Prologue

3 1 0
                                    




Panahong 960

"Patayin na iyan!"
"Hindi karapatdapat yan nabubuhay sa mundong ito!"
"paslangin na yan!"

sa hindi ko malaman na dahilan kung bakit ako narito sa tapat ng mga tao, habang ang mga kamay at paa ko ay nakatali.

hindi ko makita ang mga mukha ng lahat dahil sa subrang labo ng paningin ko.

"Siya si Felicity Francisco, tinangka niyang patayin ang Bagong Hari na si Demille Keith Alhonse, nagsala siya ng pinaka malaking kasalanan sa Emperor at sa lahat ng tao dito sa Alhonse, ang kaniyang parusa ay kamatayan."

doon na ako natauhan sa narinig ko at bumalik lahat ng ala-ala ko bago ako mapunta dito.

saka ako tumingin sa lahat ng tao, ang mga mata nilang nandidiri sa nakikita nila, ang mga matang hinuhusgahan na agad ang pagka-tao ko.

bumilis ang tibok ng puso ko ng mapatingin ako sa lalaking nakaupo sa di kalayuhan at nakatingin sakin ng parang wala lang sakaniya ang pinapanood niya.

ayuko umiyak sa harapan niya dahil tatawanan na naman niya ako.

"patayin na yan!"
"walang hiya! dapat paslangin na yan sinubukan niyang patayin ang bagong Hari!"

gusto ko mag salita at sabihin sa kanila na kasinungalingan lang ang lahat ng mga sinasabi nila!

"pero ano pa ba magagawa ko, sirang sira na buhay ko dahil sa lalaking minahal ko lang naman" napatawa ako ng malakas kahit na ang dila ko ay wala na.

napatigil ang lahat at tinitigan lang ako.

tinitigan ko sila ng masama at lalo na sa lalaking sumira ng buhay ko.

pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo sa'akin.

pag babayaran mo ang kasalanan na hindi ko naman ginawa!

nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sakaniya.

"patayin na iyan!"

naglakad ang mga alagad niya sakin at nilagay ang ulo ko malapit sa matalim na bagay na kayang hiwahin ang leeg ko.

nakangiti lang ako habang nakatitig pa rin sakaniya.

"Patayin!"
"Patayin!"
"PATAYIN!"

kung mabuhay man ako ulit sa mundong ito, sasusunod hindi na kita mamahalin–

"Argh! ayoko na tapusin! lalo lang ako nanggigil sa demille na yan!" sigaw ko dahilan na mapatingin sakin ang ibang tao na nandito sa library.

nag peace sign ako dahil ang sama na nang tingin nila sakin at saka sila bumalik sa pinagbabasa nila.

hindi nila ako masisi, inis na inis ako sa emperor na yan! siya pa may balak patayin yung babaeng binigay na sakaniya lahat lahat tapos susuklian lang siya ng kamatayan! aba hindi makatarungan yun!

gigil na gigil ako habang hawak hawak ang librong binabasa ko ngayun sa library.

"Bes! alam mo ba kung paano patayin 'tong demille na to kasi kung alam mo ako na mismo ang papatay sakaniya!" pabulong kong sigaw sa bestfriend ko na busy rin sa binabasa niya.

I became Death Villain in the NovelWhere stories live. Discover now