4- ARGUMENT LEADS TO WAR

126 5 0
                                    

Chapter 4-Argument leads to war

Nagising nang mag ring ang cellphone ko.

Nakita kong si Chad ang tumatawag. It's 8:40 am. Tss, aga aga pa eh! Istorbo ka ng tulog, boo!

Inabot ko ang cellphone ko na nakapatong lang sa mababang puting lamesa.

"Morning, boo! Gising na! "

" My goshh, boo! Ang aga aga e, nanggigising ka!" reklamo ko pa at bahagyang kinusot ang mata at saka bumangon.

" Baka nakakalimutan mo na nasa ibang bahay ka, boo" paalala niya pa. Ay oo nga pala! Tsh.

"Mahiya ka naman sa mga kasama mo diyan, boo. Kumilos ka na, tch." masungit niya pang utos.

" Oo na, eto na po boss."

" Anong boss! Boo kasi, Aivie, hindi boss! Understood?"

" Yeah yeah, whatever." Tumayo na ako at sinuklay ang buhok ko.

" Sige na, Chad. I'm gonna hang up now. May mga gagawin pa ako e." paalam ko sa kanya.

" Okay, Take care."

" Yeah. You too. Take care. " At doon natapos ang pag uusap namin ni Chad.

Bago ako lumabas ng kwarto ay sinilip ko muna kung naroon pa ba si King, pero nang hawiin ko ang kurtina ay wala man lang bakas niya ang naroon.

Lumabas na ako at dumiretso sa kitchen upang maghilamos. Nakita kong nanonood ng TV si Yvonne at tutok na tutok siya sa pinapanood. Hmm, SpongeBob?

Yung kambal naman ay may kung anong sinusulat sa notebook at maya maya ay maghahagikgikan.

Kaharap lang ng kitchen ang sala kaya kitang kita ko sila.

" Good morning, Aivie! How's your sleep?" biglang sulpot ni Nathan sa likod ko.

" Ayos naman. Aaminin ko, hindi ako masyadong komportable sa higaan kasi masyadong maliit. Wala pa ata sa kalahati iyon ng kama ko sa mansyon. Pero sa tingin ko masasanay din ako." naupo ako.

" Hmm, ayos yan. Simula ngayon sanayin mo na sarili mo. Anyways, kumain ka na. Nauna na kaming kumain kanina." Katulad ng ginawa ko ay naupo din siya at ipinatong ang kamay sa ibabaw ng mesa.

" ahh, okay sige. Thankyou" sinulyapan ko ang pagkain sa lamesa

" What's that?" tanong ko,

" Tortang talong."

"t-tortang talong? Hindi familiar sakin. Ang creepy ng itsura ah." natawa naman siya nang mahina sa sagot ko.

" Hmm, maupo ka. Tikman mo, masarap yan." nagkibit balikat na lamang ako at sumandok na ng kanin.

Tinikman ko iyong sinasabi niyang Tortang talong at hindi na rin masama.

Ang sabi niya, eggplant daw iyon na hinaluan ng itlog tsaka pinirito.

Habang kumakain ako ay naalala ko si King.

" Hmm, kuya Nate, nasaan nga pala Si King? Pagkagising ko kanina e wala na siya sa higaan niya."

" Ahh si King ba? Hindi ko alam kung nasaan siya. Pero tingin ko, nagdate sila ng girlfriend niya." wow! Girlfriend? May girlfriend pala yung ulugnoy na yon?

Hindi na rin kataka taka kasi nga gwapo naman si King. Pero, duh! Sa kasungitan niyang 'yon, nagkagirlfriend siya? Just Wow!

Napatango nalang ako sa sinabi ni kuya Nathan.

Tinapos ko na ang pagkain ko at halos nakatingin lang siya sa'kin buong oras na kumakain ako.

Nagpresinta siya na siya na lamang maghugas ng pinagkainan ko.

MY BIGGEST DECISIONWhere stories live. Discover now