CHAPTER 1

35 3 0
                                    

"Napakaputik naman dito, tsk."

Naglalakad ako ngayon sa shortcut papuntang paaralan namin. Wala na kasing ibang daan na malapit lang dun kaya no choice ako kundi ang dumaan dito.

"Psst!"

Lumingon ako sa likuran, si Mikee. "Bakit?"

Natawa siya at umiling. "Wala."

Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makalabas na ako at kitang-kita ko na ang mga estudyanteng papunta din sa paaralan.

Huminto muna ako para mag-breathing exercise. Kinakabahan kasi ako. First day of school ko kasi as high school student kaya nagkakaganito ako.

"Woi! Okay ka lang?" si Mikee.

Para siguro akong tanga dito. "Wala. Kinakabahan lang ako, tsk."

"Chill ka lang, ano ka ba." sagot niya. "Hindi ka naman nila kakainin do'n."

Napailing ako at naglakad na. Naramdaman ko namang sumabay siya sa'kin kaya nilingon ko.

"Mikee." tawag ko.

Lumingon siya. "Bakit?"

"Kinakabahan ka?"

Natawa siya. "Hindi 'no. Second year ko na kaya sa SJHS."

Tumango-tango ako. "Oo nga pala."

"Puro lang naman pakilala ang gagawin niyo ngayon kasi bago pa lang kayo." Tumingin na ako sa dinadaanan ko. "Hindi din naman gaanong strict ang teachers."

Tumango na lang ako at pumasok na sa gate. Bumungad agad sa'kin ang kaisa-isang building ng SJHS pero may tatlong palapag. Sa front naman nito ay ang maluwang na field at ang mga bench na may katabing mga puno.

Naglakad na ako sa pathway na papunta sa first floor ng building. Napatingin ako sa canteen na malapit lang sa gate at nakita si Antonette. She's one of my closest friend since 5th grade.

"Hoy!"

Lumingon siya. "Rose Anneeee!"

Kumunot ang noo ko ng makita ang dala niyang kwek-kwek. "Ang aga-aga pa, may ganyan na?"

Tumango siya. "Marami daw kasi ang bumibili neto, eh."

"At ang aga-aga pa, kumakain ka na." biro ko.

Sumama ang kanyang mukha, natawa ako. Naglakad na kaming dalawa papuntang classroom na nasa first floor.

"Nasa'n nga pala si Jamie?" tanong ko.

"Nandun na sa classroom." Nakatingin pa din sa kinakain niya. "Nahihiya daw siyang lumabas."

Tumaas ang kaliwa kong kilay. "Siya pa talaga ang nahihiya, ah?"

Bigla siyang tumawa. "Joke lang. Nandun siya sa classroom, kausap sila Danica."

Tumango ako. Nakarating kaagad kami sa classroom at nadatnan sila Jamie na nag-uusap. Kaklase ko pa rin pala ang ilan sa mga kaklase ko nung elementary.

"Rose Anne!" Niyakap kaagad ako ni Jamie.

Natawa ako. "Tama na. Hindi na ako nakakahinga."

Tumawa naman sila sa sinabi ko. Nagkamustahan pa kami nang biglang dumating ang adviser namin. Si Ma'am Caryl Ferrer.

"Good morning everyone!" bati niya.

Rewrite The Stars (ON-GOING)Where stories live. Discover now