Pumasok ako ng maaga para dito matulog sa classroom binuksan ko narin yung aircon para malamig na classroom namin pag pasok nila nagising nalang ako ng biglang may kumikulbit sakin
"Natutulog yung tao kalabit ng kalabit!" inis kong sabi
"Dude chill ako lang to hahahaha" bungad ni Carlos
"Oh maaga pa ah andito na agad kayo? Akala ko ba mag bbreakfast kayo ni Raven?" tanong ko sa kanya
"Well, tinopak kasi yung isa badtrip daw siya kaya nag take-out nalang kami at dito nalang kakain"
"Kailan ba hindi tinopak yan?" natatawa kong sagot
Biglang tumingin sakin si Raven agad akong nag peace sign sa kanya dahil mukhang mangangain nanaman ng tao tingin niya.
"Alam mo Austin mabait naman yang si Raven" singit ni Carlos
"Baka ibang Raven tinutukoy mo?" pabiro kong sagot
"Seryoso mabait yan kaso nga lang mga naging kaibigan niya noon is tinake for granted siya, siya kasi consistent top 1 namin dito sa first section tapos ayun yung dati niyang friends ginamit lang siya para maging top students and yung dating bestfriend niya ang nag valedictorian at salutatorian lang siya" kwento ni Carlos
Napaisip ako na baka ganyan ugali niya dahil pinoprotektahan niya lang sarili niya sa mga taong posibleng gamitin lang ulit siya.
"Pero hindi naman siguro lahat ng makakasalamuha niya ay gagamitin lang siya diba?"
"Yeah, I guess being rude to everyone is his defense mechanism"
Hindi nako sumagot para makakain na siya ng ayos si Raven naman naka earphones habang nakain kaya sure ako na hindi niya narinig pag uusap namin ni Carlos.
"Okay class I will announce the Supreme Student Government winners, I will start at the bottom position of the student council" sabi ng adviser namin
Maraming natuwa dahil mukhang karamihan sa kaklase namin ay sa student council bigla kong naalala na si Carlos ay nag lista rin doon
"For our Vice President is Mr. Carlos Jimenez" pag anunsyo ng adviser namin
Nagpalakpakan kaming lahat at medyo pabitin si sir para sa kung sino ang nanalo for president
"Ready naba kayong lahat malaman sino ang nanalo for president?" masayang tanong niya samin
"Yes sir!" sigaw namin
"Our winner for President is Mr. Raven Mendoza"
Halata kay Raven ang pagkagulat sa sinabi ng adviser namin habang mga kaklase namin ay nag hihiyawan sa tuwa.
"Carlos bakit parang ang bilis makahanap ng deserving for student council?" tanong ko
"Kasi Austin halos dito sa Ashton University is mag kakakilala na bihira lang kasi ang transferee kaya ayun at binabase nila sa top students ang makakapasok sa student council"
"Oh so lahat pala ng mag lead is part ng top students before?" namangha kong tanong
"Yes"
Nagturo na adviser namin ng english subject habang nagtuturo siya biglang nagtanong si Carlos saken
"Austin, ikaw pang ilan ka sa top students lagi sainyo?" curios na tanong niya
"Ah, parang katulad ni Raven consistent top 1, valedictorian ako last year" nahihiya kong sagot
Lumingon si Raven saken saglit at binalik ang tingin sa teacher namin
"Oh mukhang may mainit na labanan for valedictorian ah hahahaha" biglang sabi ni Carlos