[02] Taeti

7K 281 195
                                    

Hadley's POV

Naiinip na ako. Kanina pa ako nakatitig sa anim na tao sa harapan ko. Lahat sila may pinagkakaabalahan. 6 lang kaming magkakaklase, at  ako lang yung babae, astig diba? We belong to Section F, ang pinakamababang section sa school na 'to para sa mga senior high. Well para sa akin ayos lang naman na mapabilang sa pinakalast na section, ang importante ay MAGANDA AKO! HAHAHA!

Tiningnan ko ang orasan, 10:48 palang. Gusto ko ng makita si Taehyung kaya napagpasyahan ko bumangon mula sa pagkakadapa sa teacher's table at ihatid ang lunch box ni Taehyung sa kanya.

"Hoy Hadhad! Saan ka pupunta ha? Bakit may dala kang lunch box na may design ng power puff girls? May anak  ka na ba ha?" Lalabas na sana ako ng room namin ng biglang nagsalita si Baekla.

"Stop calling me HADHAD! Hindi ako skin disease!" Sigaw ko sa kanya. "At tsaka para kay Taehyung 'to!"

"OMG! Hindi ko alam na kauri ko pala si Taehyung! Mahilig din siya sa power puff girls! Mainterview nga mamaya, sino kaya ang favorite niya? Si Blossom, si Bubbles o kaya Buttercup? O baka naman si Mojojojo ang bet niya! Ay naku nakakalurki itu!"

"Tusukin ko kaya 'yang pwet mo ng eyeliner! Hindi bakla si Taehyung!" Inirapan ko siya. Bigla namang sumulpot si Kai sa tabi ko na parang kabute tapos umakbay ito sa akin.

"Dude, bakit naman power puff girls ang design niyang lunch box na 'yan? Dapat mukha ni Kokey! Kasi nga diba, alien si Taehyung, tapos alien din si Kokey. Edi perfect match! –Aww!" Siniko ko siya kaya naman napahawak siya sa tagiliran niya.

"Hinayupak ka! Wag kang lumapit sakin! How dare you! You insulted my future husband!" Sigaw ko kay Kai.

"Ayaw mong lapitan kita? Baka mamaya ipakita ko lang sayo abs ko magkadandarapa kana na lapitan ako! My abs is many!" Natawa naman ako sa sinabi ni Kai. Puta 'yung 'My abs is many.'

"Nasa pelepens tayo kaya dapat tagalog ang wika natin! Tandaan niyo, ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa amoy ng hininga ni Chanyeol." Sabi ni Kyungsoo.

Pagkatapos nun, hindi ko na alam ang nangyari sa loob ng classroom namin. Eh panu ba naman puro kabulastugan ang pina-uusapan nila kaya naisipan ko nalang umexit.

Habang naglalakad ako papuntang room ni Taehyung ay napansin kong madaming mga mata ang nakatitig sa akin.

"Diba yan yung tomboy na may gusto kay Taehyung?"

Napatigil ako sa paglalakad nung narinig ko 'yon. Putangina, ako? Tomboy? Sa ganda kong 'to?

Napatingin ako sa nagsabi nun, tiningan ko siya with nanlilisik na mata.

"Ay pakshet narinig yata ako!"

Nakita ko naman na agad siyang kumaripas ng takbo.

"Nakakagago talaga ang mga babaeng inggit sa kagandahan ko." Bulong ko sa sarili ko. *flips hair*

Nang makarating ako sa room nila Taehyung ay wala akong nakitang tao, ay meron pala. Si Jimin. Tangina liit niya ee kaya di ko agad napansin. Di pa yata natuli kaya ayan, di tumatangkad. Bising busy siya sa pagbabasa ng libro.

Iba talaga kapag nasa highest section, palagi nalang libro ang hawak, palagi nalang tutok sa pag-aaral. Tss. Nilapatan ko siya.

"Hoy bansot!" Tawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin.

"Anong kailangan mo sa abs ko?" Agad ko naman siyang binatukan dahil sa sinabi niya.

"Nasaan si Taehyung?"

Seducing Kim TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon