[06] Heart is Wasak Pt. 2

5.3K 293 64
                                    

Hadley's POV

"Me is sweg! My body is sweg! My voice is sweg! My hair is sweg! My gums... still sweg~" Tinakpan ko ang tenga ko gamit ang unan dahil sa ingay mula sa labas ng kwarto ko. Pakshet umagang umaga puro SWEG naririnig ko. For sure si kuya gilagaid 'yon.

"The party last night is sweg~ Uhuh yeah men! Sweg sweg sweg~" Rinig ko na namang sabi ni kuya gilagid. Agad naman akong napaupo sa aking higaan. Speaking of party, sinayaw ako ni Taehyung kagabi! Niyakap ko yung unan ko ng sobrang higpit dahil sa kilig na aking nararamdaman. 

"What a downgrade." Nag-echo ang boses ni Taehyung sa isipan ko dahilan para mawala yung ngiti sa labi ko at kilig na nararamdaman ko. 

EDI DOWNGRADE! Kung gusto niya palitan ko pa apelyido ko eh! Imbes na Hadley Torin gawin na nating Hadley Downgrade para maging masaya siya! Nakakagigil ha! HAYS!

Idagdag mo pa yung scene na hinalikan nni Tiffanyki si Taehyung. Agad kong naibato ang unan na kanina ay yakap yakap ko lang. Pakshet nakakasira ng araw.

Nagulat nalang ako nung biglang may kumatok sa pintuan.

"Pasok." Bumungad sa akin si Kuya Namjoon na may dalang plastic bag.

"May pinabibigay si Baekhyun, 'yong classmate mo." Sabi niya tapos inabot niya sa akin ito. Kinuha ko naman 'yon tapos nagpasalamat ako sa kanya. Aalis na sana sya ng kwarto ko pero napatigil siya nang makita 'yung unan sa sahig. Pinulot niya ito at lumingon sa akin.

"Si Taehyung ba?" Out of the blue niyang tanong. Alam ng kuya ko na pinagbabato ko 'yung unan ko 'pag galit ako. 

"Taehyung? Sino 'yon? Pagkain ba 'yon?" Pag-mamaang maangan ko.

Napailing iling naman siya, lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ng higaan ko.

"I heard what happened from Jungkook." Hayp talaga 'yang Jungkook na 'yan, sumbungero ah! Tiningnan niya ako ng seryoso. Tiningnan ko rin si kuya pabalik ng seryoso kasi nag-eenglish siya, putek 'yan umagang umaga.

"I understand why you like him, but Hadley." Huminga ito ng malalim. "He's not the type who will reciprocate someone's feelings." Pag-eexplain niya. Wow? Pusong bato yarn sir Taehyung?

Naiintindihan ko naman, pero sana mas maiintindihan ko sana kapag nagtagalog si kuya.

"Madaming naghahabol na babae jan, trust me. Pero ni-isa wala siyang pinansin. Wanna know why?" 

Umiling ako. Pero hindi kaya... kasi lalaki ang interes niya? 

"Kasi walang nakakakuha ng atensyon niya, hindi 'yon ang priority niya." Napabuntong hininga nalang ako. Mukhang kahit anong gawin ko, SEDUCING KIM TAEHYUNG IN A PAKIPOT WAY ay hindi gagana.

Pero susuko ba ako? Syempre hindi! Tuloy ang plano, at titigil lang ako, pag jowa ko na si Taehyung.

"Don't worry," Pinat ni kuya Namjoon ang ulo ko. "As your kuya, we will make him pay for what he said to you." Pagkasabi ni kuya nito ay umalis na siya ng kwarto ko.

Teka lang. We will? Paano kung jombagin nila kuya Namjoon at kuya Yoongi si Taehyung? I mean... medyo deserve naman majombag ni Taehyung, not gonna lie. Pero... HAYS!

Agad akong kumaripas ng takbo papalabas ng kwarto ko, nagbabakasakaling maabutan ko pa si kuya Namjoon. Pero too late, dahil narinig ko na ang harurot ng motor nila kuya at... tama ba 'yung nakita ko? 

Nakapang basketball na uniform si kuya Yoongi?

***

Tiningnan ang plastic bag na binigay ni Baekhyun. Nakita ko ang isang pang-babaeng uniform tapos headband, lotion, shampoo, sabon na pampakinis ng balat at iba pang gamit na pampaganda. May sulat na nakasabit dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seducing Kim TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon