Maaga ako nag ayos ng sarili dahil maaga rin ako papasok ngayon para mag ready sa activity namin sa biology. Pagbaba ko naabutan ko si Nanay na nag luluto ng breakfast kaya agad akong bumeso at nag good morning.
"Ang aga mo ata anak?" tanong niya saken
"May activity po kasi kami mamaya tapos may gagawin pa po ako sa school"
Ah ganon ba? Osige kumain kana muna at maaga rin akong aalis ngayon
Habang nakain kami na kwento ko rin sila Alexis kay Nanay na bago kong mga kaibigan, ngayon nalang ulit ako nakapag kwento tungkol sa mga kaibigan ko sa kanya.
"Minsan imbitahan mo sila rito para mas makilala ko"
Agad akong umoo dahil masaya rin na makakapag overnight kami dito sa bahay.
Pagkapasok ko sa loob ng school nakatanggap akong text mula kay Angelo na pumunta sa faculty ng journalism para hintayin siya. Napansin ko sa bulletin board sa loob na halos nakakalahati na kami ng school year kaya mukhang maraming events and activities na mangyayari.
"Oh bakit andito ka? Akala ko si Angelo makakausap ko?"
Biglang sulpot ni Raven na may dalang mga papel
"Pinapunta niya ako dito eh"
Nag text si Angelo na hindi na siya makakapunta kaya kung pwede raw na ako na kumausap kay Raven
"Hindi na raw makakapunta si Angelo kaya tayo nalang daw ang mag usap" sabi ko sa kanya
Umupo kami sa isang table para pag usapan ang darating na event na science competition kalaban ang dati kong pinapasukan na school.
"Ikaw nalang mag cover nito?" tanong niya saken
"Kailan ba yan?" tanong ko naman
"Sa sabado, wag ka mag alala kasama kaming student council sa event kaya hindi ka mag isa"
Tumango nalang ako bilang sagot sa kanya, dahil wala raw ang teacher namin for 1st subject binaba nalang namin ang bag sa room at pumunta na sa science lab dala yung palaka namin.
"Himala at magkasabay kayo?" tanong ni Carlos
"May inatupag lang sa faculty ng journalism para sa event sa sabado" sabi ko naman
"Bakit hindi ko al-" natigilan siya mag salita ng bigla siyang pinaalis ni Raven sa tabi ko
Nagsimula na kami sa activity nakikinig lang ako sa teacher namin ng biglang may tumalon na palaka sa table namin ni Raven na kinagulat niya at nabitawan yung hawak niya
"Shit!" sigaw niya
"Hoy Raven yung palaka!" sigaw ko sa kanya
Nag habol ako ng palaka sa loob ng science lab habang nag iiritan yung mga babae, nauntog den ako sa table kaya napaupo ako sa lapag at si Angeline na ang nakakuha ng palaka.
"Oh Austin eto na yung palaka niyo! Hahahahah masakit ba mauntog?"
Kinuha ko naman sa kanya at bumalik na sa table namin ni Raven para simulan na yung activity pero hindi ko siya pinapansin dahil badtrip nako sa palaka. Habang nag didisect ako siya nag sasagot doon sa activity sheet
"Alam mo idedemanda kana niyan"
"Bakit naman?" tanong ko habang naka focus sa palaka
"Kasi tinotorture mo yung palaka"
Tiningnan ko lang siya at tinaas niya lang dalawang kilay niya at hindi ko na ulit siya pinansin. Natapos ang activity at agad akong pumanik sa room para uminim ng tubig biglang may kumalabit saken