Chapter 26: The invitation

3.4K 147 60
                                    


CHAPTER TWENTY-SIX

The invitation


"ANONG oras kayo matatapos?" nakangiting tanong ni Chantel kay Quein.

Hanggang ngayon ay hindi nila napapansin ang presensya ko dahil medyo malayo rin ako sa kanila, pero sapat lang ang lakas ng boses nila para marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Patapos na rin. Sa'n ba tayo?"

"Hmm. Sa dorm niyo na lang. Gusto ko lang din magpahinga, eh."

"Okay," kalmadong sagot ni Quein saka niya hinalikan sa labi si Chantel.

Agad kong inalis ang paningin ko sa kanilang dalawa saka ko pinulot 'yong libro kong nahulog.

That was not what I expected to see.

Pagkauwing pagkauwi ko sa apartment, humiga agad ako sa kama at niyakap 'yong unan ko.

Hindi mawala sa isip ko 'yong nakita ko kanina. Sila na pala ulit.

Bakit nga ba nakalimutan kong may Chantel nga pala?

Bakit ba sinubukan ko pa siyang kausapin ulit kanina? Eh alam ko namang hindi niya ako papansinin dahil galit siya sa 'kin.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hinayaan ang sarili kong makatulog.

Pagkagising ko ay nilibang ko ang sarili ko. Sinubukan kong manood ng romantic comedy, sinubukan kong mag-advance reading sa mga subjects ko, sinubukan ko ring magluto ng kung ano-ano.

Buong gabi ay kung ano-ano lang ang ginawa ko. Nababagalan ako sa oras. Gusto ko na lang agad matapos 'tong academic year na 'to kahit kauumpisa pa lang.

Lumipas ang ilang araw, madalas ay nakakasalubong ko sa hallway sina Chantel at Quein. Minsan kasama nila si Kenneth, pero madalas ay silang dalawa lang. Tuwing nakakasalubong ko sila ay para akong tanga na umiiwas sa kanila. Nag-iiba ako ng dadaanan kahit hindi naman ako do'n papunta.

Nag-start na 'yong new season ng University Games of the Philippines, at required kaming manood ng first game ng Volleyball team ng De Grande University. Kapag hindi raw kami nanood ay walang maibibigay sa 'ming grade for midterm exam sa major subjects namin.

Nakakainis lang kasi bakit nila ni-re-require 'yong gano'ng bagay? Dapat hindi mandatory ang panonood ng gano'n.

Ayaw ko nga sanang manood, dahil wala naman akong papanoorin do'n. Pero wala naman akong choice kaya um-attend na lang ako para sa grade ko.

Mainit ang naging laban. Nakailang puntos din sina Quein at Kenneth. Napakasuwabe ng mga galaw ni Quein, lalo na kapag nag-se-set siya ng bola para kay Kenneth.

May mga oras din na nahuhulugan ng bola sina Quein sa harapan dahil napakabigat ng kamay no'ng kalaban at napakatangkad din kasi no'ng setter ng kalaban. Height pa lang ng kalaban, hirap na agad si Quein sa harapan. Matangkad din naman si Quein, sadyang mga higante lang talaga 'yong kalaban nila.

Dikit lang 'yong score.

23-24.

Lamang sila Quein kaya ganado mag-cheer 'yong mga DGU students.

Natahimik 'yong buong paligid no'ng biglang sumugod si Kenneth sa kabilang court at saka niya sinuntok 'yong setter ng kabila.

Hindi namin inaasahan na gagawin 'yon ni Kenneth. Lalo na ako. Kasi, kilala ko si Kenneth na kalmado lang lagi. Kaya nakakagulat 'yong inasta niya na 'yon.

To Calm The Storm (Belle Ville Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon