Bakit may mga taong dadating sa buhay natin at mag papakita lang nang motibo pero pinagtutulakan ka din naman nya.
At yung time na bibitaw ka na kasi ayaw nya, dun naman sya nagpapakita ulit ng motibo.
Parang sinasabi na gusto ka lang nyang mag stay kasi alam nyang mag stay ka naman talaga. Di na nya alam na nakakasakit na na nang kalooban yung ginagawa nya sa mga pinaparamdam nyang mga motibo na di naman totoo.
Kahit anong gawin mong pag express sa feelings mo sa kanya, kahit ano pang gawin mo na maipakita na isa kang worth it mahalin pero lahat nang iyon binabaliwala parin nya ang important lang sa kanya na may isang tao na always sa side nya.
Sa lahat nang iyon may iba pala syang gusto.
Yung ilang taon kang nanjan sa side nya pero di parin sapat, mas pinili nya parin yung bago lang sa buhay nya. Sadyang may ganyan lang talaga sigurong tao sa mundo.…
Nagising ako sa pag ring ng cellphone ko di ko na tiningnan kasi alam ko na kong sino ito, isa lang naman tu sa mga kaibigan ko na palaging tumatawag sa umaga.
“ Hello besh may chismax ako sayo” okay this is Adeline Joy Padilio my partner in crime pagdating sa chismis.
Bumangon na din ako at dumeretso sa banyo para mag toothbrush. “ Ading wala manlang goodmorning, chismax agad agad, and what is it?” curious naman ako sa ichecheka nito.
“Did you know na yung crush ko na si Beckham Qualefere yung crush ko nung college pa tayo, well hanggang ngayun naman talaga “ Di ko na kailangan nang alarm clock kasi palagi syang tumatawag sa umaga. “Ano na nga yun deretsohin mo na kasi ako” Dami kasi nyang sinasabi eh.
“Okay ito na nga eh , nakita ko kasi dito sa may magazine na may jowa sya, ang chaka naman besh maganda pa ako dito” well that’s the confidence of Padilio, akala ko kong ano na yung chismax sakin, about lang pala dun sa chakajowa nang crush nya.
“ By the way Ading maliligo na ko, byebye” binabaan ko na sya nang phone baka humaba nanaman ang usapan .
Okay Eleanor Pacelli another morning another start, and more blessings to come nanaman. Sana nga may blessing.
YOU ARE READING
Eleanor Pacelli ; Be My Last
RandomMga binibigay nyang motibo na di mo maipaliwanag kong may katotohanan o isang palabas lamang.