2- WELCOME TO YOUR NEW HOME

211 7 0
                                    


Chapter 2- Welcome to your new home

Nasa harap ako ng puting gate. Dito ako nagpahatid sa chauffeur ko gamit ang pulang kotse na regalo sa'kin nina mommy at daddy.

Tinulungan ako ng chauffeur ko na ibaba ang mga gamit ko.


" Give me my car keys," utos ko sa kanya. He just stared at me na kinainis ko.


" I said, give me my car key! Why don't you get it?" galit kong sabi. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Pero tiningnan niya lang iyon. Hindi niya pa rin binibigay ang susi ng kotse ko

" I don't have any commands from your dad--"


" It's mine. Wala silang magagawa. Leave." napabuntong hininga siya sa kasungitan ko at walang ibang nagawa kundi ang ibigay sa akin ang susi ng kotse ko.


Bahala siya kung paano siya uuwi.


" Get back to, De Villa's mansion. Tell mom and dad that from now on, I don't need a chauffeur anymore." tumango lang siya sa sinabi ko at sa isang iglap ay nawala na siya sa harapan ko.


I stared at my car. Tsk.


Ibinalik ko ang tingin ko sa bahay. Napapalibutan ito ng pader at sa harap ko ngayon ang mataas na kulay puting gate.


Ang Bahay ay maliit lamang. Tingin ko ay 1/4 lamang ito ng mansyon namin.


Sa palibot nito ay puro bermuda grass. Black and white ang theme ng bahay. In fairness, maganda ang piniling kulay ni tito Ced.


Simple pero elegante.


Dalwang beses kong pinindot ang doorbell. Papangatluhan ko pa sana nang lumabas ang isang batang babae na sa tingin ko ay nasa edad na walo na. Kasunod nito ay ang isang morenong lalaki. Matangkad siya, sakto lang ang katawan niya at kahit malayo ay nakikita kong may hitsura. Gwapo.


" Hi!" bati sa akin no'ng bata. Inirapan ko lang siya.


Nakita ko ang lungkot sa mata niya. I don't care.


Lumapit yung lalaki at ngumiti sa akin.


"Hmm, who are you? How can we help you?"


" I'm Aivie Sheira De Villa--"


" Oh! Come in!" hindi niya na pinatapos ang sasabihin ko at malugod niya akong pinagbuksan ng gate.


Maganda ang pakikitungo nila sa akin, tapos ako, eto nag-iinarte.


You can't blame me! Nasanay ako sa ganito! Normal na ang ganitong mood ko sa akin.


Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay inabutan niya ako ng baso ng juice at hinainan ng chips na nakalagay na sa plato.


" So, bakit ka napunta rito?" tanong nu'ng lalaki. Nakayakap sa kan'ya 'yung kapatid at parang natatakot na lumapit sa akin.


" I need to stay here," sagot ko. Natigil siya at parang hindi makapaniwalang tumango-tango sa sinabi ko.



" Why here? Naghirap ba ang kumapanya--"


"No," masungit kong putol sa kanya.

" From now on, ayo,'ko nang umasa sa mga magulang ko," seryoso kong sabi pero tumawa lang siya. Nangunot ang noo ko.


" Why are you laughing?" inis na sabi ko. Kung hindi lang siguro ito tinutulungan nila mommy at daddy, siguro ay pinaalis na ako ng mga ito sa kasungitan ko. Ako na nga lang 'tong nag-re-request  na makitira rito, tapos ako pa 'tong matapang.



MY BIGGEST DECISIONWhere stories live. Discover now