The Senator's Woman

40 2 1
                                    

Delilah Series #1 - The Senator's Woman
Author: LadyClarita
Status: Complete
Genre: Romance
Language: Taglish

~
"Sigurado ka ba na ipapalaglag mo, Winona?" Boses na naman ng walang pusong ama niya na pumukaw sa akin. Mas hinigpitan ko ang mistulang pagyapos sa bagong buhay na dinadala. Napangiti ako sa sarili. "Oo, Senator Caleb Del Fuego. Sigurado na ako," sambit ko at ibinaba na ang telepono. Dahan-dahan akong lumayo na mula sa bintana at tinungo ang salamin sa sulok. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Nakita ko ang isang babaeng mistulang isang multo dahil sa suot na puting bestida. Nakalugay ang mahabang napakaitim na buhok na kulot sa dulo. Wala na ang kolorete sa mukha na nakapang-akit sa isa sa mga pinakamakapangyarihang tao sa bansa.

Hubad.

Makasalanan.

Isang apid sa lipunan.

Anay ng pamilya.

Ako si Winona Arabella Santibañez.

Ako ay isang kabit.

I am The Senator's Woman.
~

My own opinion:

Superb ang author nito. Ngayon lang ako nakabasa ng akda na talagang binigyang buhay ang karakter ng isang kabit na naaayon sa totoong buhay. Malapit sa katotohanan ng realidad ang kwento ni Winona. At hindi sa pangungunsinti ang akda pero nagtuturo ito kung ano dapat ang ginagawa ng isang taong nagkamali.

Babala lang sa mga menor de edad, hindi para sa inyo ang story na ito. Gayunpaman, kung babasahin niyo, maging responsable kayong mambabasa.

Follow nyo si author for more of her stories.

Done reading: January 2021

Best Stories to ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon