Isa, Dalawa, Tatlo

8 2 0
                                    

This is inspired sa 100 na tula para kay stella na movie, super nakakaiyak yong kwento kaya nakagawa tuloy ako ng tula.

Happy Reading 🙂🙂

****
Isa, dalawa, tatlo
Tatlong salita na gustong gusto ko
Mga salitang mamumutawi sa iyong bibig
Na magbibigay sa puso nang kabig

Isa, Dalawa, Tatlo
Tatlong salita na magbibigay saya sa damdamin ko
Na binibigkas nang buong puso
Mga salitang hinihintay ko

Isa, Dalawa, Tatlo
Tatlong beses na hinintay ko
Bawat pagdaan ay panalangin ko
na mapakinggan nang buong buo

Isa, Dalawa, Tatlo
Tatlong beses na pagtulo
Ng langit na nagsusumamo
nang tinig na hinihintay ko

Isa, Dalawa, Tatlo
Tatlong beses na pagsusumamo
Nang puso na nagrereklamo
Ngunit Palaging bigo

Isa, Dalawa, Tatlo
Tatlong beses na tinatanong ko
Kailan kaya yong ako ?
Ako, na binibigkas nang labi mo

Isa, Dalawa, Tatlo
Mga bilang na sawang sawa na ako
Ako'y susuko na nga ba?
O maghihintay nang wala na?

Isa, Dalawa, Tatlo
Tatlong Tanong na hinahanapan ko
Nang kasagutan na gustong marinig
sa iyong magandang tinig

Isa, dalawa, tatlo
unang tanong nang puso ko
Maari ba naman na ako
ang maging Panalangin mo?

Isa, Dalawa, Tatlo
pangalawang tanong na nais ko
Maririning ko pa ba ang mga salita mo
na kay tagal na inaasam nang puso

Isa, Dalawa, Tatlo
Huling Tanong na inaasam ko
Maririning pa ba ang salitang I Love you
O kabiguan ang hinihintay ko ?

Isa, Dalawa, Tatlo
Bilang nang pagtatapos nang tula ko
Para sa katanungan na nais ko
at nang pusong sumasamo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Own EscapeWhere stories live. Discover now