6- Mr. Driver

98 4 0
                                    

CHAPTER 6- Mr. Driver

Lumipas ang birthday ko nang wala man lang nangyayari. Ayos lang naman iyon sa akin. Pabor din sa akin. Hindi alam ng limang kasama ko sa bahay na nagbirthday pala ako.

Kinagabihan, binati ako ni Chad. He even prepared a cake for me. Sabi niya, iblow ko daw ang cake. Natawa ako sa kalokohan niya. Kahit alam kong hindi ko maboblow yung cake kasi we're just talking through video call.

Masaya ang gabi ng birthday ko dahil kay Chad.

Today, is another brand new day.

" Good morning, world!" mahina kong sambit at nag unat ng braso.

Muli kong hinawi ang kurtina at nanlaki ang mata nang naroon si King, mabuti na lamang at hindi niya ako nakita.

Agad akong lumabas ng kwarto. I can't still believe it! Wahh! Finally I'm already sixteen years old!

" Morning Yvonne! Good morning Aizy and Angel! Good Morning Nathan!" masaya kong bati sa kanila. Napatingin sakin ang kambal at muling itinuon ang atensyon sa notebook, si Yvonne naman ay hindi lumingon dahil tutok na tutok sa TV. Tanging si Nathan lang ang nasalita

" Wow, parang good mood ka ngayon ah?" naupo sa sofa si Nathan.

" Oo naman, Nathan! Haha. May dahilan ba para sumama ang mood ko ngayong araw?" ngumiti ako.

"Ahuh, I don't know. Who knows? Kumain ka na diyan, " nginuso niya sa aking ang isang sliced bread at juice na nakapatong sa lamesa.

nangunot ang noo ko. " Bread?" dismayado kong dinampot ang sliced bread.

" Yeah, Is there any problem?" bagot ko siyang nilingon

" Ugh! Really? Breakfast? Only bread and juice?" natawa siya sa inasal ko

" Ayos lang yan, wala ka sa mansyon niyo, Aivie. ' tsaka, di ka naman tumataba kahit araw araw na kanin ang umagahan." nagroll eyes ako sa kanya.

Hindi na ako sumagot pa at naupo nalang sabay kain ng sliced bread.

Nagsalin ako ng juice sa baso at saka ito nilagok.

" Ate Aivie, p-pwede tulungan mo ulit kami sa pag garden mamaya?" nahihiyang sambit ni Aizy.

" Ano ka ba, Aizy! Pag nalaman ni Kuya King yari tayo.." bulong pa ni Angel.

" Tutulong ako, Aizy" nginitian ko sila. " Hayaan niyo na si King. And besides, gusto ko namang matuto magtanim." ginantihan nila ang ngiti ko.

" Thankyou ate Aivie!" sabay nilang sambit sa tuwa.

" No problem." bumalik na'ko sa pagkain

Ayos na sana ang umagahan ko nang maupo si King sa harap ko. Ow... Speaking of ulugnoy...

"Morning" nakakaloko niyang bati.

"Tsk "

" Ang aga aga nagtataray ka." Hindi ko siya pinansin. Nagdali dali ako ng kain.

" Ohh.. Slow down.." hindi ko alam, basta naiinis ako sa pagkasabi niya niyon. Parang nang aasar siya na tila ba ay gutom na gutom ako.

" Wala kang pake!" Uminom muli ako ng juice.

nakita kong gumalaw ang kamay niya upang magsalin ng juice.

Kumuha pa ako ng isang tinapay.

Hindi ko inaasahan na nagkrus ang kamay namin ni King. Saktong pagbaba niya ng baso ng juice niya ay pagkuha ko naman ng tinapay. At damn! Natapon ang juice.

MY BIGGEST DECISIONWhere stories live. Discover now