, si Freil!" natatakot na sagot nung isa.

"anong ako!? si Shae yun" pagsisinungaling nung Freil, actually silang lahat naman talaga duh.

Turu-turuan yung tatlo habang ako pilit na tinatanaw yung kaanyoan ng rumeresbak samin. 

"huy kayong tatlong hampas lupa, subokan niyo pang galawin tong kaibigan namin, makakalbo ko talaga kayo.Lalong lalo kana Pia." banat niya pa.

"pasensya na Herm, di namin alam na kaibigan mo pala." sabi nung tinawag niyang Pia.

Into YouWhere stories live. Discover now