seven: ig story
NAGISING AKO NA MASAKIT ANG ULO. As usual, wala na naman si Yzriel. Hindi ko na siya nakikita kapag umaga. Lagi siyang nag iiwan ng note sa clock na nasa bedside table o kaya sa lamesa, pero wala ngayon kaya nagtaka ako.
Baka hindi talaga siya seryoso sa sinabi niya kahapon. Maybe it was out of pity. I don't know what got into his mind last night.
Binawasan ko na din ang work out ko kaya jogging na lang ang ginagawa ko kada araw. Pagkatapos ay nag breakfast muna ako bago nag prepare para sa trabaho. Nang matapos ay sumakay na ako sa sasakyan ko.
Naalala ko ang sinabi niya na ihahatid sundo niya ako kapag lumipat kami. Umiling iling na lang ako. Bakit nga ba ako naniwala?
Nang makababa sa company ay sinalubong ako agad ni Chelsea.
"Good morning, madam. Ito po ang schedule for today." Inabot niya ang tablet habang nagsasalita.
"Ayon lang po madam ang schedule natin ngayon, may bago pong paperworks madam." Tumango na lang ako bago pumasok sa office at sinimulan ang paperworks. Na distract lang ako nang mag message si Snow sa IG.
snow_yves: tignan mo to sis
In-open ko ang photo na sinend niya at napakunot ang noo. Story ni Yzriel 'yon sa IG kung saan naka akbay siya sa isang babae na naka lab coat din at naka peace sign sila. Ang laki pa ng ngiti nila at nasa hospital ang back ground. Walang tag, walang kahit ano. Just their picture.
So ito pala ang ginagawa niya kaya araw araw siyang maaga at hindi matupad ang sinabi na araw araw akong ihahatid sundo?
aysel.: bakit 'yan?
snow_yves: wla bka want mu lng ma see
aysel.: i don't care about his life, stop sending me shits like that.
snow_yves: PAKIPOT! NAKIKITA KO MUKHA MO NGAYON NAKABUSANGOT KA NA SIGURO!
Tama siya, nakabusangot nga talaga ako. I mean, nakakainis naman kasi talaga! Umasa ako sa promise niya na ihahatid sundo niya ako kasi ang hassle mag drive at ang layo pa namin tapos makikita ko 'yan?
aysel.: whatever.
snow_yves: ULOL HAHSHSHAHHSHHAHAHAHA DI MO KO MALOLOKO CARINA!
Hindi ko na siya nireply-an dahil tinawag na ako ni Chelsea para sa meeting. Nahalata niya siguro na wala ako sa mood kaya hindi siya nag salita. Pagkarating sa meeting room ay nagsimula na agad ang meeting. Napansin ng board na mainit ang ulo ko kaya minadali ang meeting.
"Madam, tubig po." Inabutan ako ni Chelsea ng bottled water kaya kinuha ko ito at ininom.
"Ayos lang kayo, madam?" Alanganin niyang tanong kaya tumango lang ako bago pumasok sa office ko at pinagpatuloy ang paperworks ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang tawag ni Amber sa'kin kaya sinagot ko agad ito.
"Amber?" Tanong ko sa kabilang linya. Maingay ang background kaya nagtaka ako.
[Hello, ma'am. Kaano ano niyo po ang may ari ng cellphone na ito?] Tanong ng isang lalaki sa kabilang linya. Narinig ko ang sirens ng ambulansya sa kabilang linya.
"I'm her sister, what happened?"
[Naaksidente po ang kapatid niyo ma'am. Pwede po bang pumunta kayo sa Heartstone Medical Hospital, ma'am?] I blinked twice, trying to process what he said.
[Ma'am?] Tawag ng lalaki.
"Yes, sure. I'm on my way." Kinuha ko agad ang bag ko bago binaba ang tawag. Nagmamadali akong lumabas kaya naman sinundan ako ni Chelsea.
BINABASA MO ANG
Dusk till Dawn (Sky Series 3)
Romance[SKY SERIES 3] Carina was always meant to be sophisticated and elegant. She was taught to be that way. Until she was told that she will be marrying someone. She hated his behavior, the way he does things, and the way he moves. But things took a dras...