Chapter 3

1 0 0
                                    

Maaga ako nakarating dito sa mcdo kaya nag aral na muna ako saglit habang nag iintay kay Carlos, dito ko narin sinagutan yung assignment namin sa chemistry at biology dahil nakaligtaan ko gawin kagabi masyado ko nalibang sa panonood ng umbrella academy, may naglapag ng bag sa table na kinagulat ko dahil focus ako mag sagot sa assignment.

"Alam mo Austin bawasan mo kaya kakainom ng kape masyado kana magugulatin hahahahah" natatawang sabi ni Carlos

"Ikaw try mo bawas bawasan biglang pagsulpot ano?" pangbabara ko sa kanya

"Galit na galit ang gaga pa oh!" turo niya sa relo niya

Nagbigay nalang ako ng pera at sinabi sa kanya kung ano order ko dahil nagsasagot parin ako hanggang ngayon nang may nag baba ng tray sa gilid ko.

"Ang bilis mo nam-" pag angat ko ng ulo ko si Raven pala yung dumating

"Kanina kapa?" tanong ko

"Valedictorian ka diba? So I guess alam mo na yung isasagot ko" walang expresyon niyang sagot

Ang aga aga pinapainit nito ulo ko kaya binara ko agad siya

"Like what you said, valedictorian ako pero hindi ako manghuhula" pagkasabi ko hindi ko na siya pinansin

Dumating narin naman si Carlos kaya inilagay ko muna sa katabing upuan ko yung mga gamit ko para kumain

"Hindi ka parin tapos sa assignment mo?" tanong niya saken

"Hindi pa den"

"Matalino ka diba eh bakit ngayon kalang nag sasagot? You should be doing that at home kaya nga tinawag na 'Home work'" singit ni Raven talagang inemphasize pa niya ang word na homework

"Alam kong homework pero nalibang kasi ako sa panonood and besides tao parin ako hindi ko dapat masyado nilulunod sarili ko sa academics, ikaw try mo mag enjoy minsan"

"Aga aga mag aaway kayong dalawa buhusan ko kayo ng gravy eh" asar na sabi ni Carlos

Pagkatapos ko kumain nag sagot na ulit ako para matapos na lahat tiningnan ko kung anong oras na 7:30 palang kaya maaga pa dahil 8:30 pa start ng klase namin pero nag-aya na pumasok si Raven dahil may gagawin pa daw siya sa school

"Malapit lang naman school.. pwede maglakad nalang tayo?" nakangiti kong sabi sa kanilang dalawa

"Pero.." sasagot palang sana si Raven ng biglang pumayag si Carlos kaya wala na siyang nagawa kundi sumama samin

Habang nag lalakad lakad kami daig ko pa iniinterview ni Carlos dahil sa dami niyang tanong patungkol sa buhay ko

"Asan pala father mo?"

"Well, galing ako sa broken family so after ko ipanganak hindi ko na talaga nakilala yung biological father ko"

"I'm sorry, I didn't know"

"No, its fine! Hahaha sanay naman na ako kasi madaming nag tatanong bakit wala akong middle name so ayun hahaha"

Hindi na siya nag tanong pa kaya tahimik kaming nag lalakad pabalik sa school, pagkapasok namin humiwalay na ng daan si Raven dahil may aasikasuhin pa daw siya kaya kaming dalawa nalang ni Carlos umakyat papunta sa room.

"Himala naunahan ko kayo" sabi ni Alexis

"Nag mcdo kasi kami kumain muna bago pumasok" sagot ni Carlos

"Ano? Bakit hindi kayo nag-aaya?" Ang unfair nakangusong sabi ni Alexis samin

Si Alexis isa narin sa nakakausap ko dito sa room kahit kababaeng tao napaka palaban niya isama mo na ang bibig niyan na napaka ingay pati nakakatawang tawa niya

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now