Maaga ako nag ayos dahil first day namin ngayon at syempre bilang transferee sa bagong school na papasukan ko ayoko naman magkaroon ng bad image. Pag kapasok ko palang sa school dumiretso nako agad sa bulletin kung nasaan ang sections, hinanap ko pangalan ko ng makita ko na nasa section 11-A ako nakalagay kasalukuyan akong nasa senior high school na
"Uy sis! Alam mo ba may transferee sa senior high kaso hindi ko alam name, kainis!" rinig kong sabi nung babae
"Oo nga raw! and I heard gwapo raw yon" sagot nung kausap niya
Malaki ang school kaya nahirapan ako hanapin yung classroom namin, narinig ko nalang yung bell pero hindi ko parin nahahanap ng makita ko isang janitor ng school agad ako lumapit para magtanong
"Good morning po, pwede po mag tanong?" nahihiya kong sabi
"Sige, Ano yon?"
"Asan po building ng section 11-A?"
"Dumiretcho ka sa hallway nayan tapos kanan nasa pang apat na palapag yung classroom"
"Salamat po kuya!"
Halos lakad takbo na ginawa ko para hindi masyado ng makita ko unang classroom pumasok agad ako at saktong andon na agad ang adviser siguro namin
"Good Morning po! Sorry po nalate ako" pag hingi ko ng tawad
"And you are?"
"Austin Sarmiento po"
Tiningnan niya agad yung folder na nasa table niya
"Mr. Sarmiento, sa dulong classroom ka nakalagay 11-B itong napasukan mo"
Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad akong umalis na patalikod ng bigla akong may nabunggo
"Shit!" bulong ko sa sarili ko
"Tanga kaba?" tanong sakin nung lalaki
"Sorry!" sabi ko sa kanya
Umalis narin ako kaagad para pumunta sa classroom ko pagkapasok ko mabuti nalang wala pa kaming teacher kaya naupo na agad ako sa pangalawa sa dulo. Nagulat ako ng pumasok din dito yung lalaking nabangga ko kanina
Malas naman bulong ko sa sarili ko
Dumiretcho siya sa tapat ko at hindi umaalis
"Ah.. Bakit?"
Hindi siya sumagot natahimik rin ang buong classroom hindi ko alam kung bakit ng bigla akong kinulbit nung nasa likod ko
"Hi, bago ka dito no? Upuan kasi yan ni Raven.." pag eexplain niya saken
"Bakit? wala namang pangalan niya at wala naman reservation ng seats diba?" curious kong sagot
"Hindi mo ba narinig sinabi niya o tanga kalang talaga? Wag mong hintayin na ako magtayo sayo" masungit na sagot nung Raven
Agad akong tumayo at lumipat sa katabing upuan nang may kumulbit saken
"Carlos nga pala" pag papakilala niya
"Austin.. Austin Sarmiento" pagpapakilala ko naman
"Oh so ikaw yung transferee?"
"Yup!"
"At yang nasa harapan ko na ubod ng sunget ay si Raven Miguel Mendoza"
"Laging may mens?" natatawa kong sagot
Biglang lumingon samin si Raven at masama tingin saken
"Transferee kana nga napaka daldal mo pa tss" inis niyang sabi at tumalikod na
"Pinsan ko yan ganyan talaga ugali niyan" natatawang sagot ni Carlos
"Luh sure ka? Bakit ikaw mabait?"
Biglang dumating teacher namin at nagpakilala
"I am Mr. Sanchez your new adviser for this academic year. So, I guessed you already know each other except sa isa nating transferee, Mr. Sarmiento can you please introduce yourself in front?"
Tumayo ako sa unahan at nag pakilala.
"Good day everyone! I am Austin Sarmiento 18yrs old" hindi nako nag sabi ng iba dahil nakakahiya rin naman sa kanila
"Tss! I hate your smile "rinig kong sabi ni Raven bago ko makaupo
Siguro problematic person lang talaga siya and nakakainis mukhang ako pa pag iinitan niya lagi. As usual every first day walang ginagawa ilang beses nako nag pakilala para sa mga teachers na hindi pa ako kilala mabuti nalang nag bell na ulit so it means break time na.
"Carlos..."
"Bakit?"
"Pwede ba ako sumabay sayo? Hindi ko alam nasan yung canteen"
"Sure ka? Kasi kasama ko rin si Raven"
Nag-isip muna ako kung sasabay ba ako o hindi kasi sa malamang mainit na naman dugo saken ni Raven
"Yup, sure ako!"
"Tol! sama na natin si Austin" sabi niya kay Raven
Pero dahil alam ko naman kupal talaga tong si Raven kaya wala kaming narinig na sagot ni Carlos
"So, I guess silence means yes" nakangiti kong sabi
"I swear I really hate your smile and silence is not always means yes sadyang ayoko lang sumagot" kalmado niyang sagot
"OHHHHHKAAAAYYY" sagot ko sa kanya
Habang nag lalakad kami tinuturo sakin ni Carlos ibang buildings at kung ano mga naandon
"Uy pre! may clubs na raw mamaya sa field" sabi nung lalaki kay Carlos
"Wow! himala first day palang pinaghanda na nila clubs ah" sagot ni Carlos
Sobrang ayos kausap ni Carlos samantalang yung pinsan niya yung ugali daig pa papaltan si Satanas kainis!
"Tara punta tayong field?" aya niya saken
"Sige tara!"
Pagkarating namin dito sa field halos isang halera ang mga clubs na naghahanap ng bagong members nagtingin tingin muna ako at naisipan ko paglista sa journalism club.
"San ka nag palista?" tanong ni Carlos
"Sa journalism hahaha ikaw ba?"
"Sa Student Org ako nagpalista kasama si Raven"
"Uy nice!"
Tumambay muna kami sa bench bago namin naisipan bumalik sa classroom. 3PM lagi uwian namin and yung last na ginagawa namin is home room lang kaya saktong 3PM nag ayos nako ng gamit para umuwi. Pagkarating ko sa bahay nag linis agad ako at nag stay na sa kwarto madalas hindi nako nag didinner dahil ako lang tao sa bahay masyadong busy sa trabaho si Nanay.
Pagbukas ko sa laptop ko tiningnan ko kung sino yung nag friend request
Carlos Jimenez sent you a friend request
Pag ka accept ko sa kanya nag message rin agad ito
"Breakfast tom? Kasama si Raven" pag aaya niya
"Next time, baka umaga palang mabad vibes nako dyan sa pinsan mong anak ata ni satanas"
"HAHAHHAHAHAHA GAGO KA TALAGA! Sige next time"
Inistalk ko account ni Carlos at nakita ko ibang pictures na kasama si Raven pero lahat hindi siya nakangiti palaging poker face
Wala ata sa vocabulary nito ang salitang masaya bulong ko sa sarili ko
Sinarado ko na ang laptop ko para matulog dahil maaga nanaman ang pasok bukas at makakakita na nama ako ng demonyo in real life tss.