Part 1: Accident

14 10 0
                                    

Someone's POV

It's 8:21 pm in the night,

Walking alone in the corridor down to the staircase of the school,
The lights suddenly turn on and off as usual. Gave me a little shiver as the wind flicked at my bare arms.

Hearing, sniggering, buzzing, humming, murmuring in every parts of it's every side of the corner, Try not to look back.

Don't look back, just...just don't look back sa isip ko

But I can feel that there's someone behind me, someone keeps looking and following me

I manage not to look back, all I can hear is my so fast heartbeat.
Nagmamadali akong lumakad pero parang hindi ko na kinaya, I can sense that anytime mahahabol na niya ako at mahahawakan at the same time. kaya tumakbo na ako ng mabilis, hanggang sa pangalawang palapag pa ako ng may nakasalubong akong

akong--

akong-

akong babae

"Hi!"Kaya napabuga nalang ako sa hangin, akala ko kung ano na!
para akong nasabunutan ng tinik

"Hello,"

"Saan ka pupunta, Bakit parang nagmamadali ka? Pababa ka rin ba?" She suddenly asked.
Ang dami namang tanong niya.

"Ahh...Nagmamadali kase ako at pababa na rin, ikaw?" Pabalik kung tanong habang tinitingnan ko siya sa paa hanggang sa ulo

Naka school uniform rin siya, kagaya ko kaso iba. I thought lahat ng uniform dito parehas, Baka may pinuntahan na kapatid or relatives dito. Baka nga!

Nahagip ko rin ang bandang likuran niya at madilim, Siya rin lang ba mag-isa dito sa hallway? Buti hindi siya natatakot!

At ibinalik ko ang tingin kanyang mukha at sa leeg na may itim na parang bilog sa dibdib hanggang sa batok, at may hickey din? Siguro boyfriend niya ang pinunta dito!

"Oo, Kaya sabay na tayo!" Masayang turan niya at pumulupot ang kanyang kamay sa aking braso, ang lamig ng kamay niya siguro natakot din siya hindi lang niya pinahalata.

"Ok,"

Sabay na kaming bumaba hanggang sa labas ng eskwelahan, kaya na re-relieved ako kase may kasama akong bumaba

Ng makarating kami sa crossing street may naramdaman akong parang tunog.

"Ano nga pala ginagawa mo dito? Hindi ka dito nag-aaral diba? Uhmm.. Ano kase pansin ko sa school uniform mo, Nagtatanong lang hehehe." Napakamot naman ako sa ulo habang nagtatanong paano ba kase baka sabihin niya na napaka tsismosa ko.

"Sa kabila ako nag-aaral, Uhmm..May pinuntahan lang akong tao na gusto kong patayin." Sagot niya, may binulong siya pero hindi ko marinig

Nasa likod ko kase siya, kaya hindi halos marinig ang boses niya, ni hindi ko nga alam kung ano ang ginagawa niya sa likuran ko!

Wait lang kanina pa buzz ng buzz ang phone ko, baka ito yung tunog kanina, ma check nga!

"Ahh...Sino pala pinuntahan mo, siguro boyfriend mo noh!?" Tudyo ko sa kanya habang naghahalungkat
ako sa bag, hinahanap ko kase phone ko, Asan na ba yun. Wag niyong sabihin naiwan ko.

"Hindi,"

Gotcha! sa isip ko
nasa ilalim ng gamit lang pala ang phone ko!

"Ayos lang kung hindi mo sasabihin, Alam kung nahihiya ka. Boyfriend mo siguro no, Yieeeee" Tudyo ko parin sa kanya habang nasa likuran ko parin siya. Ba't ba ang tahimik niya?

May nararamdaman akong may kung anong pumatak sa ulo kaya dahan dahan akong kinapa ang ulo sa bandang basa! bakit ang lagkit? pagtingin ko may dugo-
kaya kinakahan uli ako

dugo! then the b-b-blood suddenly change into white? parang isang patak ng ulan lang! then isa pang patak ng ulan sa aking kamay

Yeah! there's a rain drops from above
buti nalang may payong akong dala!
then biglang bumuhos ang malakas na ulan. Narinig ko ang pagbukas ng mga ibang payong kaya dali dali ko ring hinanap ang payong ko.

Totoo ba yung nakita ko kanina? may dugo o pilikmata lang yun! maybe I'm just hallucinating.

"Miss, ako ba kinakausap mo?" May babae sa gilid ko na bigla nalang nagtanong, Kumunot naman ang noo ko.

"Huh?"

Hindi ba niya nakikita kung sinong kausap ko?
Ahh baka akala niya siya ang kausap ko! Magsasalita na sana ako kaso inunahan na niya ako.

"Kanina pa kase ako nandito ng marinig ko ang boses mo na para bang may sinasabi, pero wala ka namang kasama. Pero nagsasalita ka parin hanggang dito, kaya nagsalita na ako kung ako ba kinakausap mo." Kumalbog bigla ang tibok ng puso ko,
So sino kausap ko kanina sa loob ng eskwelahan sa daan, at sinong..... sinong nasa

nasa--

nasa-

likuran ko?

May nararamdaman ako ehh! sa likuran ko, may tao sa likuran ko

yung--

yung-

babae kanina, nasa likuran ko-

ngayon!

Don't look back!, just don't freaking look back! kahit na basang basa na ako! pero gusto kong malaman kung sino ang nasa likuran ko
just one turn around

Kaya dahan dahan akong humarap sa kanya, parang bigla ata nag slow motion ang paligid pati ata ulan parang huminto!

Ito na!-

pumikit ako ng mariin

Haharap na-

Haharap na ako sa kanya
isang galaw nalang at mapapaharap na ako sa kanya

Isang tingin nalang-

At.....at.....at
kumalbog ang puso ko sa nakita
babaeng.......babaeng nakangisi
kahit umuulan kita ko parin ang buong itsura niya.

Bigla kong nabitawan ang phone at kahit ang lakas ng ulan, dahan dahan akong umatras ng umatras habang nakatingin sa kanyang pulang

pulang--

pulang mga-

mata!

Atras pa! atras pa! atras pa!

"MISS, SANDALI!!!!!" May narinig pa akong sumisigaw

Isang atras pa! and then everything's black!

See you on the next chapter guyz *wink*

Don't forget to Votes and Comments below 👇

While you we're sleepingWhere stories live. Discover now