A Sexy Mistake 41- Their Story

42.6K 486 14
                                    


RAIN's POV

"

HEY babe, wake up" naalimpungatan ako dahil sa mabining halik na dumadampi sa mukha ko

"hmmm"

"honey, wake up na. C'mon you need to exercise" kulit pa ni thunder habang patuloy akong hinahalikan

daily routine na namin ito since, malapit na akong manganak, palagi nya akong sinasabayan sa paglalakad tuwing 5 in the morning, kaya kahit hirap na hirap ay pinilit ko pa ring bumangon

after I get myself ready for a walk ay lumabas na kami ng bahay, naglalakad-lakad lang kami habang nagkwe-kwentuhan, nakaalalay lang naman sa akin si thunder

after an hour of walking, nagpahinga muna kami sa isang bench

"napagod ka ba?" thunder asked

"hindi naman" then I smiled

natigilan ako saglit ng may nakapukaw ng pansin ko, she looks familiar

"thunder..is that..trixie?" kunot noong tanong ko

lumingon si thunder sa tinitingnan ko, hindi naman kalayuan kaya sigurado ako na sya yun at bakit parang umiiyak sya?

"yes, si trixie nga yun" sabi ni thunder na halatang hindi makapaniwala

"bakit parang umiiyak sya?" I asked

"hindi ko alam" thunder said

tatayo na sana si thunder para puntahan si trixie ng bigla kaming parehong natigilan dahil sa sasakyang mabilis na tumigil sa harapan ni trixie

The car was familiar at hindi ako nagkamali sa hinala ko dahil bumaba si hans sa sasakyan, nagkatinginan naman kami ni thunder

"trixie!"

tahimik lang kaming nanunuod ni thunder sa dalawa, is there something going on between the two?

hindi naman kalayuan ang lugar namin sa lugar nila kaya malinaw naming naririnig ang pag-uusap nila

"please trixie let me explain" hans said

"I don't wanna hear any words coming from you!" trixie hissed

"please...it's...not what you think" hans said almost pleading

"at alin pa ang hindi totoo? alam ko na hans! alam ko na ginamit mo lang ako, pinaikot at pinaglaruan!" trixie said while crying

napahawak naman ako sa braso ni thunder, anong nangyayari?

"trixie hindi yun ganun" hans tried to calm her down pero mukhang ayaw makinig ni trixie

"alin ang hindi ganun hans? yung fact na nakipaglapit ka lang sa akin kasi ayaw mong guluhin ko ulit ang relasyon ng bestfriend mo?" Trixie hissed

"yung niligawan mo lang ako para mailayo kay thunder at para hindi na masaktan si rain? na kahit hindi mo naman ako mahal, pinaniwala mo pa rin ako, pinaasa. Ang sama mo!" 

muli kaming nagkatinginan ni thunder, bakas sa mukha nya na naguguluhan din sya

totoo ba yung narinig namin? ginawa yun ni hans para sa akin?

kaya pala hindi ko sya nakikita...pero...bakit?

akmang aalis na si trixie pero pinigilan sya ni hans,  niyakap nya ito

"oo, totoo yun, nung una yun ang dahilan ko pero, hindi na ngayun, mahal kita at lahat ng pinakita ko sa'yo totoo" hans said

he's crying, he really do love her...ako pa lang kasi ang babaeng iniyakan nyan pero ngayun umiiyak sya dahil kay trixie

nanatiling walang imik si trixie, nagulat na lang ako ng biglang may humigit sa akin

"teka san tayo pupunta?" I asked

"uuwi na" thunder said

"what? teka, pinapanuod ko pa sina hans" pigil ko sa kanya

"tigilan mo nga yan! hindi ka dapat nakikinig sa usapan ng may usapan" sermon nya sa akin

"pero... gusto ko lang malaman kung anong magiging reaction ni trixie" pilit kong pinipigilan ang paghatak na ginagawa nya sa akin

"rain, huwag ng makulit ha!" 

"hindi ka ba interesadong malaman ang lovelife ng bestfriend mo?" I asked

"malalaman din natin yun"

wala na din naman akong nagawa kundi ang lingunin sina hans, at nakikita ko mula sa malayo na nakaluhod na si hans begging for trixie, baliw naman kasi si hans! bakit naman nya ginawa yun?!

NG MAKARATING na kami ng bahay ay pinapagalitan ko pa din si thunder

"alam mo dapat tinulungan natin silang magkaayos" sabi ko

"dapat hindi na tayo nakikialam" kontra naman ni thunder

"pero hindi mo ba narinig? tayo ang dahilan kung bakit naga-away sila, I didn't know na may namamagitan na pala sa dalawang yun!"

"yung bestfriend mo lang naman e! wala namang nagsabi sa kanya na gawin nya yun" thunder said

"mahal nya lang ako, na kahit sarili nya hindi na nya inisip, kaya kahit papaano gusto ko syang tulungan"

"sige anong maitutulong mo? e ikaw ang dahilan kung bakit sila ganun ngayun" thunder hissed

"pero..." 

"hayaan mo muna sila, kapag wala pa din saka tayo tutulong" thunder said as he hugged me

hinimas nya ang tiyan ko...kabuwanan ko na, kaya naman palagi na nya akong pinapaglakad para daw hindi ako mahirapan sa panganganak at hindi din mapasma

bukas pupunta na ako sa doctor ko, dun na ako magi-istay sa hospital para hindi na ako mahirapan kapag humilab na ang tiyan ko

"excited na akong lumabas ang mga babies naten" thunder said

"may naisip na akong pangalan sa baby naten" sabi ko

"akala ko ba ako ang magbibigay?" kunot noong tanong ni thunder

"ah basta, gusto ko..Drake at Dwane" masiglang sabi ko

"nakalimutan mo naman ata na tatlo ang anak natin? baka magtampo ang isa nyan" 

"e baby pinagiisipan ko pa"

"masu-surpresa ka na lang sa pangalang ibibigay ko sa kanila" ngising aso si thunder habang hinahawakan ang tiyan ko

"thunder!"

"kailangan konektado ang mga names natin!" sabi pa nya habang tumatawa

"napaka-weird mo talaga!"

hinalikan naman nya ako sa leeg bilang sagot.
 
December 27, 2012
FIGSARAZA
Mingming

A Sexy MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon